webnovel

Chapter 1: STARE

"Hey! Raindell who are you hooking up with now?" Tanong ni Jason sabay upo sa tabi niya. They're in the cafeteria, taking their lunch.

"Why? You wanna taste her when i'm done?" Balik tanong ni Raindell sabay nguya ng siopao, looking smug.

"Would you shut it guys! You're so disgusting." Irap naman ni Michell sa tabi ni Raindell. Palagi lang talagang nakadikit si Michell dito. Alam naman niyang may gusto ito sa kanya at sinabi pa mismong mahal siya nito. Pero wala talaga siyang ibang nararamdaman sa kababata kundi ang pagiging kaibigan o kapatid lang ang turing. Hindi niya rin ito sinasali sa mga babae niya.

"Tagal mo, Raimer." Sambit ni Raindell sa kakambal na kakaupo lang pagkatapos ilapag ang sariling tray ng pagkain sa table at saka umupo sa tabi ni Michell.

"Bakit? Na miss mo ko?" Biro nito.

"Pa'no naman kita mamimiss eh kung tumingin lang ako sa salamin ay parang nakikita rin kita." Sagot ni Raindell. Talagang magkahawig si Raindell at Raimer. Ang pagkakaiba nga lang ay hairstyle, fashion at ugali.

"Guys, don't forget about the party this coming Saturday, 7pm at my house, imbitahan niyo lahat. At kung sino mang mapapayag ang snob queen.." Itinuro pa ni Kent ang babaeng nasa counter area na kumukuha at nagbibigay ng orders ng mga estudyante. Estudyante lang din ito. Snob queen ang tawag ng karamihan dahil kung sino mang nakikipag-usap dito ay hindi lang nito pinapansin. Hindi ito madaldal, hindi nakikipagkaibigan, hindi ngumingiti. Namimisteryusohan nga sila sa babae. "..Ay bibigyan ko ng brand new Ferrari na latest model ngayon at hindi pa naipapalabas sa publiko." Kent wiggled his eyebrows with a smirk.

"Sayo na lang yan. - (negative) one milyon ang chance na mapapayag yan." Sambit ni Raindell na napabuntong-hininga na nakatingin sa babaeng pinag-uusapan nila. Umiiling din siya.

"Ou nga tol. Her glare's so scary." Jason shudered mockingly. Lumalagok ito ng canned coke.

"Ako, hindi ako komportable sa kanya. Napaka conservative and weird." Sabi naman ni Mike na ngumunguya lang ng pagkain.

Michell rolled her eyes. "Wag nga kayong magpustahan ng ganyan dahil kapwa babae ko yan." Inis na sambit niya.

"Ako, subukan ko kaya." Natigil ang lahat ng nasa mesa nila at napatingin kay Raimer. Saglit sila nagkatinginan. "Susubukan ko lang naman. Wala namang mawawala eh." Paliwanag ni Raimer.

"Hindi mo pa siya nakakausap di ba?" Pagpalo naman ni Kent sa likod nito.

"Maliban lang sa pag-order, ou hindi pa." Sagot ni Raimer.

"Goodluck kambal." Sambit ni Raindell.

"Gawin mo na ngayon." Excited na sabi ni Jason.

"Hindi yan papayag, i'm so sure." Sabad ni Michell.

"Wag ka namang negative." Pagsiko ni Raindell dito. "Suportahan mo kakambal ko."

"I'm not being negative. I'm just pointing out the obvious." Michell remarked with a scoff.

Umiling lang si Raindell at hindi na ito pinansin. "Sige na kambal, subukan mo na." Rain encouraged.

"Ou na, heto na." Tumayo na si Raimer at pinaspasan ang sarili dahil sa pagkain.

"Wag ka ng mag-ayos, hindi rin naman tatalab yan eh. Halos hindi ka nga niya titignan." Satsat pa ni Jason na tinutulak na paalis si Raimer sa upuan. "Goodluck." Dagdag pa nito.

"Do your best, bro." Ani Raindell na nakangiti pa sa kapatid.

"May premyo ka rin sa'kin pag napapayag mo siya." Pahabol ni Mike.

"Wala kang mapapala diyan." Hindi pahuhuling dagdag ni Michell.

Ilang hakbang nalang at malapit na siya sa pwesto ng babae. Konti na rin lang naman ang pumipila. Nag-antay lang siya ng ilang minuto at makakaharap na rin niya ito. Saglit tinutukan ni Raimer ang babae. Hindi naman ito masyadong conservative magsuot, normal lang. Nakaside-braid ang buhok na halatang mahaba dahil umaabot na yun sa beywang. Kulay brown ang buhok. Hindi niya alam kung pinakulayan o sadyang natural lang. Maputi ang babae at chinita. Hindi payat, hindi rin naman masyadong mataba, sakto lang. Fit ang katawan. May ilang hibla ng buhok nito na napupunta sa mukha, may pagkapinkish-red ang lips na parang nakalipstick pero alam ng lahat na hindi ito gumagamit non. Hindi ito nagma-make up. Mahahaba at maiitim na pilik mata na parang sumasayad na sa balat. Hindi naman masyadong matangos ang ilong, cute nga eh. Sobrang seryuso ang mukha nito o parang wala lang talagang emosyon. Hindi nga niya alam kung ano ang ilalarawan dito, maganda o cute? Sa kanya kasi, nandito na sa babae ang dalawang bagay na yun. And, to honestly admit, isa ang babaeng ito sa pinakamaganda at pinakamatalino sa skwelahan nila. Kaya alam rin niyang marami ng sumubok dumiskarte dito pero kahit ni isa, walang nakalusot. Kahit nga barkada niya at kapatid ay dineskartihan na ito pero wala talagang nangyari. Kaya sumuko na rin ang karamihan, may iba pa rin namang nagsusubok.

Napansin ni Faith na nakatitig lang ang lalaki sa kanya na para bang ang dami ng iniisip nito. Naningkit ang mga mata niya and her forehead knotted. May dumi kaya siya sa mukha? May nakikita ba itong kaluluwa sa likod niya? Bakit nga ba ito nakatitig sa kanya? Naiirita na siya at nagsnap ng fingers sa mukha ng lalaki.

Agad naputol ang iniisip ni Raimer nang may kung anong tumunog sa mismong mukha niya. He blinked his eyes a few times. At saka bumalik sa kasalukuyan ang isip. Naniningkit ang mga mata ni Faith na nakatingin sa kanya. Nahalata nga nitong nakatitig siya dito.

"Anong order mo?" Malamig na tanong ni Faith. Si Raimer ito, isa sa kambal. Kahit hindi siya nakikihalubilo maliban lang kung sa trabaho niya o kailangan ay alam naman niya ang mga pangalan ng ilang sikat sa school nila. Kasali ito sa pinakasikat sa school kasi nga tulad ng iba ring sikat, mayaman, may itsura, karamihan nga lang walang utak pero ito at ang kakambal nito ay meron, parehong athlete at matitipuno ang katawan. Pero sa katunayan, wala talaga siyang pakialam sa mga bagay na yan. Kailangan muna niyang buhayin ang sarili niya.

"Before that, I want to invite you to my friend's party, kay Kent. House party lang naman, to welcome another year, opening party ito sa new school year. Imbitado lahat, pwe---"

"It's your order that i want, not a house party or any party invitation from you or anyone else. I'm not in the very least interested in worthless things like that." She cutted him off with clear annoyance and impatience in her voice and features. She snapped a finger in front of him again. "Now, your order?" She raised an eyebrow at him.

Raimer thought of what could he say to that. That's very straightforward. Naisip niyang subukan uli. "Ayaw mo ba talagang subukan? Kahit isang beses lang. I'm sure you'll have a lot of fun. Try it, just once." Never nga rin kasing nakita ito ni Raimer sa lahat ng house party kahit na imbitado lahat ng studyante sa skwelahan. Kung sa mga school parties naman ay nakikita niya itong tumutulong sa mga school maintainance na nag-aasikaso sa mga dekorasyon o kaya naglilinis, nag-aayos ng mga bagay-bagay at hindi ito sumasali sa kasiyahan. Hindi nga niya ito nakitang ngumiti ng tunay ni minsan o isang beses man lang, kung ngumiti man ito yun ay pangungutya nga lang at peke lalo na sa mga lalaki at pag-inaapi ito ng ilang kababaihan dahil sa pagka-insecure nila o inis dito.

Bumuntong-hininga si Faith. Sure naman siyang nakakaintindi ng English ang lalaking nasa harap niya kasi nagsasalita nga ito ng language na yun eh. So ano bang hindi klaro o hindi naiintindihan nito sa mga sinabi niya?

Matalim na ang titig ni Faith kay Raimer. "Kung hindi ka oorder, umalis ka na lang, bumalik ka na sa kampo mo, pinapahaba mo lang ang linya." Umirap pa siya dito. Tinignan na ni Faith ang taong kasunod nito.

It's very clear that she's dismissing him already. Raimer sighed and stepped aside. He approahed his group again.

Sa tingin pa lang ni Raindell ay alam niyang bigo ang kakambal. Nakalapit na rin ito at umupo uli.

"I told you so." Sambit ni Michell.

"Better luck next time, bro." Sabi ni Raindell.

"Kung may next time pa." Nakatawang usal ni Jason.

Kent sighed. "Wala pa talagang nakakaapekto diyan." Nakasandal na ito at nakacross-arms.

Katatapos lang inumin ni Raindell ang bottled water niya, sumandal na rin siya at napatingin sa kanan, sa unahan, sa food counter, sa babae, kay Faith. Tinititigan niya ito. Maganda na ito o cute kahit malayo. Lalo na pag sa malapitan. Cute na maganda, maganda na cute. Basta hindi nakakasawa ang itsura nito kahit habangbuhay mo itong titigan. Medyo nalulungkot rin siya pag tinitignan ito kasi kahit kailan hindi pa niya ito nakitang ngumiti sa loob o labas ng school. Gusto niya ito makitang masaya kahit saglit. Napakaloner kasi.

Napansin ni Michell ang ginagawa ni Raindell at hindi niya gusto iyon. Tinignan niya ang mata nito at iba ang pagkakatitig nito sa babae. Parang puno ng pag-aalala at may pinapahiwatig. May gusto kaya ito kay Faith? Hindi! Imposible yon. Ni hindi pa nga niya nakikitang nag-uusap ang dalawa.

Naramdaman ni Faith na may nakatitig na naman sa kanya. Actually, kailangan ba talagang marami sila? Hindi nga siya nag-aayos ng itsura niya eh, ni lipstick wala siya. Suklay nga lang at pulbo. Pero lutang pa rin talaga ang itsura niya.

"Faith ako na dito, kumain ka na." Sabi ni Josei.

"Okay po." Sang-ayon niya at pumunta na siya sa kusina. Pero bago yun, ay nahuli niyang isa sa kambal ang nakatitig sa kanya. Si Raindell.

Binawi na ni Rain ang tingin nang makitang pumasok na si Faith sa isang pintuan patungong kusina. Pero alam niyang nahuli siya nitong nakatitig. Palagi naman eh. Kasi palagi niya itong tinititigan.

Próximo capítulo