webnovel

KAILAN KA DAPAT MAKIPAGHIWALAY?

Kung tinatamad... Wag basahin... Kung kailangan ng payong pag ibig e basahin mo ito...

Kailan ka nga ba dapat makipaghiwalay? pag binubugbog ka? pag minumura ka na? pag ba ipinapahiya ka na sa harap ng maraming tao? o pag nangbabae na at hindi na umuuwi sayo?

The truth is alam naman natin kung kelan dapat mag give up. Pero hindi natin ginagawa kasi kahit ideny mo man, deep inside mahal mo, na sa kabila ng lahat ng masasakit na ginawa at sinabi niya sa iyo mahal mo pa rin siya na deep inside umaasa ka na magbabago sya at babalik kayo sa dating kayo na deep inside kahit hindi ka aware personal reason pa rin ang dahilan kung bakit hindi mo siya maiwan.

Hindi dahil mawawalan ng ama ang anak mo, hindi dahil magiging broken family kayo, Hindi rin dahil sa walang bubuhay sa pamilya, Given na yan eh. Alam mo naman na yan. Aminin mo man o hindi sa amin o sa sarili mo, kaya hindi mo maiwan kasi nga mahal mo.

Naniniwala ako na ANG DESISYON NAGIGING MALI LANG YAN PAG HINDI MO KAYANG PANINDIGAN. Kung desisyon mong hiwalayan siya then stand by it. Kung lumapit sya sayo for second chance nasa sa iyo kung babalik ka nasa sa iyo kung maniniwala ka uli sa kanya. nasa sa iyo rin kung matapang kang sumugal uli. PROMISES AINT PAINFULL, EXPECTATIONS ARE. hindi naman tayo nasasaktan sa mga hindi natupad na pangako. nasasaktan tayo kasi umaasa tayong tutupad sila sa pangako. nasasaktan tayo kasi yung taong nangako sa atin ang mismong nagpaasa sa atin.

You can give chances as many as you can. Parang entries sa raffle lang yan hanggang kaya ng puso mo sige give lang ng give! pero naitanong mo ba sa sarili mo, Is giving him another chance worth it? Na naipakita ba nya sa akin na hindi niya sasayangin yung ibibigay ko sa kanyang pagkakataon? Ang siste kasi, When you give out chances to a person who have hurt you in the past, you are giving them AGAIN the license to hurt you, na mas masakit kesa sa una. whe you give them chances, you are not just giving them the chances itself but another part of you. A part of you na magagamit mo na sana para mag move forward na gumawa ng panibagong buhay.

A part of you na you can start with.

tamang magbigay ng chance pero dapat alam mo kung tama ba ang pagbibigyan mo at kung nasa tamang panahon ka bang magbigay ng chance. tanungin mo muna ang sarili mo. kasi kung magbibigay ka nga ng chance tapos wala naman ng trust and respect wala rin. palalalain mo lang ang sitwasyon. Pasasakitan mo lang ang sarili mo. tatanggalan mo lang ng peace of mind ang sarili mo. When giving chances. analize first kung bakit ka ba dapat magbigay ng chance, kung karapat dapat ba sya at kung nasa tamang panahon ka na ba para magbigay nito.

PAANO BA MAG MOVE ON?

Bakla jusko! Alam mo kung paano ayaw mo lang kasi umaasa kang babalik sya!

wala namang steps ang pagmomove on. ako naniniwala akong di ka dapat magmove on. Ang dapat mag move forward ka! magka iba yan!

ang moving on, yung ipinagpapatuloy mo yung buhay mo ng minamahal pa rin siya. yung ipinagpapatuloy mo ang buhay mo sa paraang nabuhay kayong magkasama. yung nabubuhay ka sa kung anong naiwan para iyo. tipong Go on with the flow ka lang hangang sa mawala yung feelings mo. yung gumagalaw at nabubuhay ka sa parehong level nung iniwan ka nya.

Ang moving forward beks, yun yung mabubuhay ka uli sa paraang nabuhay ka nung wala pa sya. Yung tipong iiba ka sa agos. kung nabuhay ka sa ganitong paraan na kasama sya ang gagawin mo sa moving forward eh iiba ka. yung tipong yung mga gusto mo noon na ayaw nya at yung mga iginive up mo eh ipagpapatuloy mo na ngayon. yung kung kaya mo aakyat ka ng isang level galing sa binagsakan mo. For example, wala kang kakayahang buhayin ang anak mo nung iniwan nya kayo or nung nakipaghiwalay ka, ngayon gagawa ka ng sarili mong paraan para maiba yun. maghanap buhay ka. ipakita mo sa kanya kung ano yung ipinagpalit nya. kung ano yung sinayang nya.

I dont believe in new beginings. i believe more in CONTINUATION. yung ipagpapatuloy mo yung kwento ng buhay mo hindi sa ibang libro kundi sa parehong libro din pero may ibang character development na. yung may ibang plot twists na. hindi ba mas masarap magbasa ng happy ending kesa sa tragic? kung isasara mo ang libro ng buhay mo sa yugto na sinira ka nya hindi ba ampanget balikan? pero kung ipagpapatuloy mo yung kwento mo at magdedevelop ka bilang bida hindi ba mas masarap balikan yung nakaraan? kasi it helps you to be the better version of you.

wag mong madaliin ang pagmomove forward. ramdamin mo lahat ng phase na daraanan mo. it will make you stronger. DIAMONDS UNDERGOES TO EXTREME HEAT AND FIRE BEFORE THEY CAME OUT BEAUTIFUL. BUTTERFLIES ARE ONCE AN UGLY CATTERPILLAR. bago mo ma achieve ang bagong ikaw, marami kang struggles na daraanan. maraming sakit kang mararamdaman.

magpaganda ka. mag ayos ka. dont let this person robbed you out of your self indentity. buoin mo ang sarili mo sa sarili mong oras at paraan. stay broken if you want pero wag mong tambayan yang phase na yan. ipakita mo sa kanya kung anong nawala sa kanya. kung anong sinayang niya. kung may budget ka naman, magpagupit ka, magpaparlor ka. baguhin mo yung dati mong apperance. MAG COME BACK KA NG BAGO KA NA. pag nakita ng bago nya or siya mismo ang magandang pagbabago sa iyo nung iniwan mo siya believe me maguguluhan silang pareho. REMEMBER, EX ANG KINAKATAKUTANG MALALA NG PRESENT. AT EX DIN ANG GUSTONG GUSTONG BALIKAN. yan ay kung pinanindigan mong maging ex na nya.

THERE IS ALWAYS A RAINBOW AFTER THE RAIN. kung lugmok ka ngayon, ngayon lang yan. di mo lang pa panahon. darating ang panahon na taas noo ka na kasi wala na sayo ang lahat.

EVERYTHING WILL BE OK IN THE END, IF ITS NOT OKAY THEN ITS NOT YET THE END.

Próximo capítulo