webnovel

Second Chance

Napakahirap magbigay ng second chance, Lalo na kung niloko ka niya at nagkaroon siya ng iba ang naging dahilan ng paghihiwalay ninyo. Kaya nga ang second chance hindi ito para sa mahihina ang loob, hindi ito para sa mga duwag, hindi ito pwede sa mga taong madaling mapagod at magsawa.

Kapag minahal mo siya, para 'yang binigyan mo siya ng baril at lisensiya na barilin ka niya ng point blank anytime, ang second chance naman, para 'yang binawi mo 'yung baril, pinalitan mo ng granada at hindi mo pa din binawi ang lisensiya na wasakin ka niya anytime, kasi alam mo nag ri-risk ka, ini ri-risk mo 'yung puso mo at buo mong pagkatao para lang subukang i-work out muli ang relasyon ninyo. Kapag nagbigay ka ng Second chance, handa ka dapat sa consequences, kung ang kaya mo lang ay patawarin siya pero hindi ang kalimutan ang nagawa niyang kasalanan, huwag mo na siyang bigyan ng second chance, dahil kung hindi mo kayang i-let go ang past mistakes niya, uulit at uulit lang kayo, dahil lagi ka pa ding kakainin ng paghihinala, selos, paranoia, doubts, kakainin kayo ng sumbat at lalo lang kayong magkakasakitan. Kung hindi ka handa at hindi mo kayang magsimulang muli, huwag mo ng subukan ang Second chance.

May mga tao kasi na kayang magpatawad pero hindi kayang lumimot, hindi kayang umalpas sa nakaraan, nanatiling nakakulong sa anino ng pagkakamaling nagawa ng partner niya. Hindi madali ang magpatawad, walang pumipilit sayo dahil ikaw lang ang pwedeng makapag decide niyan, kung handa ka bang patawarin siya o hindi, walang ibang taong pwedeng magdikta niyang bagay na iyan kundi ikaw lang. Kung hindi ka handa, lumayo ka muna, give yourself enough room to breathe, minsan kasi, kailangan mo munang mag move on bago mo siya mapatawad ng tuluyan.

Kaya iba ang Pagpapatawad sa Pagsisimulang muli. Dahil karamihan sa atin, nakakayang magpatawad pero hindi magawang magsimulang muli, at lahat ng handang magsimula ng bago, nagawang magpatawad ng buong buo.

Kapag binigyan mo ng second chance ang partner mo, siguraduhin mo na hindi lang pagpapatawad ang kaya mong gawin kundi na din ang pagsisimulang muli ng bago. Huwag ninyong dugtungan ang dati ninyong relasyon na nag fail, magsimula kayong muli, bumalik kayo sa umpisa, gumawa kayo ng mga bagong alaala, kilalanin ninyong muli ang isa't isa, iwasan ang mga dating pagkakamali, matuto kayo sa dati, kaya marami ang mga Second chance na nag fe-fail kasi hindi nila nagawang magsimulang muli ng isang bagong relasyon, dinudugtungan lang nila iyong dati, ginagawa ang mga dating pagkakamali, hindi 'yan mag wo-work lalo na kung paulit-ulit n'yong ibabalik ang mga kasalanang nagawa ninyo sa isa't isa dati.

Kung hindi mo kayang kalimutan ang nakaraan at hindi ka handa na magsimulang muli kasama ang partner mo, hindi para sa inyo ang second chance.

Kaya marami sa atin ang naghihiwalay kahit na mahal pa nila ang isa't isa, dahil kaya man nilang patawarin ang isa't isa sa mga kasalanang nagawa nila, hindi naman nila magawang umalpas sa nakaraan at gumawa muli ng bagong simula.

Dahil hindi lahat nang nagpapatawad ay handang magbigay ng isa pang pagkakataon.

.

.

.

.

Próximo capítulo