SOMEONE's POV
Si xavier ang naging bunga ng pagmamahalan ng isang engkanto at isang tao. Siya sana ang mawawala sa mundong ito, pero nabaliktad ang pangyayari.
Nawala ang sumpa, dahil hindi siya ang totoong itinakda.
Ang magiging intinakda ay hindi isa kundi dalawa, isang babae at isang lalaki
Ngunit..
Isa sa kanila ang mawawala,
Dahil isa sa kanila ang magiging kapalit ng naputol na sumpa.
Aabot ang kambal hanggang 18 years old.
Dun nila malalaman kung sino talaga ang mawawala sa kanila.
XAVIER's POV:
"Aaahhhhh!!!!! Hoo.hoo.hoo eeiiihhhhhhhh!!!!!!!!!". Sigaw ni sheena habang isinilang ang kambal naming anak. Oo kambal sila, pero takang taka ako kung bakit ganon..
Parang isa't kalahating oras na ire ng ire si sheena rinig na rinig ko ang boses niya, kaya hindi ko maiwasang mag alala.
Sana magiging ligtas ang mag ina ko.
" Mr. Ikaw po ba ang asawa at ama ng mga bata?, i'm sorry sir we did everything, but sad to say the patient is dead but your children are alive. I'm sorry". Yan ang wika ng doctor parang pinagsalpukan ng tsunami at Volcanic Erruption ang mundo ko dahil sa narinig ko.
Wala na siya, wala na si ena wala na ang babaeng mahal ko.
"sheena!!!!!!!". Sigaw ko habang sinusuntok ang kamao ko sa pader
Buhay ang mga anak ko, pero wala na ang mahal ko.
" Gagu!". Nagising ako dahil may bumatok sa'kin.
Puta -.- panaginip ko lang pala yun
Pero parang totoo lahat eh. Pagising ko nakita ko si sheena na sinamaan ako ng tingin, andito ako sa tagiliran niya, at di ko mapigilang umiyak sa tabi niya agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo.
"Panaginip ko lang pala yun ngina". Bulong ko sa kanya
" May pa sigaw sigaw ka pa dyan sa gilid ko akala ko kung ano na ang nangyari badtrip ka". Sabi niya sa'kin at himapas ang braso ko
"Hehe sorry na ". Sabi ko sa kanya
Pero ang weird talaga ng panaginip ko eh. Teka bat ganon? Bakit sa panaginip ko nanganganak siya? Hayssshh!! Ano ba xavier! Kung ano na naman yang nasa isip mo tsk
SHEENA's POV
Nagising ako dahil sa boses ng isang lalaki na sumisigaw sa tabi ko. Pagising ko, si xavier pala -.- kala ko kung ano na ang nangyari eh kinabahan tuloy ako psh
Ang weird niya ngayon, kakaiba ang pangkilos niya eh.. Parang naging sweet siya well actually alam namab nating sweet talaga siya, pero this time kakaiba eh. Parang ang sweetness na pinaramdam niya sa'kin parang nagsasabi siya na ayaw niyang mawala ako na parang ganun..
~~•••FF•••~ 2 Months Later•••~~
"Ma! Ang iniiitttt huhuhu". Sigaw ko mula sa kusina, kanina pa ako inom ng inom ng tubig tas electric fan dito, electric fan dun, parang 6 na electric fan na ata ang nakapaligid sa'kin eh, naka full pa pero waley pa din with matching pamaypay pa yan ah.
[/sniff/sniff] leche ambaho!!!
Agad akong tumakbo dun sa lababo at nagsusuka. Kaninong perfume ba yun?
" hey ate!". Masayang bati sa'kin ng kapatid ko
"Ay bungal!". Napasigaw ako dahil sa gulat. Shit kapatid ko pala yung nasa likuran ko
Napalayo ako sa kanya dahil sa~ dahil sa sobrang lakas ng amoy nung perfume niya
" b-baby lumayo ka muna kay ate ah, your perfume stinks". Sabi ko sa kanya kaya tumakbo agad siya kay mama at pinapunta dito sa kusina
"Eomma! Ate is vommiting in the kitchen". Rinig kong sumbong niya kay mama
Pinuntahan naman ako agad ni mama at
~~BLEEEKKk~~
Di ko alam pero parang ampanget ng pakiramdam ko ngayon nakakainis naman
" anak, okay ka lang ba?". Halata sa boses ni mama ang pag alala habang hinuhugod ang likod ko
Tsk, malamang nagsusuka nga diba!? Malamang hindi okay duh
"O-okay lang a-ako ma". Utal na sabi ko at agad pumunta sa kwarto ko
Sumilip ako sa labas at may nakita akong.. Kyaaahhhh!!!! puno ng mangga!!!!!
" mama!!". Tawag ko kay mama
"Oh bakit nak? Anong nangyari?". Agad naman lumapit si mama sa'kin
" ma.. Gusto ko ng mangga pleaseee". Tas nag puppy eyes sa kanya
"Hmm sige, papabili kita kay manong". Sagot niya naman
" ma! Yung hinog po ah labyuu". Sabi ko at tumango naman siya bilang sagot
~waiting~waiting~waiting~
"Oh anak eto na". Bigay ni mama sa'kin ng 3 mangga na nasa platito tas binalatan na
" thanks ma". Sabi ko at tumabi siya sa'kin
"Anak, naga alala na ako sa'yo.. Naranasan ko na ang ganyan eh. Noon, hindi ka naman mahilig sa maaasim, tapos ngayon kain ka ng kain ng mangga, tapos nagsusuka ka, at napansin ko din na nag layag ka, di kaya.. Magpa check up tayo anak?". Sabi niya sa'kin
Lumingon ako sa kanya at " ma! Pa check up lang walang tayo! Bwahahaha". Sabi ko kay mama
"Jusko nak seryoso ako". Kaya napaayos naman ako ng upo habang kumakain ng mangga
" anak symptomas yan ng pagbubuntis". Sabi niya
A-ako!? Buntis? Pfft si mama nagpapatawa p-pero pa'no kung totoo? jusko naman Sheena
XAVIER's POV
Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila ena, tinext niya kasi ako kanina papuntahin daw niya ako sa bahay nila, magpapacheck up daw siya, at ako daw ang isasama sa check up na gaganapin ngayon. Bat ako?
Ilang minutong paghihintay, lumabas na siya. Naka white long sleeve lang siya at black shorts at white shoes with black cap. Ang ganda niya shit.
"Anong tinitingin tingin mo ha?". Pagsusungit niya
" may regla ka na naman ba? Hayss sayang di na naman tayo makakagawa ng--". Naputol ang sinabi ko ng kinurot niya ang tagiliran ko
"Aray! Problema mo?". Sinamaan niya lang ako ng tingin at pumasok ng kotse
" Dun tayo sa agatha jane's Hostpital". Sabi niya sa'kin. Tumango lang naman ako
{xavier: kalokohan mo author ah😂 readers! Basahin niyo ulit yung name ng hospital, hahahahaha LT}
=drive drive drive=
...silence...
"Babe, bat ka magpapa check up? May sakit ka ba?". Tanong ko
" wala". Simpleng sagot niya
"xavier..". Mahinang sabi niya
" kinakabahan ako, baka totoo ang sinabi ni mama sa'kin kaninang umaga". Dagdag niya
"Anong sinabi niya?".
" Dapat daw ako magpa check up kasi, etong mga symptomas na nararanasan ko ayy--.. Symptomas ng pagbubuntis". Napayuko siya sa sinabi niya
Pinark ko agad sa parking lot ng hospital ang kotse ko.
Bumaba na ako at pinagbuksan siya ng pinto.
Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo,
"Don't worry, kung ano man ang magiging resulta dyan, paninindigan kita". Sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya
Ngumiti lang siya
" Eh pa'no yan.. Nabuo sila ng dahil lang trip nating mag ano?". Nakayuko niyang sabi
Tch ang cute niya talaga eh hahaha
"Hindi, nabuo siya dahil mahal kita, pero ewan ko lang kung .. Mahal mo din ako". Sabi ko at umiwas ng tingin
" m-mahal din naman kita ah". Sagot niya
"Ano yung Ms. Mendoza?". Pinaulit ko siya sa sinabi niya
" Bingi lang? Sabi ko mahal din kita!". Bulong niya sa'kin at tumingkad pa talaga siya (pandak eh)
Nakakabakla man pakinggan pero oo, kinikilig ang guapo este ako.
"T-tayo na ba?". Tanong niya sa'kin
" matagal na naging tayo babe, di mo lang talaga ako maalala dahil pilit tayong ipinaglayo ng tadhana". Sagot ko
Napakunot naman ang noo niya at agad ko namang hinalikan yun
Ngumiti lang siya sa'kin at inakbayan ko siya habang papasok kami sa hospital