Summer's Outlook
Nandito kami nila Walts, tito Leonard, ako at ibang opisyal sa loob ng palasyo para pag planohan ang gagawing pagsalakay sa tinataguan ni R- man.
Masyado kasing malakas si R- man kaya dapat nasa plano ang lahat kung talagang gusto naming patayin siya.
Si R- man ay masyadong malakas, makapangyarihan, at walang puso dahil nga sa siya ay gawa sa makina. Pero lahat ay may kahinaan, si R- man bilang isang makina ay pinapagana lamang siya ng chips, kaya kung sakaling matanggal namin siya, mag sha shot down ang kanyang katawan at maari na namin siyang wasakin.
Pero hindi ganon kadaling makalapit dito kaya kaylangan namin siyang pag handaan.
"Ganito ang plano. Magpapadala ako ng maraming maraming military robot, dadaan tayo sa portal para mapabilis ang kanilang pag dating, ilalabas sila ng portal sa labas ng lumang palasyo at sabay sabay silang sasalakay." Seryosong nag sasalita si tito Leonard habang tinuturo ang tamang lugar kung saan dapat pumwesto.
"Dad. Sasama ako. Gusto kong ako ang makatalo sa halimaw na iyon!" Napatingin ako kay Walts ng bigla siyang nag salita.
"Pero Walts, masyadong makapangyarihan ang halimaw na ito. Kaya mo ba siya?" Tiningnan niya sa mata si Walts at para silang nag uusap gamit ang mga mata.
Seryoso ba sila? Paano sila nag kakaintinidhan sa pamamagitan ng titigan?
"Ok! Sumama ka Walts kung iyon ang gusto mo. Naniniwala ako sayo anak!" Tumango lang si Walts sa presidente at tumingin naman siya sa akin na parang nag papa alam.
Ngumiti ako sa kanya saka hinawakan ang kanyang kamay.
"Sasama din ako Walts! Gusto ko ding sumama. Tutal ako naman ang may gawa ng lahat ng ito eh. Gusto kong isa ako sa tatama ng kamalian ko!" Gusto kong sumama. Gusto kong makita kung paano mawasak ang sumira sa buhay ko. Gusto kong makita kung paano siya magiging abo.
Sobrang dami niyang binigay saking sakit. Ito nalang siguro ang paraan para mabawasan ang nadulot niya saking buhay.
"Pero Summer-" hindi ko na pinatapos si Walts dahil nag salita na ako.
"Walts, babe. Isama mo na ako. Gusto kong masaksihan ang lahat. Naiintindihan mo naman ako di ba? Walts. Please?" Hindi siya nag salita saka nag buntong hininga.
Hinigpitan niya ang pagkaahawak sa aking kamay saka tumungin sa aking mata.
"Pero mapanganib doon. Hindi natin alam kong ano pa ang kayang gawin ni R- man." Naiintindihan ko siya. Pero sana naiintindihan niya din ako.
"Alam ko Walts. Pero sa tingin mo. Sa mga napag daanan ko, ano pa ang mas mapanganib doon? Siya ang dahilan ng pagkasira ng buhay ko. Hindi naman ako papayag na makatakas pa siya sa pagkakataong ito!" Napapikit siya saka napatango.
"Cge Summer. Sasama ka. Pero ipangako mong wag kang lalayo sa mga kawal, ok?" Ngumiti din ako sa kanya saka tumango.
Isa isa na kaming pumasok sa kwarto kung saan nakalagay ang portal. Dito sa mundo namin, gumagamit na kami ng portal para bumyahe kung malayo ang pupuntahan. Katulad nalamang ngayon.
Ang portal na sinasabi ko ay isang malaking bilog na kung saan pinapagana ng liwanag na nag mula sa kidlat, sa gilid ng portal ay may isang lalagyan ng GPS na siya namang magiging mapa sa iyong kalalagyan.
Isa isa na silang pumapasok sa portal at hindi nag tagal ay sumunod na kami ni Walts.
Pumasok kami sa liwanag hanggang sa wala na kaming makita, naramdaman kong mahigpit na hinawakan ni Walts ang aking kamay. Lumipas ang ilang minuto ay unti unti ng nawawala ang liwanag at sumalubong sa amin ang madilim na kagubatan at mataas na bakod.
"Master. Nasa likod ng mataas na bakod na ito ang palasyo kung saan nagtatago si R- man!" Tumango si Walts sa nagsalita at sa pagkakaalam ko ay siya si 24KB ang namumuno sa hukbo ng mga military robot.
"Ok sige. Sabihan na ang lahat at sabay sabay tayong sumugod." Tumango naman si 24KB saka ito umalis.
"Summer. Kahit ano man ang mangyari, tandaan mo na mahal na mahal kita. Wag mong kakalimutan iyon ah?" Hindi ko alam kung bait niya sinasabi ang ganito.
Nag tataka man. Tumango nalang ako bilang tugon.
"Mahal na mahal din naman kita Walts eh." Kahit oras oras ko pang sabihin iyon sa kanya ay hindi ako mag sasawa.
Kulang pa nga ang salitang 'mahal kita' para ma describe ang nararamdaman ko. Kaya kong gawin lahat nv bagay para lang sa kanya.
"Alam ko Summer. Alam na alam ko!" Tumango nalang ako sa kanya saka ko siya niyayang pumasok sa lumang palasyo.
"Summer teka!" Tumigil ako sa pag lalakad ng tinawag niya ako.
"Ano iyon?" Lumapit siya sa akin saka may kinuha sa kanyang bulsa.
"Summer. Itago mo itong silver dagger. Maari mo itong magamit kung saka sakali, po protektahan ka nito sa kahit na sino! Wag na wag mong hahayaan na maagaw ito ng iba!" Hinawakan niya ang aking kamay saka nilagay dito ang dagger. Silver dagger!
"I don't know kung bakit mo siya binibigay sa akin e meron naman akong baril. Pero salamat, oo! Aalagaan ko ito kagaya ng pag aalaga ko sayo! I love you Walts!" Ngumiti lang siya sa akin saka mahigpit ako nitong niyakap.
"I love you Summer. Sana gawin mo ang tama pagkatapos nito!" Bulong niya sa akin.
May naramdaman akong iba sa kanyang boses. Parang may masamang mangyayari pagkatos nito.
Tatanungin ko sana siya pero hindi na natuloy ng nakarinig kami ng sunod sunod na putok at pagsabog.
"Simula na!" Ang sabi ni Walts at hinawakan ang aking kamay at hinila ako nito para magtago sa malaking puno.
Sinenyasan ni Walts ang mga military robot na kasama namin na sunugod at ganon din ang ginawa nila.
Sumunod kami ni Walts sa pag sugod hanggang sa makarating kami sa harap ng lumang palasyo.
Nagulat ako ng makita kong maraming kalaban ang mga military robot na kasama namin. Mga naka suot ito ng itim, may mahahabang pangil at pulang mata.
Saan nanggaling ang mga ito? Sa pag kakaalam ko ay si R- man lang ang alam kong nag tatago sa lumang palasyong ito.
Pero ang mas makapag pagulat lalo sa akin ay ang mga kalaban mga ito. Nakikipag laban ang mga mga nakasuot ng itim sa mga tao at hindi military robot. At hindi mga baril ang hawak nito kundi espada.
"Walts anong nangyayari? Bakit mga tao na ang kasama natin? Asan na yung nga military robot? At saan nanggaling ang nga naka itim na iyan?" Tinuro ko ang mga naka itim na nakikipag laban.
Tumingin sa amin yung isa at sumugod ito.
"Ahh!" Napasigaw ako ng makita kong tumalon ito palapit sa amin ni Walts para sugodin kami. Buti nalang at mabilis si Walts at naunahan niya itong sumugod at sinaksak niya ito sa kanyang tiyan.
Nakita kong sumuka ito ng dugo kaya napaiwas ako ng tingin.
Tinawag ni Walts ang isa sa mga taong nakikipaglaban sa mga naka suot ng itim na damit at lumapit ito sa amin.
"Exx! Ikaw munang bahala kay Summer. Wag na wag mo siyang tatanggalin sa iyong paningin. Papasok lang ako sa lumang palasyo para hanapin si R- man!" Tumango naman si Exx, yung taong tinawag ni Walts kanina.
Tumingin yung Exx sa akin saka binalik ang kanyang tingin kay Walts.
"Cge master. Ako ang bahala sa kanya!" Tumango din si Walts saka ngumiti sa akin.
"Dito kalang Summer. Hindi ka niya papabayaan!" Mag aapila pa sana ako kay Walts pero mabilis na siyang umalis.
Nagulat naman ako sa bilis ni Walts dahil sa isag iglap ay nasa pinto na siya ng palasyo.
Tatawagin ko pa sana siya pero napatigil ako ng may isang babae ang sumugod sa amin.
Sa subrang bilis ng pangyayari ay nakita ko nalang yung babae na tumilapon sa sahig. Babangon pa sana ito ng sumugod yung Exx at dinukot ang puso ng babae at tinapon sa kung saan.
Fuck! Fuck! Anong nangyayari? Bakit may ganito?
Tumingin sa akin si Exx at nakita kong pula na ang kanyang mata at may pangil din ito kagaya ng mga makasuot ng itim na kagaya ng kay R- man.
Fuck! Kalaban ba siya? Bumilis naman ang tibok ng puso ko at sa subrang takot ay napatakbo ako kung saan pumunta si Walts. Sa lumang palasyo.
"Summer!" Narinig ko pang tinawag ako nung Exx kaya nilingon ko ito. Susunod sana siya sa akin pero pinalibutan na siya ng mga nakaitim na damit.
"Edward! Sundan mo si Summer. Baka kung anong mangyari sa kanya!" Narinig kong sigaw nung Exx. Nakita ko ang isa pang lalaki na tumingin sa akin. Lalapit din sana siya pero inataki na siya ng kalaban.
'Walts! Nasaan ka na? Ano ba itong napasok ko?'
Itutuloy.....