webnovel

My Troubled Heart

"Sino yan?" Ani niya ng marinig ang sunod sunod na katok.

"It's me Jack. Can I come in?"

"Sige", sagot niya.

Katatapos lang niyang mag ayos ng sarili. Balak na rin sana niyang bumaba kalaunan.

"Hi", bati ng binata pagpasok nito.

Parang nag iba ang tingin niya dito. Naka preskong t-shirt at short lang ito. Malayong malayo na ang itsura nito na laging naka suit.

"Naks! Mas bagay pala sayo ang ganyan", di niya maiwasang sabihin dito.

Lalo siyang natuwa ng pinamulahan ito ng mukha sabay kamot sa ulo.

"Ikaw talaga."

"Bakit ka nga pala napadaan dito? Wala ba kayong shooting ngayon?"

"Meron. Wala namang gagawin ang mga manager sa shooting eh. So, aayain sana kitang mamasyal sa tabing dagat."

Namilog ang mata niya. "Talaga?! Sobrang namimiss ko na ang tubig dagat!"

Inilahad nito ang kamay nito. Maluwag naman niyang tinanggap at sabay na lumabas ng kwarto.

****

Magdidilim na ng pauwi na sila. Masyado silang nag enjoy sa dagat. Sa loob ng pamamalagi niya sa siyudad hindi niya akalaing ganun niya mamimiss ang buhay probinsya.

"Nag enjoy ka ba?" Tanong ni Jack habang naglalakad na sila papuntang pinto ng mansiyon.

"Oo naman no. Parang ayaw ko ng umuwi eh", sabay tawa.

Pagbukas ng pinto nadatnan nilang nakaupo sa sofa si Brad. Naka-tiim bagang ito habang pinagmamasdan silang pumasok.

Ano na naman kaya ang problema ng lalaking 'to?

Tumayo ito at lumakad papunta sa kanya. Medyo kinabahan naman siya.

"Brad--" Wika ni Jack na hindi naman natuloy dahil pinukol ito ng masamang tingin ng binata.

Nagulat siya ng hawakan nito ang braso niya at hinila palakad.

"W-Wait! San mo ba ako dadalhin?"

Hindi siya nito sinagot. Napansin niyang patungo sila sa kwarto ng lalaki. Ng makapasok, pabalang nitong binitiwan ang kamay niya.

"Ano bang pinagpuputok ng butsi mo dyan ha?"

"Where the hell did you two go?"

Napakunot noo siya. "Sa dagat. Teka nga, ano bang problema mo? Bawal din bang mamasyal ngayon?"

Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "That's not the problem here."

"T-Then why are you so mad?" Di niya maiwasang mailang sa pagkakalapit nilang iyon.

Umiwas ito ng tingin. Binitawan siya nito kaya't nakahinga siya ng maluwag.

"Don't go out with other man do you hear me? Don't talk with anyone. Don't go near with them."

"But Jack is not others."

"If I said don't, don't", asik nito.

Di makapaniwalang nakatingin siya dito. "Then tell me why. Bakit kahit kay Jack hindi ako pwedeng lumapit at makipag usap? I'll do it if you'll tell me why."

Tumitig ito sa kanya. Ang sumunod na aksyon nito ang hindi niya napaghandaan.

Inilang hakbang nito ang pagitan nila at ikinulong siya sa mga bisig nito. Para siyang naestatwa ng makitang papalapit ang mukha nito sa kanya.

Tuluyan ng nawala ang sasabihin niya ng nilukob ng mapupulang labi nito ang kanyang labi.

What are we doing?

Parang bulang nawala lahat ng iniisip niya. Para siyang nablanko. Hindi niya maiwasang pumikit sa senyasong bumalot sa kanya. Sa una'y hindi siya makasabay, hanggang sa madala na siya ng eksperto nitong labi.

Para siyang nalulunod at ang tanging laman lang ng isip niya ang masarap na pakiramdam na iyon. Iniyakap niya ang mga braso niya sa leeg nito.

Pansamantala nitong iniwan ang mga labi niya para sumagap ng kaunting hangin ngunit mabilis din nitong binalikan.

Ramdam niya ang lakas ng tibok ng dibdib niya. Naramdaman niyang gumalaw ang mga kamay nitong nasa bewang niya kanina.

Nakalas na pala nito ang suot niyang bra. Bigla siyang napamulat ng matanto kung saan patungo ang kamay nito.

Naitulak niya ito. Sabay harang ng mga kamay sa katawan niya.

"S-Stop!"

Napaamang ito sa kanya.

"We can't do this", sabay talikod. Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto nito.

Halos takbuhin na niya ang pinto papunta sa kwarto niya. Hindi niya napansin si Jack kaya't nabunggo niya ito.

"I-I'm sorry", nakayukong sabi niya.

"Are you okay Lola?"

Umiling siya at tuluyan ng pumasok sa loob.

Próximo capítulo