Twenty Five
Naiwan akong nakatulala sa pinto niyang sinarado niya, naghintay ako. Hindi ako susuko, kapag nalaman ng boss kong hindi ko siya napapayag ay ako ang papatayin nun.
Naghintay ako sa labas ng Gate niya, hinintay ko siyang lumabas. Wala na akong pakialam kung hindi niya ako maalala, wala na din akong pakialam kung iniiwasan niya ako o ano pa man, I badly need an answer para sa mgazine at kailangan ko siyang mapapayag na gawin yun.
Ilang oras ang lumipas ng tuluyan ng bumukas ang Gate, dali-dali ang pagtakbo ko para harangan siya sa kanyang daraanan.
"A-Anong ginagawa mo?" Asik niya ng idinipa ko ang aking kamay para hindi siya makaraan.
"Please Mr. Perez, we badly need you to our magazine."
"No." Madiing sambit niya.
Nanlaki ang mga mata niya ng nagtungo ako sa gilid ng kanyang sasakyan at walang alinlangang sumakay doon, ipinagpapasalamat ko sa Diyos na hindi niya na ini-lo-lock ang pinto.
"What the-"
Seryoso akong tumingin sakanya. "Please Mr. Perez, mapapatay ako ng boss ko kapag nireport ko sakanyang ayaw mo pumayag, please, please."
Sinamaan niya ako ng tingin. "Then die! I dont care." Tuluyan na niyang pinaandar ang sasakyan ng napakabilis. Napahawak ako sa aking bag habang hindi nakakabit ang seatbelt.
"Ano, hindi ka parin babababa?" Galit na litanya niya saakin.
Umiling iling ako. "No, not until you said Yes to me." Nanlaki ang mata ko ng makitang nasa 100 na ang pagpapatakbo niya. Sobrang higpit na ng pagkakahawak ko sa handler sa ulunan ko dahil pakiramdam ko anu mang oras sa oras na magpreno siya ay tatalsik ako.
Mabuti na lang at hindi gaano madami ang sasakyan at walang gaanong pulis sa nadaraanan namin dahil panigurado magkakaroon ng violation itong lalaking ito.
Umabot na ng 120 ang takbo niya at hilong hilo na ako pero hindi parin ako papayag. 140 and suddenly kaagad nanlaki ang mata ko ng tuluyan niya itong ibabangga sa napakalaking truck na sasalubong saamin.
Ipinikit ko ang mata ko sa pupuwedeng mangyare, hanggang sa naramdaman ko na lamang na nakahinto na ang sasakyan at lumabas siya.
Sapilitan niya akong inilabas sa loob ng kotse, hindi ako makapaglakad ng maayos dahil sa pagkahilo. Nasusuka na din ako. Gumilid ako sa daan at isinuka lahat ng nakain ko kagabi. Wala akong imik habang tuluyan na siyang umalis sa lugar na iyon.
Napaluha ako.
Bigla akong namutla, hanggang ngayon ay imiikot parin ang tiyan ko at pakiramdam ko ay nakasakay parin ako sa sasakyan niya.
Naduduwal akong sinagot ang tawag ni Liyan saakin.
"Ma'am asan na po kayo? Na convince niyo po ba si Mr. Liam?" Nahihilo akong tumayo at naghanap ng masasakyan ngunit wala, puro mga naka-kotse at truck ang nadaan.
"H-Hindi, at hindi ko alam kung nasaan ako." Nanghihinang sagot ko.
"Ma'am bakit po ganyan ang boses niyo? May sakit po ba kayo?" Tanong niya saakin.
Napalunok ako ngunit mas lalong sumakit ang lalamunan ko dahil sa paglunok kong iyon. Wala pa naman akong kain kaya puro tubig lang ang naisuka ko.
"Wala, nahilo lang ako. Nandiyan ba ang driver natin? i-o-on ko ang gps ko, pakihanap naman ako. Di ko alam ang exact address nito"
"Sige po" tanging naging tugon nito at pinatay na ang tawag.
Naglakad ako, patungo sa hindi ko alam kung saan. Naglakad ako kahit wala akong nakikitang hangganan. Umaasang may isang taong hihinto at papasakayin ako.
Unti-unti ng umiinit ang paligid, unti-unti ng tumitirik ang araw at heto ako ngayon nakabilad.
Hindi kalaunan ay may humintong sasakyan sa tapat ko, tago sa aking sarili ang mga ngiti ko ng makita ko siyang papalapit ng papalapit saakin.
"Papayag kana ba?" Unang bungad ko ng magtama ang mga tingin naming dalawa.
Seryoso ang kanyang tingin at bigla akong napaatras sa tingin niyang iyon.
"Did you really didnt recognize me? Ha!" Natigilan ako sa sinabi niya. Frustrated ang kanyang mga mata habang titig na titig saakin.
I do know you, Liam! Baka ikaw ang hindi nakakaalala saakin.
"Next time, if you want to be treated with respect dont ever ride to someone else car." Frustrated parin ang kanyang mga mata at halata mong galit na galit ito. Bakit? Kanino? Saakin?
Nakatitig parin ako sakanya, pinagmamasdan at sinusuri ang kanyang emosyon. In all the people, I am the only one who can read his emotion since we were child.
Nagtama ulit ang mga tingin naming dalawa.
"Did you not know me? Did you!" Galit na galit na siya.
"I know you, you jerk!" Tanging naging bigkas ko at tuluyan ng naglaho ang galit sa mga mata niya. Nagkatitigan kaming dalawa, matagal at alam kong anu mang oras ay bibigay na itong puso ko sa dahil sa mga titig niya.
Pinawi ko kaagad ang mga tingin ko at tumalikod sakanya. Dahil alam kong ano mang oras ay maguumpisa na naman ang luha ko sa pagtulo.
Naglakad ako at biglang may humintong sasakyan sa gilid ko. Ibinaba niya ang knyang bintana at nakangiti akong binate.
"Ma'am Billy, sakay na po kayo." Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko si Liam na nakatitig parin saakin at tsaka ako tuluyang pumasok sa sasakyan at iniwan siya sa lugar na iyon.
Pinagmasdan ko siya sa side mirror at madiin na lamang akong napapikit habang papalayo ako ng papalayo sakanya.
I am not really dreaming, Liam. This is now our reality.