Twelve
Tahimik kaming dalawa ni Love na umupo sa upuan, maya-maya ay unti-unti ng dumarami ang mga tao at estudyanteng dadalo sa seminar. Nafocus ang sarili ko saaking phone. Maya-maya ay nabaling ang atensyon ko sa taong tatabi sa tabi ko, hindi ko pa siya ganuon ka kita dahil sa nakatalikod ito saakin ngunit biglang napawi ang emosyong inilalabas ko ng makitang si Liam ito.
Kaagad kong inilipat ang paningin ko sa iba upang hindi ko maramdaman ang presensya ngunit huli na ako. Tuluyan na siyang nakaupo sa tabi ko.
Napalunok ako habang kinakalabit ang nakikipagkwentuhang si Love na nasa tabi ko.
"Bakit?" tanong niya saakin.
"Palit tayo ng pwesto." bulong ko sakanya. Napatingin siya sa tabi ko at pilyong ngumiti. Tumayo na siya para makapagpalit kami ng pwesto.
Inibahan niya pa ng ngiti si Liam habang nagtataka itong nakatingin saamin.
Naging payapa ang seminar kahit na distracted ako sa presensya niya, nagawa ko paring makinig. Gabi na ng iniluwa kami ng Auditorium na iyon.
Kumapit kaagad saakin si Love habang papalabas na kami ng School.
"Sa labas nalang tayo kain?" alok niya saakin. Ngumiti lang ako at tumango.
"Saan mo gusto? Treat ko..."
"Ikaw na ang bahala..." Naglakad kami sa malapit na karinderia. Hinayaan kong umorder si Love ng aming makakain at magisa kong inalisa ang kabuuan ng lugar. May natatanaw akong malapit na Park.
Hindi ko maiwasang hindi ihakbang ang aking mga paa at magisang naglakad patungo doon.
Naupo ako sa swing habang nilalanghap ang sariwang hangin. I reminded of him, again.
-Flashback-
"Liam, itong park na ito ang palagi nating meet up sa lahat ng lakad natin." Nakangiti kong sabi sakanya. Walang nagawa si Liam kundi ang tumango sa sinabi ko.
Sabay kaming naupo sa swing at pataasang nilalaruan ito.
Dalawa rin kaming naglalaro ng tagu-taguan at habul-habulan habang nagpapalipas ng oras na magkasama.
-End of Flashback-
Everythings was so extra ordinary, everything was so perfect that time when there is only me and you exist.
Magisa kong pinapaandar ang sarili kong inuupuan habang masayang inaalala ang mga ala-alang iyon.
Biglang sumulpot si Lovely sa tabi ko.
"Its good to see you like this." Ika niya. Ngumiti ako ng tipid sa sinabi niya.
At naupo na din ito sa kabilang swing.
"And I'm hoping na sana palagi kang ganito." Pareho kaming nakatanaw sa payapang kalangitan habang nagkikinangan ang mga bituin sa langit.
Matapos ng ilang minuto ay kumain na din kami at tuluyan ng umuwi ng Apartment.
Dala na rin siguro ng sobrang pagod ay maaga kami nakatulog.
Tanghali na ako nagising kinaumagahan dahil wala akong schedule sa school tuwing friday kaya full time ang schedule ko sa trabaho. Nauna akong magising sa mahimbing parin na natutulog na si Love, nagiwan na lamang ako ng note at tuluyan ng nagpaalam.
Dali-dali akong sumakay ng jeep para makapasok at hindi malate, malalagot na ako kay Sir James nito dahil hindi ako pumasok kahapon.
"Good Afternoon." Bati ko sakanilang lahat.
"Ow, nandito na pala si Billy. Kamusta pakiramdam mo? May sakit kapa ba?" Bigla akong napalunok dahil sa tinuran ni Sir James, napansin ko rin ang pagiwas ng tingin saamin ng mga kasamahan ko.
"Okay na po Sir." Awkward kong inilihis ang kamay niya sa noo ko.
Maya-maya habang nagaayos ako ng uniform ay tinawag si Sir James ni Ari kaya mabilisan nman akong nilapitan ni Michel.
"Ibang klase si Sir ah." Aniya.
"W-wala lang yun, baka nabigla lang. Uuwi kana?" Paglilihis ko ng usapan.
"Mamaya pa mga 1, si Ari ata."
Inayos ko na ang pagkakalagay ng hairnet saaking ulo at sumbrero upang mapalitan ko na roon si Ari.
Iniwan ko na ng tuluyan sa locker room si Michel at hinayaan ko itong namnamin ang oras ng kanyang pahinga.
Medyo ko-konti pa lang ang tao ngayon kaya pinakain ko muna sila. Naglinis linis ako doon hanggang sa may pumasok na sa pinto.
Kaagad nawala ang ngiti ko ng makita ko kaagad siya.
Nakayuko akong binate siya.
"Good Morning Sir."
Tahimik akong inaayos ang order ko sakanya, hindi ko maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
He's telling me to stay away from him and now siya naman itong biglang sumusulpot sa harap ko.
Naupo siya sa may sulok ng Coffee shop, napalunok ako ng makitang nakatingin siya saakin.
Kinalabit ako ni Sir James.
"Nandito na naman siya?" Tanong niya saakin. Kaagad nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Nandito rin siya kahapon, para bang hinahanap ka." Nabaling ulit ang tingin ko sa nakaupong si Liam sa sulok.
"Stalker mo ata yun." Bulalas niya.
Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi ni Sir James at inentertain na ang bagong customer.
Maya-maya ay dumating na si Michel at tapos na ang breaktime niya.
"Woah, si Mr. Handsome andito again." Ininguso niya saakin si Liam na tahimik na nakamasid saamin.
"I wonder kung sino pinupuntahan niyan dito?" Tipid lang akong ngumiti sakanya at naglinis linis. Sinubukan ko ang lahat para lang hindi matingin sakanya ang atensyon ko.
"Ako ba?" Napangalumbaba niyang sambit habang tuluyan ng ngumingiti at tumitingin kay Liam.
Natawa ako ng bahagya.
Makalipas ang ilang oras ay tuluyan ng nagpaalam saakin si Michel ngunit si Liam ay naruon padin.
Kinalabit ulit ako ni Sir James. "Nandito padin siya?"
Yumuko ako at tumango. "Lapitan mo kaya, baka may gusto siyang sabihin sayo" bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"Pero Sir-"
"Ako na lang muna bahala dito." Napahinga ako ng malalim at naglakas loob na lapitan siya. Sobra-sobrang titig ang pinupukol niya saakin na ultimo malilit na galaw ko ay nakasunod siya.
Umupo ako sa harap niya at hindi magawang harapin ang kanyang mga mata.
"A-anong kailangan mo?" Nauutal na tanong ko sakanya.
"Isa..." bulalas niya.
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Dalawa."
Napadako ang tingin ko kay Sir James na nakapangalumbaba sa counter at naghihintay ng gagawin ko.
Binalik ko ulit ang tingin ko sakanya at tuluyan nang nagtama ang mata naming dalawa.
"Tatlo." Napalunok ako sa mga tinging pinupukol niya.
"Apat..." hindi parin niya ako nagagawang sagutin sa tanong ko hanggang sa tuluyan na akong tumayo sa kinauupuan ko.
"Lima..." nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya habang tinititigan ako.
G-gustong gusto ko siyang yakapin, I feel hurt again. But then I choose, to stay away from him because this is what he wants me to do.
Malalaki ang hakbang ko patungong cr dahil ayokong may makakita ng mga pighating aking pinipigilan.