"Hayy! Sa wakas natapos din!" nag-inat-inat si Rio para matanggal ang ngalay sa likod.
Simula kasi umaga ay abalang abala na ito... Natapos ang meeting at may bago namang pinapagawa ang boss niya. Puro siya trabaho.
3PM
Napatingin siya sa orasan... Break time na... Saka lang niya naalala na di pala siya kumain ng tanghalian.
"Girly! Kakain muna ako. Di pa ko naglunch eh." paalam nito sa katrabaho na malapit din sa pwesto niya.
"Bruha ka bilisan mo! 15 mins break lang ang mirienda... Bakit kase nagpapakamatay ka diyan sa trabaho mo? Nakakalimutan mo na kumain. Tsk."
Nginitian na lang niya ito saka tuluyang umalis...
Pagbaba niya sa cafeteria, wala ng tindang ulam. Kaya No choice siya kundi ang lumabas.
Pinapayagan naman siyang lumabas dahil breaktime naman.
Ng makalabas si Rio, naghanap agad siya ng carinderia. Nakahanap naman ito pero medyo malayo sa opisina nila.
"Ate, isang order nga po ng Adobo tas isang kanin na din po... Take out po"
"Ate... Palimos po... " isang batang babae ang kumakalabit sa kanya at nanghihingi ng limos.
"Ate, isa pa ngang order ng adobo at kanin. Paki bukod na lang po ng balot. "
Matapos niyang magbayad, inabot niya ang isang supot sa batang babae.
"Salamat po." sabi ng bata, ngumiti lang siya at tumango.
Naglalakad na siya pabalik ng opisina ng kalabitin ulit siya ng bata.
"Bakit? "
"Inyo na lang po ate... " sabay abot ng bata ng isang kwintas.
"Kanino naman yan? " baka kasi hindi ito sa bata, hindi naman sa nag-iisip siya ng masama pero baka mamaya eh may may-ari pala ng kwintas na inabot ng bata.
Hinawakan ng bata ang isa niyang kamay. At inilagay dun ang hawak nitong kwintas.
"Hindi ko po inagaw o ninakaw yan... Sa inyo po talaga yan." pagkasabi nun ay tumakbo na palayo ang bata. Pagtataka ang naiwan sa mukha ni Rio.
"Wala naman akong ganitong necklace? Paanong naging akin toh? "
Ibinulsa na lang niya iyon at bumalik sa Opisina.
Naglunch siya sa loob ng cafeteria. Konti lang ang empleyadong naroon.
Inilabas niya ang kwintas na binigay ng bata... Habang kumakain sinisiyasat niya ang itsura ng kwintas.
Luma na ito, mukhang antique, agad niyang napansin ang pendant nito na disenyong orasan. Nagagalaw din ang gilid nito, naiikot.
"Baterya lang kailangan nito... " sabi niya habang nakatitig sa kwintas. Muli niya itong ibinulsa.
Natapos siyang kumain at bumalik sa pwesto niya sa opisina.
Nagsimula na ulit siyang magtype ng mga memos.
5pm
Unti unti nagpaalam ang mga kasama ni Rio sa opisina...
Hindi niya nga namalayan na alas-singko na... Maaga pa nga ito sa kanya, kaya nagpatuloy siya sa ginagawa niya.
7pm
Natapos si Rio, nagligpit na ito ng mga gamit sa mesa. Inilagay niya ang ibang papeles sa drawer niya. Nag-CR muna si Rio bago umalis. Pero pagbalik niya sa mesa, napansin niya ang kwintas. Nasa ibabaw ito. Nakakunot ang noo niya.
"Hmmmmmmmm... " kinuha niya ang kwintas.
"Sa pagkakaalala ko nasa bulsa ko to? " inilagay niya muli ang kwintas sa bulsa niya.
Pagkatapos nun kinuha na niya ang bag niya at saka bumaba, at lumabas na ng opisina nila.
Dadaan pa siya ng Simbahan ng Quiapo para magdasal saglit. Lagi niya itong ginagawa. Ipinagdadasal kasi nito ang Amang hindi niya nakilala, umaasang makikita niya ito balang araw.
Maraming tindahan ang sarado na.
"Ineng... " sabi ng isang matanda na humawak sa kamay niya.
Hindi na siya nagulat, lagi naman kasing may mga matanda at batang pulubi sa Quiapo.
"Makikilala mo na siya..."
"Sino po? "
Inilahad ng matanda ang kamay niya.
"Sa Tamang Panahon. Sa itinakdang oras. Magtatagpo ang dalawang pusong nangungulila. Pero dapat kang mag-ingat."
"Lola... Hindi po ako nagpapahula... Kailangan ko na pong unalis." inalis na niya ang kamay niya na hawak ng matanda.
"...shhhhhh. Lagi mong pag-ingatan ang susi." titig na titig na sabi ng matanda sa kanya.
"Sige po La..." tangi niyang nasambit para makaalis na.
Anong susi kaya ang tinutukoy ng matanda?
Sarado na ang simbahan. Kaya sa labas na lang nagdasal si Rio.
Nakatitig ito sa kandilang sinindihan, mga ilang se
gundo lang ay pumikit siya para muling humiling na sana makita na niya ang kanyang Ama.
Pagkatapos niya magdasal ay naglakad na siya pa-Carriedo Station.
Bago pa man siya maka-akyat ay napansin niya ang isang bata at isang matandang babae nakatitig sa kanya.
Hindi siya maaring magkamali.
Yung batang babae at yung matandang babae kanina na nakausap niya ay magkasama.
Nagtataka man ay umakyat na siya paLRT. Baka maiwan pa siya ng huling bagon.
Konti na lang ang pasahero ng ganoong oras. Kaya nakaupo siya agad.
Sa sobrang pagod, gusto sana niyang maidlip. Pero dahil bumabagabag sa kanya ang imahe ng batang babae at matandang babae kanina ay di niya magawang makatulog saglit.
"Baka nagkataon lang? "
Tiningnan niya ang oras sa cellphone niya.
9:00 AM
"HUH?! "