webnovel

Kabanata VIII

Miracle Andreah Gracia

Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko... Parang halo halo... Nahihilo ako, para akong nakalutang at nahihirapang huminga, pakiramdam ko nasa isang masikip na lugar ako...

Madilim... Wala akong makita... Naalala ko yung itsura nila Mama kanina... Hawak nila ako... Pero ngayon pakiramdam ko mag-isa ako... Wala akong maramdaman kundi sakit...

Sakit na hindi maipaliwanag.

"MIRACLE!"

"MIRACLE! " pamilyar na boses.. Umaalingawngaw ang sigaw niya sa pangalan ko... Pilit kong inaaninag kung saan nanggaling iyon.

May humawak sa kamay ko... Ramdaman ko ang init ng kamay niya... Inalalayan niya ko... Nagpadala ako sa paghatak niya...

May pintong bumukas.

Maliwanag!

Napaka-liwanag...

Nawala ang kamay na may hawak sa akin...

Unti unting naaninag ko ang paligid... Parang nakahinto ang oras...

Nasa tapat ko si Zach...

Naalala ko bigla ang misyon ko.

Naglakad siya kaya sumunod ako...

Pumasok kami sa isang silid...

Sa silid kung saan nakahiga ang katawan niya...

"Alam mo Mira... Natatakot ako."

Halata sa boses niya ang takot.

"Bakit naman? "

"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin..."

Nagsimulang tumulo ang luha niya... Na agad naman niyang pinunasan.

"....hindi ko alam kung paano makabalik."

"Tara... " pag-aya ko sa kanya. Hinawakan ko siya...

Tulad ng nauna hatak hatak ko siya papuntang elevator...

Nasa lugar ulit kami kung saan una ko siyang dinala...

Rooftop...

"Tingnan mo Zach... Napakaganda ng Siyudad. "

Mula sa kinatatayuan ko tanaw ang mga makikinang at nagkikislapang mga ilaw sa siyudad.

"Oo... Napakaganda nga..." bakas sa mukha niya ang lungkot...

"Zach..." hinawakan ko ang kamay niya...

"...bakit malungkot ka?"

Napayuko siya... Inaabangan ko ang mga sasabihin niya...

"Do I deserve a second chance? "

"Everyone deserves a second chance..."

"Paano mo naman nasabi?"

"Because we are capable of changing... For good or for better."

"Ayoko ng bumalik Mira..." (nagsimula magseizure ang katawan ni Zach)

"Don't say that! "

"Bakit Mira? Kilala mo ba ko? Alam mo ba kung sino talaga ako? " nagsimulang tumulo ang mga luha niya... Nakikinig lang ako sa kanya.

"I'm not a good son! I'm not a good friend! At ng dahil sa kag*g*han ko! Namatay ang girlfriend ko! Tutal wala na din naman akong babalikan! Ano pangdahilan? Bakit pa ko babalik? " niyakap ko siya. Ramdam ko ang galit niya sa sarili niya.

"Shhhhh... Zach... Listen to me... Gaya ng sabi ko, you deserve a second chance... Pwede mong baguhin ang sarili mo... Hindi mo man mabago ang nakaraan pwede mo naman iayos ang hinaharap mo... "

"Tama ka! Hindi ko nga mababago ang nakaraan... Hindi ko na mababalik ang buhay ni Sheena... " nakaramdam ako ng kirot ng banggitin niya ang pangalan ng girlfriend niya.

"SHEENA! SHEENA I'M SORRY! I'M SORRY FOR BEING NUMB AND FOOL! I'M SORRY FOR WHAT JUST HAPPEN TO YOU! SHEENA! " halos madurog ang puso ko sa nakikita ko kay Zach... Mahal na mahal niya ang girlfriend niya... Humahagulgol siya sa balikat ko...

"...hindi ko deserve ang mabuhay."

"Stop it Zach! Ano ba yang pinagsasabi mo?!" inalis ko ang pagkakayakap naming dalawa.

"Ano pang rason para mabuhay ako Mira? Sige nga?! Sabihin mo!? Naranasan mo na ba mawalan ha!? "

"O-oo... " nag-iwas ako ng tingin. Napatulo ang mga luha ko...

Natahimik siya... Naghihintay sa mga sasabihin ko...

"Sa tingin ko kilala mo na ko... Halos ang buhay ko ay nasa hospital na diba..." tiningnan niya ko... Titig na titig...

"Bawat tao... Bawat pasyente na nakikilala at nakakasalamuha ko sa Hospital na ito, parte na buhay ko... Ilan sa kanila hindi nagtagal... " tuluyang bumagsak ang mga luha ko.

" Si Kath, Cindy, Mikael... At marami pang-iba... Hindi ko na mabilang kung ilang mga kaibigan ko ang nawala... Hindi lang sila basta kaibigan... Itinuring ko silang pamilya..."

"..........."

"Araw araw na buhay ko sa Hospital, bawat pamilyang namamatayan na kilala ko parang nawalan na rin ako ng kapatid."

Mahabang katahimikan... Pinusan ko ang mga luha ko.

"Sino pang tatanggap sa akin?"

"Maraming tatanggap sayo... "

Tumingala ako... "...isa SIYA sa tatanggap sayo."

Tumingala rin siya...

"Kahit marami akong nagawang kasalanan? Tatanggapin niya ko? "

Malapad ang ngiti kong tumango.

"Mahal ka niya kaya TATANGGAPIN ka niya... Kahit ano pang nakaraan mo. Papatawarin niya lahat ng kasalanan mo. Lapitan mo lang siya at humingi ka ng tawad. Pagsisihan mo lahat at magbagong buhay." (Read: 1 John 1:9 and Acts 3:19)

Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib...

"Anong nangyayari sayo? Miracle? MIRACLE?!"

Biglang parang hinatak ang katawan ko... Huling narinig ko ang pagtawag ni Zach sa akin...

Bumalik ang pakiramdam ko... Mabigat... Nanghihina...

Parang gising ang diwa ko... Naririnig ko ulit sila Mama...

Pero mabigat ang talukap ng mga mata ko... Hindi ko magawang imulat ang mga mata ko...

"Ma, Pa... Buo na ba ang desisyon niyo?" Ano yun?

"Yes anak..."

"Kung iyon ang makakabuti kay Miracle..." Anong makakabuti sa akin?

Tuluyan akong nakatulog. Sa sobrang pagod at panghihina.

Zachary Hernandez

Nasa tapat ako ng kwarto ni Miracle.

Nakabalik na siya sa katawan niya... Samantalang ako hindi pa rin... Kailan ba ko babalik? Handa ba kong bumalik?

Nakita ko ang pamilya niya... Masaya sila na okay na si Miracle... Buti pa siya... Kasama ang pamilya niya... Si Mommy kaya? Kailan niya ko dadalawin?

Lumabas ang kapatid niya... Nagpunas pa ito ng luha at inayos ang sarili... Sinundan ko siya..

Pumunta siya sa locker room nilang mga nurse... Umiiyak ulit... Nakita kong papalapit sa kanya yung nurse din ni Mira... Inaalo niya ito...

Nilabas naman ng ate ni Mira ang isang box mula sa locker niya... Isa isa niyang nilabas ang mga nandoon sa box... Mga lumang notebooks.

"Ito yung mga Diary niya... Rj... Kaya ko bang malayo siya? Nakapagdecide na sila Papa." patuloy ang pag-iyak niya...

"Shhhhhh... Isipin mo na lang na para kay Miracle din yun..."

Iniwan ko na lang sila... Napunta naman ako sa pedia ward...

"Anong ginagawa mo dito?"

Huh??? Teka? Nakikita niya ko? Babaeng doktor...

"Nakikita mo ko?"

"Oo... Anong ginawa mo kay Miracle?"

"Kilala mo si Miracle?"

"Sundo ka ba? Please wag mo siyang isasama..."

"Hahaha hindi ako sundo, isa lang akong kaluluwa na hindi makabalik sa katawan ko..."

"...lost soul." pagtatapos niya.

"Pano mo ko nakikita? All this time si Miracle lang ang nakakakita sa akin eh."

"Ewan... Hindi ko din alam."

May pamilyar na babae ang pumukaw sa atensyon ko... Saktong dumaan siya sa harap namin...

"Mommy?" iniwan ko na yung babae. Sinundan ko yung babae patungo kung saan ang room ko.

Si Mommy nga!

"SON! What happened?" umiiyak siya... Iniiyakan niya ko?

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya... Paano ng yari yun? Ang paghaplos niya sa kamay ko... Ramdam ko ang init ng palad niya..

"Doc... Ano pong lagay niya?"

Nandun din pala si Doc Nathan.

"He is in coma right now, because of the impact kaya siya nagkaganyan... And, I'm sorry to say this Ma'am, kanina po kasi ay nagseizure si Zachary at isa pang Seizure maaring ikamatay na niya yun."

Mas lalong umiyak si Mommy...

"Son... Wake up... Sorry ngayon lang si Mommy... I love you anak."

*Dug *Dug *Dug

Napahawak ako sa dibdib ko... Aray...

"I love you nak..."

*Dug *Dug *Dug

Mas lalo kong naramdaman ang sakit...

Muling hinaplos ni Mommy ang kamay ko at pati mukha ko...

Ramdam ko... Napahawak ako sa mukha at kamay ko...

Babalik na ba ko?

Handa ko bang harapin si Mommy?

"Brad.... Halika..." may umakbay sa akin... Yung lalaking mahaba ang buhok...

"San tayo pupunta?"

"Sa kabila kailangan mo ng magpaalam..."

"Magpaalam?"

Tumango lang siya...

---------------

A/N:

Sinong mamaalam?

Miracle or Zach?

Sino ang lalaking may mahabang buhok?

Otor? Bakit maraming tanong?

#MalapitNaEnding 😘

----LNWP

Próximo capítulo