Kiss
Three months passed at maraming nangyari saming magkaklase. Simula nung araw na tinanong ko si Jomarie ay lagi pa niya akong kinukulit at inaasar. Mas nagiging close pa nga sila ni Eric eh.
" Andyan na naman si Ethcyzro." Saad ni Karen habang umupo sa kanyang silya which is sa harapan ko.
" May namamagitan ba sa kanila ni Sinclair?" Takang tanong ko. Crush pa kasi simula noon ni Sinclair si Etchcyzro, isang Grade 11 student. Nagulat na nga lang kami noong nakaraang buwan ay hinatid siya ng lalaki dito sa room. Hindi naman sa binabawalan namin si Sinclair. Nagtaka lang talaga kami.
" Ewan ko, Nycil. Kahapon nandito yung isang C.A.T. officer. Si Cadet Rhon Raff Labial. Hinahanap pa si Sinclair."
" Hayaan niyo na. Haba ng hair yung kaibigan natin." Singit ni Elisha dahilan para matawa kami.
" Eh ikaw, Elisha? Saan na si Sa iyong ngiti?" asar ni Karen na sinabayan namin ng kanta. Sinamaan naman kami ni Elisha ng tingin. Kaya mas lalo kaming natawa. Ang pikon kasi eh.
" Dapat si Nycil ang tinatanong mo Karen. May Jomarie yan." Bawi ni Elisha. Sasagot pa sana ako nang may biglang umakbay sakin.
" I heard my handsome name. Anong meron sa kagwapuhan ko?" Sabay kaming napairap tatlo sa kanyang sinabi. Di nagsalita si Elisha at bumalik sa kanyang pagbabasa samatalang si Karen naman ay umiiling iling na iniwan kami. Tinanggal ko ang pagkaka akbay niya sakin at tumayo dahilan para halos siyang matumba.
" Nycil naman. Mag ingat ka nga! Kitang may gwapong umupo eh.!" He whined like a kid.
Umirap lang ako at inayos ang mga gamit ko.
" Nasan sila Eric? Tapos na kayong magpractice?" Tanong ko habang di pa siya nililingon.
" Kami tapos na. Sila andun pa sa gym. Pinapagalitan ng kanilang coach. " Sagot niya habang kinukuha sakin ang mga libro ko.
" Magdala ka nga ng mga libro, Jomarie Oblig Condeza. May assignments tayo. Di ibig sabihin na excuse kayo para sa Intrams ay di kayo mag pa pass ng requirements. Mahiya ka kay Tita kapag nakita niya na may color green sa card mo." Teacher pa naman yung mama niya.
" Uyy... concern siya sakin."
Sinamaan ko naman siya ng tingin para masabi niya na seryoso ako. " Huwag kang mag alala, Nycil. May internet sa bahay. Isang search lang sa module, makakagawa na ako ng assignments." Sabi niya sabay kindat. Napailing na lang ako sa kanyang sinabi. Bakit ba kasi maliliit lang na bag ang dala ng mga lalaki? eh pareho lang naman kaming mga dala.
" Nga pala, anong sinalihan mo na sports? Ako sa volleyball, si Eric sa basketball. Eh, ikaw?" Tanong niya bigla.
" Hindi ako sumali sa badminton. SSG officer ako diba kaya magfa facilitate lang ako."
" Ano ba yan. Ang boring ng Intrams mo, Nycil.! " Inrapan ko na lang siya at huminto sa tapat ng kotse namin. Nasa labas na rin si Manong Jimmy. Yung family driver namin. Binuksan ni Jomarie ang passenger seat para ilagay ang mga libro.
" Salamat." Nginitian ko siya para naman malaman niya na sinsero ako sa sinabi ko.
" Manonood ka ba ng game ko?" Tanong pa niya.
" Ewan ko. Kung di kami busy. " Sagot ko. Pero sure naman ako na hindi kami busy nun dahil free time namin ang laro nila.
" Andaya mo naman. Manood ka para may lucky charm ako. " He pout. Tangina, di talaga bagay sa kanya.
" Magtigil ka sa kakalandi mo, Jomarie. Nandidiri ako." Ngiwi kong sabi sa kanya. " Itigil mo rin yang kakanguso mo, kung ayaw mong bigwasan ki---"
" Basta manood ka, ah?"Bye, Nycil. Bye, Kuya Jimmy!"
Napakurap ako sa ginawa niya. D-Did that gagong bastard kiss my beautiful, sexy lips?!!!!!