Mula sa malikot na imahinasyon ay nabuo ang isang libro na naglalaman ng hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi tatlong kwento na siyang mapaglilibangan ninyo tuwing bakanteng oras. Siguraduhin niyo lang na hindi kayo mag-isa habang binabasa ito. Tatlong magkakaibang kwento ng katatakutan na konektado sa isa't isa. Alamin at basahin ang mga kababalaghan na nangyayari sa bawat karakter na tiyak na maiibigan ninyo.
Napakatahimik ng gabi. Medyo mahangin sa labas. Tanging ang awit ng mga kuliglig lamang ang iyong maririnig. Sa sobrang tahimik, para bang wala nang taong nakatira sa mundo. Sa sobrang tahimik, nakakakilabot na sa pakiramdam. Mag-aalas-dyes na ng gabi, sa Villa Margarita Subdivison kung saan nakatira ang pamilya nina Miriam. Nasa bakasyon ang mga magulang ni Miriam, na kung saan hindi na bago sa kanya, parati na kasi siyang naiiwan sa napakalaki nilang bahay. Kahit mayaman sina Miriam ay lumaking mabait, mapagmahal at maalahanin siyang estudyante. Lahat ng mga nakakakilala sa kanya sa unibersidad kung saan siya nag-aaral ay mahal na mahal siya hindi lang dahil sa angkin niyang kagandahan kundi dahil na rin sa busilak niyang puso. Kaya naman hindi rin nahirapan ang mga katulong nila na magpaalam sa kanya para lumabas at magsaya kahit panandalian lamang. Kinuha nila ang pagkakataon habang nasa bakasyon ang mga amo nila. Kay Miriam lang kasi sila nakapagpapaalam nang maayos at walang kaba sa dibdib. Sa madaling salita, mag-isa lamang siya sa mansyon nila. Tahimik, malaki, madilim ang ibang parte ng bahay... nakakatakot.
Mag-aalas-onse na at hindi pa nakakauwi ang mga katulong nina Miriam, pero hindi ito ang pinoproblema niya, kundi ang sarili niya mismo. Hindi kasi siya makatulog. Kahit anong posisyon na ang ginawa niya sa kanyang higaan makatulog lang, pero wala pa ring nangyayari. Pinagod na niya ang kanyang mga mata sa kakabasa ng libro, kakagamit ng kanyang cellphone at kakasurf sa internet gamit ang kanyang laptop. Sumasakit na ang ulo ni Miriam sa kakapilit sa kanyang sarili na matulog. Kaya naman nagdesisyon syang bumaba at kumuha ng gamot sa kusina at gatas na rin na hinihiling niyang makakatulong sa kanya na makaidlip. Lumabas siya ng kanyang kwarto suot ang kanyang pampatulog na kulay pink na kanyang paboritong kulay na halos kulay na ng kanyang buong kwarto. Mula sa higaan hanggang sa mga gamit niya sa paaralan. Nasa ikalawang palapag ang kwarto ni Miriam kaya kailangan niya pang bumaba sa napakahabang hagdan nila na pakiramdam mo ay bumababa ka sa hagdanan ng isang palasyo. Malawak, malaki at magarbo. Makikita mo ang mga ribulto sa paanan nito na parang mga ribulto sa bansang Greece na kulay ginto na may hawak-hawak na ilaw na dilaw. Tunay na dikalidad. May ibang mga ilaw sa bahay na hindi nakabukas at kasama na rito ang mga ilaw papuntang kusina. Kahit kasi mayaman sina Miriam ay hindi nila sinanay ang kanilang mga sarili na mag-aksaya ng kuryente sa pamamagitan ng pagbukas ng lahat ng ilaw kahit na walang taong gumagamit nito. Dapat nakapatay kung wala man lang gumagamit. Hinanap ni Miriam ang mga switch ng mga ilaw at isa-isa niya itong binuksan hanggang sa nakarating siya sa kusina. Kung umuwi lang sana nang maaga ang mga katulong nila, may mauutusan sana siya. Kumuha ng gamot si Miriam sa may kabinet at pagkatapos ay dumiretso na siya sa may refrigerator para kumuha ng gatas. Kumuha siya ng isang baso ng nasabing inumin, pinatay muli ang mga ilaw maliban sa mga ilaw sa may mga ribulto na hawak-hawak nito sa may hagdanan at tsaka pumanhik pabalik sa kanyang kwarto sa itaas. Ininum ni Miriam ang gatas nagbabasakaling makakatulong sa kanya na makatulog na, 30 minuto na ang nakakalipas at wala pa ring nangyayari. Hindi pa rin makaramdam si Miriam ng antok, at hindi pa rin dumarating ang mga katulong nila. Dahil sa sobrang tahimik at pinagsawaan na rin ni Miriam ang kanyang cellphone at computer, wala na siyang ibang maisip kundi ang magsuklay na lamang ng kanyang buhok sa harap ng kanyang Hello Kitty na salamin. Habang nagsusuklay si Miriam, bigla na lamang tumunog ang kanilang door bell.
Miriam: Hay, sa wakas, Dumating na rin sila.
Bumaba siya kaagad at lumabas ng kanilang bahay para buksan ang kanilang gate. Masyadong malayo ang gate nina Miriam sa sobrang laki din ng kanilang hardin. Nakikita lang mula sa loob ang labas ng bakuran nina Miriam, kaya papunta pa lamang siya ay alam na niya kung may tao sa labas o wala, at sa kasamaang palad, napansin ni Miriam na wala namang taong nakatayo sa labas nito.Nilapitan niya talaga ang gate para makasiguro... at wala nga.
Miriam: Hay nako ang dami na talagang walang magawa sa buhay ngayon.
Kaya bumalik nalang sa loob ng bahay si Miriam, papasok na sana siya ng pinto nang biglang tumunog ulit ang door bell nila. Muli niyang tiningnan ang gate, at ganon pa rin. Wala pa ring tao. Agad na nagreport sa security guard ng subdivision si Miriam....
Guard: Sige po ma'am magpapadala na po kami ng mga tao diyan para magcheck sa lugar niyo kung may mga nakapasok pong tagalabas.
Miriam: Sige po salamat.
Kakababa lang ni Miriam ng telepono nang bigla na namang tumunog ang door bell. Sa pagkakataong ito, ay hindi na siya lumabas, ang ginawa niya ay sumilip lang siya sa may bintana. At sa pangatlong pagkakataon na tiningnan niya ang labas ng kanilang gate ay may naaaninag na siyang imahe. Pumunta siya sa kanilang pinto para makasiguro, at pagdating niya sa may pinto. Tao nga... babae, nakatayo... sa labas ng kanilang gate.
Miriam: Sino 'yan?!
Hindi sumagot ang babae sa may gate. Masyadong matapang si Miriam at nilapitan niya talaga ang babae na nasa labas ng kanilang gate. Nang palapit na siya sa may gate ay bigla na lang... kumulog nang napakalakas! So sobrang gulat ni Miriam ay napapikit siya bigla sabay takip sa kanyang tenga. Nang natapos na ang kulog ay nagpatuloy siya sa paglalakad patungong gate, pero laking gulat niya nang nakita niyang wala ng tao ang labas. Hindi pa siya nakontento at nilapitan niya pa talaga ang gate para makasiguro.
Miriam: Miss?
Pero wala na talagang tao. Babalik na sana si Miriam sa bahay nila, nang sa unang hakbang niya paabante ay biglang.... may tumawag sa kanya. Friend?