Napakurap-kurap siya matapos pakinggan ang side ng lalaki. Hindi niya alam kung totoo ang kwento nito o hindi pero may tila isang tinig na nagsasabing paniwalaan nito ito. Gaya nga ng sabi nito, maaring lahat ng iniisip niya dito ay totoo maliban sa sinungaling.
"I know it's hard to believe," napabuntong-hininga ito nang makita ang reaksyon niya.
Ayon dito, ang unang pagkikita nilang dalawa ay totoong coincidence lang. Kaparehas niya ay lumabas din ito dahil nalaman nitong ipinagkasundo siya ng mga magulang. Ayon pa dito, wala itong balak sundin ang kagustuhan ng mga magulang dahil sa edad nitong bente-singko ay kayang-kaya nitong tumayo sa sariling mga paa kahit hindi pamanahan.
"If what you're saying is true, then why are you here?" sa wakas ay natanong niya.
"I don't know," pag-amin nito. "When I decided to tell my parents that I won't marry a stranger, there's a voice inside my head that's telling me to at least see your pictures," umpisa nito. "I was surprised when I saw it was you," simpleng sabi nito na hindi pa din sinagot ang tanong niya.
"That doesn't answer my question why you're here now," sabi niya na nakapagpangiti dito.
"Obviously because I'm attracted to you," walang pagalinlangang sagot nito. "And technically, you're no more stranger to me," napangiti ito ng nakakaloka na ikinainis niya.
"Of course we are strangers to each other," inis na sabi niya dito na lalong ikinangisi nito. "What?" inis niyang taning.
"Not in terms of our bodies," sagot nito na ikinainit ng mukha niya.
"You're-"
"So how about you? What's your story?" putol nito sa sasabihin niya. Nagdalawang-isip siya kung sasabihin ang totoo. Naoabuntong hininga siya at nagdesisyong sabihin dito ang totoo.
"I got so mad when I first learned it,"paguumpisa niya. " I just got home that night from my duty and was surprised to see my parents in the living room. They were obviously waiting for me. They told me to take a quick shower and come to my dad's study room and I knew from that moment that it's serious," paliwanag niya. Maitim itong nakatingin sa kanya. " To cut the story short, when my dad told me about it, I got furious. But I can't say no to them, can I? "mapait na tanong niya." So I decided to rebel against him. I told myself that if my daddy decided to give me like some sort of thing to other people, then I get to decide whom I give myself first. I won't give my stranger of a fiance the satisfaction but, it turns out, I failed, " napangiti siya ng mapait. Blangko ang expression ng lalaki nang matapos niyang sabihin ang saloobin niya.
"Tell me, do you have a boyfriend?" di niya inaasahang tanong nito sa kanya.
"None," nalilitong sagot niya dahil pagkatapos ng sinabi niya, magtatanong ito ng ganito.
"Do you love someone as of now?" tanong ulit nito na mas lalo niyang ikinalito pero umiling nalang siya bilang sagot. "Then why are you so against this fixed marriage?"
"I just told you, I don't want to marry a stranger," inis na sabi niya.
"I had the same stand as you before but I changed my mind when I learned that it was you whom I'm going to marry," casual na sabi nito. Habang nakakausap niya ang lalaki ng matagal, nakikilala niya ito bilang isang lalaking walang paligoy-ligoy. "We both know we have chemistry," dagdag pa nito.
"But it's not the same as love," sagot niya na ikinangiti nito.
"So you're one of those who wants a fairytale love story," tukso nito na ikinagalit niya.
"It's not a fairytale,"giit niya.
" Marriage is not a game you enter for mere attraction. You see, you can be attracted to a lot of people and that's why many children don't have a complete family because their parents decided to part ways simply because they found someone else," patuloy niya."But if the marriage is with love, then you can avoid those attractions to other people," pagtatapos niya na ikinangisi lalo nito. "What," inis niya dahil hindi siya nito sineseryoso.
"Nothing," nakakalokang sagot nito.
"I don't want to marry you," diretsahang sabi niya.
"Ouch," sabi nito nang nakangiti at nilagay pa ang kanang palad sa dibdib na animo nasaktan sa sinabi niya.
"Can you be serious," galit na sabi niya pero tila walang epekto dito ang galit niya.
"I am serious," sabi nito pero nakangisi naman.
"I know you don't want to marry me as well," umpisa niya. "So if you can just-"
"Who said I don't want to marry you?" tanong nito na ikinalaki ng mata niya.
"B-but you said you don't want to marry a stranger," litong sagot niya.
"Yes but I told you I changed my mind when I learned it was you," casual na sagot nito.
"But you don't love me," frustrated na sagot niya.
"Liking you is enough for me," simpleng sagot nito na ikinainis niya lalo.
"It's not for me," matalim ang tingin na sabi niya dito.
"Then I'll just have to make you love me if that's what you want," sabi nito na tila ba isang gamit lang ang salitang love na nabibili.
"What?" gulat na sabi niya dito at napatayo. "Do you think this is a game you can control for you to get the result you desire?" galit na tanong niya dito. "Lust and love are two different things. If you think you can just make me fall in love with you just because you know we have this common lust towards each other, then you're wrong. What we had last week and earlier is plain fucking and just because I enjoyed it doesn't mean it could lead to me falling in love with you," mariing sabi niya dito. Sa mga sandaling iyon ay nagpupuyos siya sa galit habang ang lalaki ay kalmado lang at blangko ang expression.
Tumayo ito na parang wala lang at may dinukot sa bulsa. Napakurapkurap siya nang makitang nilabas nito ang isang maliit na kahon. Hindi na niya kailangang tanungin kung ano iyon. Nablangko siya sa bilis ng pangyayari lalo na nang buksan nito ang kahon ng tiffany and co.
Bigla nitong kinuha ang kaliwang kamay niya at sinuot ang singsing.
"There, we're officially engaged," sabi nito nang may nakakalokang ngiti habang hinahaplos ang singsing sa kamay niya. Kasyang-kasya ito sa kanya at di na siya nagtaka dahil malamang tinanong nito sa mommy niya kung ano ang size niya.
"What?" nalilito pa ding sabi niya. Parang walang narinig ito sa mga sinabi niya kaya halu-halong inis, pagkalito, pagkamangha sa ganda ng singsing at frustrations sa lalaki ang nararamdaman niya.
"You will not remove this," tila pagbabanta nito.
"Or what?" hamon niya nang sa wakas ay makabawi sa pagkabigla.
"I'll follow you around and announce to every guy you talk to that you're engaged with me," sagot nito na ikinainis niya lalo.
"You can't be serious," di makapaniwalang sabi niya ba ikinangiti nito.
"I always do what I say, soon to be Mrs. Luna Araujo," sabi nito na ikinainit ng pisngi niya.
"Whatever," sabi niya at tinalikuran ito para itago ang pamumula ng mukha niya.
"Where are you going?" tila natatawang sabi nito.
"Sleep," sagot niya nang di nililingon. Naglakad siya at alam niyang sumunod ito.
Nang akmang papasok na siya sa pintuan ay hinila siya nito dahilan para mapatigil siya at mapalingon dito.
"What?" inis na tanong niya. Ngumiti ito at hinawakan ang magkabilang balikat niya para iharap siya saka lumapit. Napalunok siya sa lapit nila sa isa't-isa. Kahit na galit siya dito at ayaw pakasalan, hindi maipagkakailang attracted siya dito at alam niyang alam nito ito.
" I just want to give my future wife a good night kiss before leaving," tila normal para rito ang pagsasabi sa kanya ng future wife. Napapikit nalang siya nang hindi na siya binigyan ng pagkakataong magsalita at hinalikan ng mapusok. Kahit ayaw ng isip niya, di nakatanggi ang sariling katawan niyang tumugon sa halik nito.
" Sleep tight Mrs. Araujo," bulong nito nang tapusin ang halik at bahagyang nilayo ang mukha.
Napakurap-kurap siya nang tumalikod ito at naglakad papunta sa sasakyan.
Tila siya napako sa pagkakatayo at pinapanood lang ang lalaking sumakay. Nahimasmasan lang siya nang bumusina ito sa kanya at umalis na.
"Mrs. Araujo huh," ulit ng tinig sa isip niya. Napasimangot siya sa sarili dahil tila gusto niya ang tunog nito.