webnovel

True color

"Vika is my best friend," bulong niya.

Bumakas ang gulat sa mukha ng dalawa at natulala sa kanya. Sino nga ba ang nakakaalam na magkaibigan sila? Hindi sila madalas na magkasama. Their bonding was in the mansion only. Busy din kasi siya noong siya si Vika. Madalas pa ay nasa labas ng bansa para samahan ang ina.

"I met Malik when I was sixteen. Gusto ko na siya noon pa. Pero hindi ko alam kung paano nagkakilala si Vika at si Malik. Nabalitaan ko nalang na sila noong comeback ni Vika."

"Wala kang kasalanan. Parehas naman kayo ng nararamdaman. Kung paano siya tumingin sa'yo, gosh! Parang ikaw lang ang babaeng nag-exist sa mundo. Hindi mo inahas si Malik," Suri ni Lawrence.

Umiling siya. "Alam kong sila ni Vika pero hinayaan ko ang sarili kong makipagkita kay Malik."

"Si Malik ang may kasalanan. Bakit siya lumalapit sa'yo kung may girlfriend na siya?" Si Jessica, nag-isip.

"Alam daw ni Vika na single si Malik. Wala silang relasyon." Maging siya ay biglang naguluhan. Pero tiyak siyang nag-usap na ito at si Winona. Marahil ay hindi tanggap ng kaibigan ang biglang pananamlay ni Malik kaya ito nagalit sa kanya.

"Bakit niya sinabi sa madla na girlfriend niya si Vika kung single pala siya? Pagpapanggap na relasyon?" Si Jessica, taimtim ang tingin sa kanya.

Napalunok siya sa tanong ni Jessica. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa dalawa na dahil sa sing-sing kaya pinag-akalaan ni Malik na si Winona na ngayong si Vika ay siya. She can't tell them about the switch, and she can't tell them that she was the real Vika.

"Alam mo. Change topic nalang. Naiirita lang ako kapag naaalala ko ang mukha ni Graciella. Kapag umulit pa siya, sisiguraduhin kong pagsisisihan niya." Agresibong kinamot ni Lawrence ang ulo at agad tumayo. Sumilip ito sa bintana. "Wow, ang ganda ng view sa condo mong ito, sis."

"Talaga?" Naiinggit na tumayo si Jessica at nakisilip sa bintana. Sabay silang tumitili na parang may ipis silang nakita.

She found it hilarious for two different reasons. They were too easy to get distracted and she was glad that they were different from other girls who pleased themselves with talking about other lives.

Tumayo siya at humalukipkip. "Welcome to Malik's Lair."

Sabay na sumulyap sa kanya ang dalawa, awang ang mga bibig. "Oh my god, ang hot niya talaga!" Tili ni Jessica, lumapit sa kanya habang kinikilig.

Natawa siya sa reaction nito.

"Jess, kung makatili ka riyan para kang sinilihan." Suway ni Lawrence rito. Nananatiling in love sa view sa bintana.

"May kaibigan ba iyan, sis? Single ako. You know." Si Jessica, hinawakan siya sa kamay at piniga pa.

Natigilan siya. Biglang sumagi sa isip niya si Shawn. Pero ayaw niyang manghimasok sa ganoong bagay pagdating sa kapatid. Alanganin siyang ngumiti. Hindi kasi siya tiyak kung mayroon nga ba. Ayaw niya naman ipagkatiwala si Jessica kila Colin. Papaiyakin lang nila ang kaibigan niya. Mukha pa naman na hopeless romantic ito.

They end up going on the mall. Nag-message siya kay Malik kung saan sila pupunta. Plano kasi ng dalawa na magpa-tan. Sumang-ayon siya sa ideya na iyon. For a change, ika nga ni Lawrence.

Kasalukuyan nilang binabagtas ang hallway ng third floor nang may grupo ng kababaihan ang lumapit sa kanya. "Ikaw 'yung model ng Candella?"

Nagkatinginan sila nila Jessica. In the end, she give a fansign and selfie with them. Nasundan din iyon ng ilang kabataang may suot ng Candella brand.

"Nagsisimula ng mabuo ang image mo sa mga tao, Jyra." Puna ni Jessica nang sila'y makahanap ng coffee shop.

"Candella is popular for teens and middle class woman. I guess I am not. Hindi lang ako ang modelo nila. They had several models." Sinilip niya ang cellphone noong magtanong si Malik kung nasaan sila.

"And Candella is huge. Magkakaroon sila ng branch sa China, yata?" Si Lawrence.

Binalik niya ang atensyon sa dalawa nang matapos makapag-reply. Napansin niya ang panay silip ni Lawrence sa relo nito sa bisig. "May lakad ka?"

Tumingin sa kanya ito at umiling. "Ang bilis kasi ng oras. Pasok na naman sa work tomorrow. Nakakasawa na." Reklamo nito, patamad na humalumbaba.

Tinawanan ito ni Jessica. "Paano naman akong naghahanap palang ng trabaho? Ayokong mag-stay sa Cebu dahil panay bahay at hotel lang ako. Nakakasawa, mas gusto ko rito sa Owl City."

"What do you want to do then? Aside from modeling?" Agaw pansin niya sa dalawa.

"Sa ngayon gusto kong mag-focus sa modeling. And doing some creative application of make-up," Jessica explained.

"Wala akong choice. Bukod sa modelling ay pera na yata ang destiny ko." Lawrence played with her coffee.

Sa isang bangko ito pumapasok. Kaya nauunawaan niyang pera ang madalas na nakikita nito.

Napaisip tuloy siya. Bukod kasi sa Lazarde at pagbalik sa modelling, wala na siyang naiisip na puwedeng gawin. Wala naman siyang problema roon. Masaya siya, isa pa kasama niya si Malik. There is nothing to worry about, or maybe she's too happy today to forget something.

"Nakausap ko si Pink kagabi. Kapag nagustuhan ng make-up brand chief officer ang shots natin, baka maging permanent model na tayo." Lawrence suddenly opened a topic.

Busy si Jessica sa pagbutingting sa kanyang cellphone kaya siya nalang ang sumabad. "Stepping stone," she murmured. Alam niya ang kalakaran sa mundo ng fashion industry. Kapag sikat ka, lahat ng brand ay mag-offer sa'yo. Ikaw ang bahala kung alin ang pipiliin mo. Noong siya si Vika, she choose the bigger name. Iyon ang utos ni Pause kaya sinunod niya.

"Ano itong kumakalat na balita?"

Sabay sila ni Lawrence na lumingon kay Jessica. Ipinakita nito ang binabasa sa Twitter.

@Kissmyass

Vika is fake. She's not the real Vika. I have proof but I don't want to spoil my information because I love the real, Vika. #FakeVika #WhatisyourrealidentityfakeVika

"Hala! Sino kaya iyang nag-post na iyan? Check mo nga ang profile, baka haters lang ni Vika," utos ni Lawrence.

Sinunod iyon ni Jessica. They stalked the profile of this synonymous person. But, they found nothing. The post top the trends. Commented and tweeted by some intrigued Vika fandom or whoever they are.

She silently sit back on her chair. Hindi niya alam kung ano ang posibleng mangyayari kay Winona kapag napatunayang peke siya.

"Speaking of the fake," Jessica whispered, her eyes were focused outside.

Winona and Paused jumped out on the black car and entered on the same shop. They were on the counter when Pause spotted her on the side. Imbes na tawagin siya ay umiwas lang ito nang tingin.

She understands. Isa sa protocol nito sa kanya ay Disregard his presence when he was with Vika. He will do the same with her.

"Hindi ba't magkaibigan kayo? Edi kilala mo siya? Kaya mong patunayan na siya ang totoong Vika."

Napatingin siya kay Lawrence dahil sa sinabi nito.

Siniko ni Jessica ito. "Obvious namang siya si Vika. Kahit ikumpara ang nakamaskarang si Vika sa wala, katawan, buhok at tindig parehas kaya."

Nanatili siyang tahimik. She even looked on the two. Hindi niya kayang sabihin ang tungkol kay Vika sa dalawa.

Pinanood niya iyong babaeng tumayo para tanungin si Winona. "Anong masasabi mo? Kumakalat sa twitter na hindi raw ikaw ang totoong si Vika?"

Winona literally frowned at the question. Pause even looked mad at the woman.

"Fan ako ni Vika noong may maskara siya. Ang kaso noong ipakita ang mukha, nawalan kami ng gana. Totoo yatang peke ka," dagdag pa noong babae. Nang walang mahinitang sagot kay Winona ay umalis.

"Ako ang totoong si Vika." Sagot ni Winona, pilit na sinusundan ang babae ngunit pinipigilan naman ito ni Pause. Hanggang sa hilain na palabas.

She watched them disappeared. Naawa siya bigla kay Winona dahil sa nasaksihan. She must be really in pain because of the outcome. People lose their interest in her. And even bothered her. Destroy her.

Próximo capítulo