webnovel

Chapter 357

"Pumasok nga kayong dalawa dito!" sigaw ni Mama, dahilan para mabilis kaming maghiwalay ni Martin. Di ko kasi namalayan na tinutugon ko na pala yung halik niya.

"Hays," buntong hininga ko paano kasi nakalimot ako at base sa itsura ni Mama tiyak na may hampas ako nito kasi nga kahit malamig nakikita ko parin yung usok sa ilong niya.

"Lagot ka!" bulong ni Martin sakin bago niya ipinulupot yung kamay niya sa baywang ko at hinila ako papalapit sa kanya.

"Nang-aasar ka pa!" sambit ko habang siniko ko siya sa tagiliran. Ngumiti lang si Martin habang dahan-dahan kaming naglalakad papunta sa bahay namin.

"Anong feeling niyong dalawa kwarto niyo yung kalsada at diyan kayo naglalampungan sa gitna pa ng ulan?"

Di ako sumagot at nanatili lang akong naka yuko kasi kapag sumagot pa ko lalo lang mag-iinit yung ulo ni Mama at tiyak ko di lang sermon ang gagawin niya baka mahampas pa ko ng walis.

"Punasan niyo yung sarili niyo!" sabi ni Papa habang inaabot samin yung tuwalyang hawak niya. Tag-isa kami dun ni Martin kaya inabot ko sa kanya yung isa.

"Bakit gising pa kayo?" tanong ko habang pinupunasan ko yung buhok ko.

"Paano kami makatulog eh ang ingay niyo!" sagot ni Mike.

"Huh?" takang tanong ko kasi sa pagkakaalala ko naman di naman ganun kalakas yung sigawan namin ni Martin saka isa pa may ulan kaya paano niya kami maririnig kaya tiningnan ko ng masakit si Mike kasi alam ko pinagloloko lang niya ako.

"Pasabi-sabi ka pa na ayaw mo siyang maka usap tapos yun pala di ka rin makaka tiis, nakipag halikan ka pa sa gitna ng kalsada!" pang uuyam sakin ni Mike, dahil sa sinabi niya di na ko naka tiis at agad ko siyang binato ng tsinelas kong suot na mabilis naman niyang naiwasan. Kukunin ko pa sana yung isa kong tsinelas para sana batuhin siya uli ng bigla akong tawagin ni Mama.

"Michelle!"

"Ma!" mahina kong sabi na parang napaka docile ko.

"Baka balak mong magpaliwag?"

"Ah...!" di ko alam kung paano ako magsisimula kasi di ko rin alam kung ano yung narinig nila kaya di ko alam kung anong sasabihin ko.

"I'm sorry po 'Ma, 'Pa! Patawarin niyo po ako kasi minadali ko po si Michelle at di ko po nahingi ng maayos yung kamay niya sa inyo!" sabi ni Martin na muli nanamang lumuhod sa harap ng magulang ko.

Nagulat ako sa ginawa niya at ganun din sila Papa at Mama pati si Mike kasi di nila akalain na basta-basta luluhod si Martin para humingi ng tawad sa mga magulang ko. Di ko tuloy alam kung hihilahin ko siya pero sa huli lumuhod din ako kasi alam ko naman na di lang siya dapat ang humingi ng tawad ako din.

"Anong niluluhod niyong dalawa? Dahil ginawa niyo na yung bagay na tanging mag-asawa lang dapat ang gumagawa?" galit na tanong ni Mama.

"Kasal na po kami ni Michelle," sagot ni Martin.

"Anong sabi mo?" tanong ni Papa.

"Kasal na po kami ni Michelle bago po may nangyari samin!" mahinang sagot ni Martin habang hinawakan niya yung kamay ko.

"Nagpakasal kayo ng di niyo sinasabi samin? Sumusobra na kayong dalawa!" sambit ni Mama pago kinuha yung mahiwaga niyang walis tambo at ng makita kong ihahampas na niya iyon sakin di ko mapigilang mapapikit kasi alam ko masakit talaga iyon pero laking gulat ko ng bigla akong kabigin ni Martin kaya yung braso niya yung tinamaan.

"Wala kayong respeto samin, akala niyo naman pipigilan namin kayo magpakasal," sabi ni Mama at muling inihampas yung tambo niya.

Buti nalang talaga tuluyan akong niyakap ni Martin kaya siya lahat ng sumalo ng galit ni Mama.

"Tama na yan Eden, nasa tamang edad naman na yang dalawa kaya di mo na kailangang magalit!" saway ni Papa.

"Yun na nga nasa tamang edad na sila pero di man lang nila tayo naisip bilang magulang." nagpupuyos sa galit ni Mama.

"Sorry po 'Ma!" sambit ko pero parang lalong nagalit si Mama at hahampasin sana ako pero mabilis na iniharang ni Martin yung katawan niya. Marahil naisip ni Mama na nakarami na siya ng palo sa isa kaya di na niya itinuloy.

"So anong plano niyo, secret marriage na lang?" taas kilay na sabi uli ni Mama.

"Di po 'Ma, inaayos ko kang yung mga kakailanganin sa kasal pero ang target ko po sana sa February 14," paliwanag ni Martin.

"Ano yan sa judge?" muling tanong ni Mama at halatang di niya gusto yung idea ni Martin.

"Di po sa church!" sagot ni Martin habang naka tingin sakin kasi nga tinitingnan ko yung braso niya na namumula dahil sa palo ni Mama.

"Anong klaseng kasal sa church na gagawin mo lang paghahanda ay kalahating buwan?" takang tanong ni Mama kasi nga naman sa dami ng dapat ihanda kukulangin talaga yung panahong iyon.

"Naayos ko na po ang lahat, bukas pwedi ng kunin yung mga invitation para po maipamigay."

"Ano minadale?"

"Di po 'Ma masusi ko po iyong pinagplanuhan sa loob ng apat na taon kasi ang gusto ko yung the best para kay Michelle," sabi ni Martin habang hawak hawak yung kamay ko at dinala sa labi niya para halikan ang likod nito.

"Dapat lang, dahil minsan lang yan mangyayari sa anak namin!" mabilis na sagot ni Mama.

"Tumayo na nga kayong dalawa at maligo, mamaya magkasakit pa kayo!" sabi ni Papa.

"Salamat po 'Pa!" sabi ni Martin bago tumayo at inalalayan ako para makatayo na rin ako.

"Bukas tayo mag-usap at madaling araw na, wag mong kalimutang pakain yang asawa mo Michelle," singhal ni Mama bago lumakad papasok sa kwarto nila ni Papa. Kahit galit yung boses ni Mama alam ko na concern parin siya kay Martin.

"Mauna na kami magpahinga," sabi ni Papa ng umalis na rin. Si Mike naka tingin lang samin at walang kibo hanggang sa umalis na rin at iniwan kaming dalawa ni Martin.

"May dala ka bang damit?" tanong ko kay Martin nung maka alis na silang lahat.

"Meron, nasa kotse ko!

"Akin na yung susi at ako na yung kukuha para maka ligo ka na." sabi ko sabay lahad ko sa palad ko.

"Kaw ng maunang maligo, ako na kukuha!" sabi ni Martin bago tumalikod at tuluyang lumabas.

Wala akong nagawa kundi pumasok na lang ng banyo at nauna na kong naligo.

Próximo capítulo