webnovel

Chapter 353

Pagbaba ko ay agad akong dumiretso sa hapag kainan at nagsimulang kumain. Nanatili akong nakayuko para di masyadong pansin nila Mama at Papa yung mata ko.

"Kahit idukdok mo pa yung mukha mo diyan sa plato mo, nakikita parin namin ni Papa mo na namamaga yung mata mo sa kaiiyak!" sambit ni Mama. Wala akong nagawa kundi mag-anggat ng mata at humarap kay Mama.

"Anong problema, anak?" tanong ni Papa sakin na nakatingin din sa akin.

"Wala po!"

"Wala, mamaga ba ng ganyan yung mata mo kung wala kang problema!" sigaw ni Mama sakin pero nanatili akong tahimik at di ako sumagot.

"Buntis ka?" muling sabi ni Mama.

"Di po!" mabilis kong sagot.

"Na-rape ka?" muling tanong ni Mama.

"Mama naman!" muli kong sabi na para na ko muling iiyak.

"Ano ba yang pinagsasabi mo?" galit na sabi ni Papa kay Mama habang hinampas siya.

"Eh ano sa tingin mo diyan sa ikinikilos ng anak mo at diyan sa kiss mark na nasa leeg niya!" sigaw ni Mama habang nanlilisik ang mata sakin. Di ko tuloy maiwasang hawiin yung buhok ko para matakpan yung leeg ko.

"Kumain ka na muna Michelle at mag-uusap tayo mamaya!" sabi ni Papa, tumango nalang ako kasi di ko naman talaga maitatago sa kanila iyon forever ang mali ko lang napaka careless ko.

"Sumunod ka samin sa kwarto!" sabi ni Papa habang pinapagulong yung wheel chair niya papasok ng kwarto nila ni Mama.

Wala akong nagawa kundi tumayo at sumunod sa kanya. Si Mama naiwan sa kusina at nagliligpit ng kinainan namin.

"Umupo ka rito!" sabi ni Papa habang itinuro sakin yung gilid ng kama nila ni Mama.

"Magsabi ka ng totoo!" sabi ni Papa ng maka-upo ako.

"May nangyari na po samin ni Martin!" sagot ko sa kanya habang tumutulo yung luha ko.

"Ayaw ka niyang panagutan?" mahinahong sabi ni Papa pero alam ko galit siya kasi nakita ko kung paano niya itikom yung kamao niya.

"Opo!" tanging sagot ko. Di ko na sinabi na pinakasalan niya ko kasi palabas lang naman yun ni Martin para makuha ako pero sa huli iniwan niya lang din ako.

"Eh bakit mo sinuko kung di ka naman pala siguradong pananagutan ka niya? Ilang beses kong sinabi sayo Michelle, kayamanan mo yan kaya sana isinuko mo yan sa araw ng kasal mo!" sigaw ni Papa sakin.

"Sorry po!"

"Paano kung mabuntis ka?" di ako sumagot sa tanong ni Papa at nanatili lang ako naka yuko kasi alam ko naman na di yun mangyayari kasi nga uminom naman ako ng after pills pero di ko na sinabi baka lalong magwala si Papa kasi nga baka isipin niya kung paano ko nalaman yung mga ganung klaseng inumin.

"So ganun na lang yun?" galit na tanong ni Mama na pumasok narin.

"Sorry Ma!" sambit ko.

"Ilang beses kong sinabi sayo, ingatan mo yung sarili mo!" sigaw ni Mama sakin habang pinaghahampas ako sa braso pero para sakin okay lang kasi talagang mali ako kasi nga di muna ako nagimbestiga at nagpauto lang ako kay Martin.

"Tumigil ka na, wala namang mangyayari kahit pa patayin mo yang anak mo!" sambit ni Papa habang hinihila si Mama palayo sakin.

"Ano nalang ang ihaharap mo sa mapapangasawa mo, kapag nalaman niyang di ka na birhen?" tanong ni Mama sakin habang umiiyak narin.

"Sorry po Ma!" tanging nasabi ko kasi ako mismo di ko alam ang isasagot.

"Umakyat ka na sa taas at pag-isipan mong mabuti kung anong plano mo sa buhay mo Michelle!" sabi ni Papa kaya agad akong tumayo at umalis.

Pagbalik ko sa kwarto ko ay muli akong umiyak kasi sa ngayon yun lang talaga yung alam kong gawin para kahit papano ay maiwasan yung sakit na nararamdaman ko.

Paggising ko ng umaga, agad kong kinuha yung laptop ko at nag-email ako sa HR namin sa America para i-renew yung contract ko sa kanila. Yun nalang kasi yung naisip kong paraan para makalimot ang lumayo.

"Kumain ka n!" sabi ni Mama ng makita ako pababa ng hagdan.

"Ligo muna ako Ma!" sagot ko sa kanya bago ako dumiretso sa banyo.

Pagbalik ko ng kwarto agad kong chineck yung email ko at nakita ko dun yung reply ng HR namin na nagsasabing process ko na daw yung mga documents ko and once okay na inform ko daw sila ay papa-book na nila yung flight ko.

Expect ko naman na yun kaya nga naligo na ko para makaalis ako at malakad ko na yung mga papeles ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mama ng makita niya kong nakabihis.

"Babalik na po ako ng America kaya kailangan kong lakarin yung mga papeles ko," sagot ko kay Mama bago ako umupo sa hapag kainan.

"Mabuti pa nga umalis ka muna para makapagisip ka ng maayos!"

"Oo nga po!" sambit ko habang kumakain.

Pagkatapos kumain ay umalis na rin ako kagad. Sinabi ko din kina Mama at Papa na wag akong tawagan kasi nga wala akong phone di narin ako nag-abalang bumili kasi nga aalis narin naman ako at sa tantiya ko baka Friday lang lumipad na ko papuntang America.

Mabilis lumapas ang araw, Thusday na at nakumpleto ko na lahat ng kakailanganin kong papeles. Kasalukuyan na kong nag-iimpake ng damit ko kasi nga naka sched na yung flight ko kinabukasan.

"Ilang taon yung kontrata mo?" tanong ni Mike sakin habang nasa may pintuan siya ng kwarto ko.

Kadarating niya lang sa trabaho, hinayaan ko lang kasing bukas yung pinto ko kasi nga si Mama mayamaya ay umaakyat at may ibinibigay sakin at dalhin ko daw sa America.

"Two years," sagot ko kay Mike habang nagtutupi ako ng damit na ipinapasok ko sa maleta ko.

Alam kong alam ni Mike yung nangyari sakin pero di siya nagsasalita. Marahil naisip niya na wala naman siyang magagawa at maitutulong sa akin.

"Nagfile ako ng leave bukas para sana ihatid ka kaya lang di ako pinayagan ng Boss ko kasi nga payroll namin bukas!" sabi nito bago tuluyang pumasok at umupo sa tabi ko.

"Okay lang magtaxi na lang ako, Ikaw na bahala kina Mama at Papa!" sabi ko kay Mike bago ako inilagay sa balikat niya yung ulo ko.

"Mag-ingat ka dun!"

"Andun naman sila Anna at Analyn kaya wala ka dapat alalahanin!"

"Andun din si Christopher!" sambit ni Mike at tuluyan akong inakbayan

"Malay mo si Christopher pala talaga ang naka tadhana sakin!" pagbibiro ko.

"Wala ng ibang choice?" sabi ni Mike na bahagya akong binatukan.

"Ayaw ko naman ng kano baka di ko yun kayanin, haha...haha...! di ko mapigilang matawa.

"Baliw!" sabi ni Mike bago tumayo kasi narinig kong tumunog yung phone niya at para makuha niya yun sa bulsa niya need niyang tumayo.

Próximo capítulo