webnovel

Compensation

Bago pa makalapit si Yago sa kwarto ni Martin ay lumabas na ito.

"Good afternoon Sir, Malapit na po mag-start yung meeting niyo,"paalala ni Yago.

"Sige sunod na ko!"

"Sige po Sir!" sabi ni Yago bago lumabas. Habang nag-uusap silang dalawa ako naman ay busy sa pagharap sa computer ko na parang walang paki sa kanila. Makalipas ng ilang saglit naramdaman kong lumakad na si Martin.

"Malamang aalis na para pumunta sa meeting niya," sabi ko sa isip ko pero sa halip na sa pinto siya dumiretso ay sa lamesa ko siya huminto, sa una deadma ako pero nanatili lang siyang naka tayo dun na para bang pinagmamasdan yung ginagawa ko.

Nang di na ko makatiis ay tiningnan ko na siya, bahagya pa kong tumingala kasi nga naka upo ako at siya naman ay naka tayo. Naka taas kilay pa ko habang naka tingin sa kanya na para bang tinatanong ko kung, anong problema mo?

Ang ganda ng pagkakangiti ni Martin na para talagang nang-aasar. Nagkasukatan muna kami ng tingin ng ilang segundo bago siya kusang bumitaw at dinampot yung folder kung saan naka lista yung mga utang ko.

Mukang reremind niya nanaman sakin na need ko yun pirmahan kaya nagsalita na ko nung makita kong buksan niya yun,"wala pa yang pirma!" asar na asar kong sabi pero di siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglipat ng pahina.

Huminto siya sa last page, bago kinuha yung ballpen na nasa lamesa ko. Dahil nga naka tayo siya di ko makita kung anong sinulat niya dun kaya nanatili akong naka tingin sa kanya at nag-aantay ng susunod niyang gawin.

"Nabawas ko na yung sa service mo!" sabi ni Martin sakin sabay abot sakin ng folder na agad kong tingnan. Sa last page pala nung folder may naka sulat ng summary of payment ko at may recieve ni Martin sa gilid at yung sinasabi niyang bayad sa service ko.

May sasabihin pa sana ako sa kanya pero tinalikuran niya na ko kaya muli kong tiningnan yung amount na sinabi niya, two hundred thousand iyon.

Di ako makapaniwala na hinalikan niya lang ako at niyakap sa pagtulog ay nabawasan na yung utang ko. Samantalang sa trabaho ko ay kailangan kong pumasok ng eight hours and five days in a week sa loob ng dalawang lingo para kitain yun pero ngayon two hours lang kumita ako ng two hundred thousand.

"Yun nalang kaya gawin ko para mabayaran ko siya!" sabi ko sa isip ko, "Ano bayarang babae lang?" kaya agad ko ring dinismiss yung idea na yun.

Bigla kong naalala yung tingin ni Yago at tawa ni Martin kaya agad kong kinuha yung maliit na salamin sa may bag ko. Agad kong sinipat yung mukha ko pero wala namang kakaiba dun kaya medyo naka hinga ako ng mabuti pero bago pa ko makapag-saya ng tuluyan ng mapansin kong parang may pula yung leeg ko kaya agad kong nilapit yung salamin para makita ko ng maayos.

"Buwisit talaga!" nasabi ko sa pagitan ng ngipin kong nagkikisan sa sobrang inis.

Bago ko pala siya maitulak ay nalagyan na niya ako ng kiss mark.

"Sira ulo talaga!" muli kong usal, feeling frustrated pero syempre wala na kong magawa nandiyan na eh kaya ang mabuting gawin ay itago nalang bago pa kung ano-ano isipin ng mga taong makakakita.

"Nakita na nga ni Yago!" sabi ng demonyo sa utak ko.

"Di naman yun madaldal kaya, okay lang!" sabi ng angel ko.

"Kahit na nakakahiya ka parin!"

"Agh....!" Sigaw ko nalang sa huli habang nilalagyan ng concealer yung leeg ko.

Nagpupuyos parin ako sa galit pero wala naman dun yung dahilan ng galit ko kaya pinagpatuloy na lang yung pagtatrabaho ko pero dahil inis ako di ako makapag concentrate kaya tumayo ako para sana magtimpla ng kape para kumalma ako.

Kinukuha ko palang yung wallet ko sa may bag ko ng biglang pumasok si Martin at may dalang kape at may spaggeti yung kasama kasi kitang kita ko iyon sa transparent na lagayan.

Balak ko na sana siyang bulyawan ng ilagay niya yun sa table ko pero naunahan niya ko magsalita.

"Para kumalma ka!"

"Kumalma yung muka mo! Alam mo naman na ayaw kong nilalagyan mo ko ng kiss mark sa leeg!" sigaw ko.

"Kaya nga binilhan na kita ng kape at saka dinoble ko na yung charge."

"So yung ang compensation mo sakin?" naasar ko paring sabi.

"Hmmm," sagot niya lang bago niya ko iwan at pumunta sa table niya.

"Bato ko sayo 'tong kape makita mo!"

"Sayang yan, galing pa naman yan sa favorite coffee shop mo." pagkasabi nun ni Martin, napatingin ako sa brand ng kape at gaya nga ng sabi niya galing iyon sa favorite coffee shop ko nung nagtatrabaho pa ko sa Web Security at dahil dun medyo kumalma na ko.

"Pasalamat ka matagal na ko di nakaka inom ng kape mula dun!"

"Binili din kita ng spaggeti kaya dapat kiss mo ko!" pagkarinig ko nun agad ko siyang tiningnan ng masakit at siya naman ay humalakhak.

"Baliw!" bulong ko habang sinisimsim ko yung kapeng bigay niya.

Tamang tama lang ang init nun at gaya dati di paring nagbabago ang lasa nun kaya binuksan ko narin din yung spagtteti at mainit pa yun halatang bagong luto. Di ko na pinansin si Martin hangang mag-uwian.

"Wala ba kong goodbye kiss?" sabi ni Martin nuna makita niya binibitbit ko na yung bag ko.

"Suntok, gusto mo?" anggil ko.

"Luto mo na lang ako ng adobo bukas." sabi niya habang nakapangalumbaba sa lamesa niya at pinagmamasdan yung kilos ko.

"At bakit ko yun gagawin?" wala kong ganang sabi na para bang di ako interesado sa sinasabi niya.

"Magbabayad ako!" direct niyang sabi.

"Magkano?"

"Pag may bayad naeexite ka ah!"

"Lahat ng bagay ngayon may bayad na noh, ikaw nga sinisingil mo ko sa bagay na di ko nga nagamit!" irap ko sa kanya.

"Okay fine, tama na ba yung fifty thousand para sa adobo mo?"

"Tamang-tama!" mabilis kong sagot sabay kindat pa kanya saka ako umalis baka kasi mamaya magbago pa ng isip.

Siguro kung may taong makakarinig sa presyo ng adobo ko malamang magtataka kung anong meron dun at ganun ka mahal. Sa ending sasabihin nila ng baliw si Martin para magbayad ng ganun at sakin super super pabor yun kasi may pag-asa na kong makabayad na sa kanya.

Próximo capítulo