Kahit anong deny ko, nung time na sinabi yun ng photographer wala akong ibang naisip na lalaking gusto kong pakasalan kundi si Martin lang. Di ko mapigilang malungkot at the same time masaktan.
"Siya nga pala Michelle birthday ni Lucas bukas, punta ka?" Sabi ni Zaida sakin nung mapansin niya na natutulala ako.
"Ah talaga, san gaganapin?"
"Dun lang sa bar ni Jerold sa may timog!"
"Baka madaming bisita nakakahiya naman!"
"Sus, tayo-tayo lang! Walang hilig sa malaking gathering si Lucas kaya malamang barkada lang ang kasama!"
"Sige pag-isipan ko." Sagot kasi iniisip ko malamang andun si Martin at di ko alam sa tuwing nakikita ko siya lalo akong nahihirapan na kalimutan siya.
"Sumama ka na, para makilala mo din yung boyfriend ko." Naka ngiting sabi ni Zaida. Bigla akong napa tingin sa kanya at umiling kasi parang may idea na ko kung sino BF niya.
"Pag-isipan ko!" Muling sagot ko sabay dampot nung box na dala ko kasi nga sabi ni Zaida di daw tatanggapin yun ni Martin at sayang naman kung itatapon kaya minabuti ko na iuwi nalang uli.
"Hoy san ka pupunta?" Sigaw ni Zaida ng makita niyang paalis na ko.
"Kailangan ko ng umuwi at magsusundo pa ko." sagot ko sakanya habang patuloy akong lumakad palabas.
"Kain muna tayo!"
"Kanina pa tayo kumakain at busog na ko. Sige na text text nalang tayo!" Sabi ko uli kay Zaida bago ako tuluyang lumabas.
Four palang ng hapon pero umalis na ko para sunduin si Mike, mahirap ng ma-late baka masermunan pa ko. Kaya lang walang traffic kaya fifteen minutes lang nasa Casa Milan Group of Companies na ko.
Kahit maaga ako pinili ko nalang maghintay sa parking area at di na umalis. Kahit hapon na tirik parin yung araw kaya minabuti kong lumabas muna ng kotse at sumilong sa ilalim ng puno ng acacia na nasa gitna ng parking lot.
Bigla kong naisip si Mang Kanor, may dala kasi ako para sa kanya. Chocolate lang naman yun at ilang damit pasalubong ko kaya agad ko siyang tinawagan.
"Kuya andito ka ba sa Casa Milan head office?" sabi ko ng sagutin niya yung tawag ko.
"Opo Mam andito po ako!"
"Andito po ako sa parking lot sa may puno po ng acacia puntahan mo po ko may ibibigay po ako sayo." Masayang sabi ko.
"Ah sige po Mam baba po ako."
"Okay!"
Habang hinihintay ko si Mang Kanor, nag scroll muna ako ng FB account ko. Nagsend lang ako ng like sa mga post ng mga kaibigan ko at minsan nag ko-comment.
"Mam!" May nagsalita na parang hinihingal pag-angat ko si Mang Kanor iyo pawis na pawis.
"Bakit po kayo tumakbo?" Natatawa kong sabi habang pinagmamasdan siyang nagpupunas ng pawis.
"Baka po kasi mainit kayo?"
"Haha...haha...!" Di ko mapigilang mapahalakhak.
"Ito po para sayo!" abot ko kay Mang Kanor ng paper bag na nasa gilid ko.
"Salamat po Mam!"
"Walang ano man! Upo po kayo!" Sabi ko uli sa kanya kasi nga nanatili lang siyang naka tayo sa harapan ko.
"Salamat po Mam!" sabi niya habang exited na sinilip yung bigay ko sa kanya.
Ngumiti lang ako at pinagmasdan yung matayog na building ng Casa Milan Group of Companies.
"Napalago na ng husto ni Sir Martin yung kumpanya sa loob ng dalawang taon!" sabi ni Mang Kanor.
"Sa tingin ko nga din sabagay magaling naman talagang leader si Martin at walang duda dun!" Mahina kong sagot.
"Di lang hotel ngayon ang meron si Casa Milan, meron na ding condo, subdivision at sa pagkakaalam ko papasukin na rin ni Sir Martin yung mall."
"Galing naman!"
"Di mo lang alam Mam halos di na umuuwi si Sir Martin, puro nalang siya trabaho simula ng umalis ka!" bigla akong napatingin kay Mang Kanor ng marinig ko yung sinabi niya.
"Alam mo naman di ba kung gaano ka niya kamahal kaya labis talaga siyang nasaktan ng umalis ka. Kaya ginugol niya yung oras niya para siguro makalimutan ka." Muling sabi ni Mang Kanor ng di ako sumagot.
"Hmmm pero atleast naka limutan na niya ako!" Naka ngiti kong sabi para itago yung pait na nararamdaman ko.
"Di pa...!" di na natapos ni Mang Kanor yung sasabihin niya ng may tumawag sa kanya.
"Mang Kanor baka pwedi mo naman kami pakilala sa dalagang kasama mo?" sabi ng isang lalaki na naka office attire at kung di ako nagkakamali ay nagtatrabaho din sa Casa Milan. Doon ko lang napansin na naglabasan na yung mga trabahador.
"Ay di pwedi at may magagalit!" Mabilis na sagot ni Mang Kanor.
"Sino?" Takang tanong ng lalaki.
"Kami!" Sagot ni Lucas na lumapit samin kasunod niya si Martin na naglalakad din.
"Sir Lucas, Sir Martin good evening po!" Sigaw ng apat na lalaki ng makita nila yung dalawa. Tinanguan lang sila ng dalawa bilang pag-acknoledge sa pagbati nila pagkatapos nung ay agad umalis yung apat.
"Ginagawa mo dito Michelle?" Masayang sabi ni Lucas sakin.
"May sinusundo lang!" Sagot ko habang naka ngiti at iniwasan ko ng tingin si Martin.
"Wag mong sabihin may boyfriend ka dito?" Taas kilay na sabi ni Lucas sakin.
"Ewan ko sayo!"
"Di mo ba kakamustahin si Martin?" Sabi ni Lucas uli at hinila si Martin sa likod niya para lumapit sakin.
"Mukang okay naman siya kaya di na kailangang kamustahin."
"Akala mo lang yun!" Sabi ni Lucas habang natatawa.
"Huh?" Takang sabi ko habang tiningnan si Martin. Actually ngayon ko lang siya napagmasdan ng maayos medyo pumayat si Martin, tapos yung mata naging dull na para bang walang buhay. Lalo tuloy siyag naging masungit tingnan na akala mo madaming problema. Sabagay malaki yung responsibilities naka atang sa balikat niya.
"Alis na tayo Mang Kanor!" Tanging sabi niya sabay talikod at agad naman sumunod sa kanya si Mang Kanor matapos magpa-alam samin.
"Lagot ka nagalit!" Pang-aasar ko kay Lucas.
"Sayo yun nagalit kaya ikaw ang lagot!" Pang-asar din niya sakin.
"By the way birthday ko bukas, punta ka!"
"Nasabi nga ni Zaida kaya lang!"
"Naku walang kaya lang! Pumunta ka pasusundo kita!" Diretsong sabi ni Lucas na ayaw tumanggap ng dahilan ko kasi bigla na akong iniwan. Kinawayan niya lang ako nung pasakay na siya sa kotse niya.
Napa-iling nalang ako at umalis narin para bumalik sa kotse kasi malamang andun na si Mike at di nga ako nagkamali andun na siya at may kasamang babae. Malamang ito yung si Xandra yung sinasabi niyang girlfriend niya.