Paglabas ko ng kwarto, agad akong dumiretso ng admin.
"Good Evening, ask ko lang yung sa admission ng Papa ko si Mikael De Vera." Tanong ko sa Nurse na andun.
"Yan ba yung naaksidente?" Tanong nung Nurse sakin.
"Oo!" Matipid ko namang sagot.
"Kakukuha lang Miss nung Fiance mo."
"Fiance ko?"
"Oo yung kasama mo kanina at nag admit sayo."
"Ah, okay! Nakita mo ba kung saan siya nagpunta?" Natanong ko lang sa Nurse pero hinahanap ko na yung phone ko sa bag ko.
"Pumunta siya sa billing section para settle yung bill ng pasyente, sabi ko kasi sakanya pagkatapos niya dun ibalik sakin yung copy para marecord ko."
"Ah ganun ba, sige salamat!" Sabi ko sabay punta ko sa billing station na itinuro din ng Nurse kung saan naroroon.
Pagdating ko dun nakita ko si Martin na nagsusulat sa cheke kaya mabilis akong naglakad papunta sa kanya.
"Hon!" Tawag ko para makuha ko yung atensyon niya.
"Oh, bakit ka lumabas?" Takang tanong niya sakin.
"Ang tagal mo kasing bumalik kaya hinanap na kita!" Di ko na sinabi na may pesteng nam-bwesit sakin sa kwarto kaya lumabas ako.
"Wait lang tapusin ko lang ito!" Sabi niya sakin at muling bumalik sa pagsusulat sa cheke pero di ko hinayaang gawin niya yun at kinuha ko yung ballpen niya.
"Tara na!" Muli kong sabi sabay dampot nung statement of account ni Papa.
"Michelle!" Saway ni Martin sa akin.
"Tara na at kailangan natin mag-usap!" Sabi ko sakanya at bahagya ko siyang hinila para tumayo. Wala siyang nagawa kundi sumunod na sakin.
"May problema ba?" Tanong niya nung makalabas kami sa billiing.
"Hanap tayo ng pwedeng maka-inan dun nalang natin pag-usapan." Sagot ko kay Martin habang magkahawak kamay kaming naglalakad. Kinuha na niya yung bag ko at siya na yung nagdala.
Sa malapit lang kami naghanap ng makakainan kaya di na namin dinala yung sasakyan niya at naglakad lang kami. Buti nalang may nakita kaming malapit na pweding kainan.
"Wait punta lang akong banyo!" Sabi ni Martin nung matapos na kaming omorder ng pagkain.
Tumango lang ako bilang pagsang ayon. Pag-alis niya agad kong kinuha yung billing statement.
Halos malaglag ako sa upuan ng makita ko yung total amount na halos mag 1M na.
"Ehem!" Sabi ni Martin na naka balik na pala galing sa banyo.
"Ang mahal pala nung kwartong kinuha mo!" Sabi ko sa kanya kasi yun yung nagpalaki sa bill ni Papa.
"Okey lang yun, atleast dun makakapagpahinga ng maayos is Papa saka kayo if ever na babantayan niyo siya." Paliwanag naman ni Martin.
"Di naman kailangan ganun kamahal saka pag nalaman ni Papa yun at ni Mama baka lalong magkasakit yung dalawa" Pagbibiro ko.
"Okay lang yun, ako naman magbabayad!" Diretsong sagot ni Martin na parang sinasabi sakin na wag ko na yung alalahanin pero syempre di naman pwedi yun lalo pa nga sa sinabi ni Elena. Ayokong isipin ng pamilya niya na pera lang ang habol namin kay Martin.
"Hon, ako ng bahala sa bill ni Papa!" Sabi ko sa kanya habang ipinatong ko sa kamay niya yung kamay ko.
"Bakit?" Takang tanong niya sakin.
"May pera naman kami for emergency kaya, kaya namin settle yung bill kaya hayaan mo na ko!"
"Wala akong nakikitang mali kung ako yung magbabayad ng bill ni Papa. Hon, ilang buwan na lang papakasal na tayo at magiging part na ko ng pamilyo niyo kaya walang masama kung maglalabas ako ng pera." Medyo galit na sabi ni Martin.
"Hon naman, di naman yun yung ibig kong sabihin. Ang akin lang let me do it bilang anak at saka pag di ko na kaya hihingi naman ako ng tulong sayo. Sa ngayon naman kaya ko pa so let me handle, okay?" Pag-aalo ko sa kanya.
"Di kita maintindihan kung anong deperensya kung ako magbabayad o ikaw ang magbabayad?" Muling tanong niya sakin kasi nga di niya ma gets yung point ko pero paano ko sasabihin sa kanya na ayaw kong may masabi yung pamilya niya sa pamilya ko. Kung ako lang ang sasabihan nilang gold digger okay lang pero kasi pag kasama yung pamilya ko ibang usapan na yun. Kaya kung ako lang gusto ko di maglabas ng pera si Martin para sa hospital bill ni Papa.
"Please!' Tanging nasabi ko para pumayag si Martin.
"Okay fine! Pero pag ubos na yung savings mo sabihin mo ha!" Walang nagawa si Martin kundi pumayag dahil sa paki usap ko.
"Salamat!"
"Hon ha, sinasabi ko sayo if kailangan mo ng pera wag kang mahihiyag magsabi sakin."
"Opo!" Lambing ko kay Martin. Maya-maya dumating na yung inorder namin na pagkain kaya nagsimula na kaming kumaing dalawa.
"Napasundo mo na sila Mama?" Tanong ko sa kanya habang kumakain na kami. Medyo naka ramdam narin ako ng gutom kasi kahit papano okay na si Papa kaya medyo na less na yung takot sa puso ko.
"Oo, baka mga 1 hour andito na sila!" Sagot naman nito sakin.
"By the way Hon, papa cancel ko yung room na pinareserve mo ng 1 month ha!" Biglang huminto sa pagsubo ng pagkain si Martin at tumingin sakin. Nginitian ko lang siya bago ako nagsalita.
"Sobrang mahal kasi di practical at saka magagalit yun si Mama pag nalaman niya yung price nun."
"Eh di wag natin sabihin!"
"Hon naman!"
"Ang point mo is?"
"My point is it is so extravagant!"
"Michelle!" Muling tawag ni Martin sa pangalan ko na para bang handa nanaman siyang makipagtalo sakin.
"Kain ka na! Baka mamaya dumating na sila Mama o kaya baka hanapin tayo ng Doctor sa hospital!" Tanging sabi ko kay Martin para maiba yung usapan namin. Umiling na lang siya at muling nagpatuloy sa pagkain.
Pagbalik namin sa hospital agad kong inayos yung cancellation nung sa kwarto at pumili ako ng mas maliit pero comfortable din para kay Papa. Sabi kasi ng Doctor if ever magising si Papa bukas ay ililipat na siya ng kwarto basta walang komplikasyon.
Nasa lobby kami ni Martin naka upo para hintayin yung pagdating ni Mama at Mike kasi nga di naman kami pwedi tumambay sa labas ng ICU. Basta ang bilin ng Doctor is kahit papano nasa area lang kami para kung may mangyari di inaasahan ay madali kaming makaka punta.