webnovel

TYRANT

Sinundo ako ng maaga ni Martin nung Linggo para daw magkasama kami ng matagal.

"Anong oras ba meeting natin kay Zaida?" Tanong ko kay Martin. Nasa sasakyan na kami paluwas ng Manila.

"Sabi ko sa kanya ten andun na tayo sa shop niya kaya kailangan niyang gumising ng maaga."

"Inistorbo mo nanaman yung isa, pwedi naman kasi tayong pumunta ng weekdays."

"Hays, di na nga tayo halos magkita ng weekdays dadagdag pa ba siya sa sched natin." reklamo ni Martin.

"Ewan ko sayo!" Alam ko nanaman kasi na nagparty kagabi si Zaida nakita ko sa my day post niya, kaya hirap na hirap nanaman yun gumising pero syempre hanggang comment lang ako kasi yung Boss parin ang nasusunod at katabi ko siya ngayon.

Pagdating namin sa shop ni Zaida saktong pababa rin ito ng kotse niya kaya agad ko siyang tinawag.

"Zai!"

"Uy Michelle!" Masaya niyang sabi.

"Sorry ha! Inabala pa namin yung day-off mo!" Sabay beso ko sa kanya at ganun din ang ginawa niya sakin.

"Okey lang wala naman ako magagawa lalo pa nga at tyrant yung nag-utos!" Sabay irap kay Martin na palapit narin samin.

"Anong sabi mo?" Galit nitong sabi nung marinig si Zai.

"Wala po mahal kong pinsan!" Pang-aasar ni Zai bago tuluyang binuksan yung pinto na agad nama kaming sumunod ni Martin dahil nga Linggo kaming tatlo lang yung tao sa shop.

"Upo muna kayo!" Sabi ni Zai, sabay turo sa bakanteng sofa sa office niya na agad naman naming sinunod.

"Drinks?"

"Tubig na lang!" Sagot ko na agad namang inihagis ni Zai kay Martin yung bottled water na sinalo naman ng isa.

Inabot ito sakin ni Martin na bukas na kaya agad akong uminom.

"Ito pala yung matrials nung gown mo Michelle!" Sabay abot sakin ng mga piraso ng tela.

"Pili ka! Bale yung sa first page yan yung sa iner part nung gown tapos yung sa sumunod yang yung sa outer then yung para sa mga laylayan. Ito yung sayo Martin oh!" Paliwanag ni Zaida.

"Gusto ko ito, madulas!" Sabi ko kay Zai.

"Oo, yan din kasi yung pinaka mahal!"

"Ay ganun, alin naman dito yung pinaka mura?"

"Okey na yung pinili mo, pili ka nalang para sa outer!" Sabi ni Martin para pigilan si Zai sa pagsagot sa tanong ko. Tiningnan ko lang siya balak ko sanang magprotesta kasi nga naisip ko nanaman yung Lola niya pero di na ko nakapagsalita kasi alam ko naman sasabihin ni Martin pera niya yun at siya ang bahala kung saan niya yun gagastusin.

"Ito maganda, Michelle at saka mura!" Suggestion ni Zaida sakin sabay turo sa isang tela sa outer layer. Agad ko naman siyang nginitian kasi kahit papano naiintindihan niya ko.

Nagtaas ng tingin si Martin at tiningnan kaming dalawa ni Zaida na parang nagsasabi na tigilan niyo yang dalawa. Ngumiti na lang kami ni Zaida at muling pinagpatuloy yung ginagawa namin.

"Zai, yung sa invitation?" Tanong ko.

"Ay, Oo nga pala!" Sabay tayo niya at muling bumalik sa table niya at kinuha yung mga bugkos ng papel.

"Ito yung mga sample paper ang design, pili na kayo para makapag print na tayo plus di niyo pa pala ako nabibigyan ng list ng mga Ninong and Ninang pati yung mga Abay. Basta di niyo pa ko binibigyan ng mga taong ilalagay sa invitation at pagbibigyan."

"Ang dami pa pala nating gagawin Hon!" Reklamo ko para kasing biglang sumakit ulo ko.

"Sinabi mo pa Michelle di ko nga alam pano yang tatapusin lahat, Matatapos na yung taon may halos seven months na lang ang naka laan sakin at wala pa kong natatapos, ang hirap pang humanap nung venue niyo! Feeling ko talaga mababaliw na ko." Sentemento ni Zaida at talagang napa hilamos pa siya ng dalawang palad niya sa muka niya.

"Ang drama mo nakapag party ka pa nga kagabi." Pambabara ni Martin.

"Grabe ka naman kung pati iyon ipagkakait mo pa sakin, pano nanaman ako magkakaroon ng love life niyang kung di man lang ako lalabas. Gusto mo dito nalang ako sa opisina ko?"

"Magparty ka pagtapos ng kasal namin ni Michelle!"

Di na sumagot si Zaida kasi sinenyasan ko siya na wag ng makipagtalo kasi wala naman siyang panalo kay Martin.

"Hon, kailangan na pala natin gumawa ng listing." Baleng sakin ni Martin.

"Oo nga eh, bale hatiin nalang natin sa dalawa para makabuo tayo."

"What do you mean?"

"I mean is, yung half ng Ninong, Ninang, Abay,lahat ng tao magbibigay ka ng kalahati tapos kalahati din sakin. Tapos saka natin pag-usapa kung okey sayo yung napili ko at yung napili mo, ganun!" Matiyaga kong paliwag.

"Okey! One week lang natin pag-isipan tapos need maka kuha tayo ng final list sa Linggo para maka kilos na si Zaida. Dapat pala every Sunday mag-meeting tayo para makita natin yung improvement." Sabi ni Martin.

"Wag naman ganun Caz, Baka pweding gawin nating Monday." Reklamo uli ni Zaida.

"Busy kami pag Monday, Sunday lang kami available!" Matigas na sabi ni Martin habang tiningnan ng masama si Zaida.

"So, ako mag-aadjust?"

"Syempre client mo kami eh!" Comment ng isa.

"TYRANT!" Sabi ni Zaida at natawa na lang ako kasi nga ganun din yung feeling ko minsan kay Martin.

"Anong tinatawa mo?" Napansin pala nung isa yung pagtawa ko.

"Wala, natatawa lang ako kay Zaida kasi tingnan mo parang iiyak na!"

"Akala ko sumasang-ayon ka sa kanya na tyrant ako!"

"Ikaw tyrant, hindi noh!"

"Bakit parang labas sa ilong yang sinabi mo?" Tanong ni Martin sakin habang naka taas yung kilay.

"Anong labas sa ilong? Labas ba sa ilong Zai?" Takang tanong ko naman bumaling pa ko kay Zaida para sana magpatulog pero ang loka-loka nilaglag ako.

"Oo Michelle labas sa ilong haha... haha...!"

"Kala ko kakampi kita tapos lalaglag mo ko!" Kukurutin ko na sana si Zaida kaya ako tumayo pero di ko yun nagawa kasi hinawakan ako ni Martin.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya habang naka hawak sa braso ko.

"Pupuntahan ko si Zaida kasi sinisiraan niya ko sayo!" Parang batang sumbong ko kay Martin.

"Wag na! Upo!" Utos niya sakin kaya muli akong umupo sa tabi niya habang yung mata ko ay nanatili kay Zaida na parang nagsasabi humanda ka sakin mamaya pero dinilaan lang niya ako.

Simula kasi ng magkakilala kami ni Zaida kahit papano naging close na kaming dalawa, marami kaming bagay na napagkakasunduan lalo na yung tungkol kay Martin.

Próximo capítulo