webnovel

Chapter 202

"Hay naku tanghali na!" Raklamo ko.

Ten na ng umaga at di pa ko nagsisimulang maglaba paano ang magaling kong boyfriend halos ayaw nanamang umuwi kagabi kaya ang ending tinanghali nanaman ako ng gising.

"Hays!" Muli kong bungtonghininga paano nakita ko yung kagat ng lamok sa braso ko paano dito kami sa may rooftop tumambay kaya sarap na sarap yung lamok sa dugo ko. Kung di ko pa pinagbantaan na ma-aanemic na ko sa dami ng dugong nainom ng lamok ayaw pa talagang umuwi.

Ewan ko ba naman kay Martin akala mo naging glue na sa tuwing magkikita kami ay halos ayaw na kong alisin sa paningin niya gusto ng kumapit.

"Kailan ba niyo balak magpakasl?"

Nagulat ako kay Mama na bigla na lang nagsalita di ko kasi siya napansin na dumating. Busy kasi ako sa pag sort ng mga labahan.

"Nakaka gulat ka Ma!" Reklamo ko.

"Kanina pa ko dito, sadyang ang lalim lang ng iniisip mo at mukang inis na inis ka."

"Paano kasi tanghali na di pa ko nag-uumpisa, anong oras kaya ako nito matatapos!"

"Paano ka maagang magigising eh anong oras ka natulog."

"Si Martin kasi ang kulit!"

"Bakit kasi di pa kayo magpakasal na para lagi na kayong magkasama at mukang ayaw ng humiwalay sayo ng isa!" Comment ni Mama.

Mukang pati si Mama napansin narin yung pagiging glue ni Martin.

"Kapag nagpakasal na ko wala ka ng taga laba!" Sagot ko kay Mama na parang tinatakot siya

"Sabi ni Martin kapag nag-asawa na daw kayo wala daw akong dapat alalahanin kukuhaan daw niya ko ng makakatulong dito sa bahay kaya di ko dapat yun alalahanin." Depensa ni Mama.

Talagang napagplanuhan na ni Martin ang lahat. Pati yung mga dahilan ko para wag muna kami magpakasal ay hinanapan niya ng solusyon.

"Nak!" Tawag ni Mama di na kasi ako kumibo dahil sa sinabi niya.

"Ma!" Sagot ko naman.

"May inaalala ka pa bang iba?" Tanong ni Mama na may halong pag-aalala.

Siguro ganun naman talaga yung isang ina parang nababasa nila kung may alalahanin ang kanilang anak.

"Iniisip ko lang Ma yung parents at grandparents ni Martin." Mahina kong sabi habang shinot yung pantalon ko sa laundry basket kung saan nakalagay din yung ibang maong namin.

"Nasabi narin yan sa amin ni Martin nung hingin niya yung kamay mo sa akin ni Papa mo. Pero ang sabi naman niya wala naman daw kaming dapat alalahanin kasi nangako naman siyang aalagaan ka niya at siya na ang bahala sa iba."

"Kaya lang Ma, magiging okey lang ba ako nun?" Tanong ko na may halong takot at pangamba.

"Tiwala ka lang kay Martin nak, pakinggan mo yung puso mo at wag masyadong mag-isip ng kung ano-ano." Payo sa akin ni Mama habang hinahaplos yung ulo ko kaya agad ko siyang niyakap.

"Talaga bang ipamimigay mo na ko Ma?"

"Baliw... di kita ipamimigay share lang kita sa kanya!" Habang patuloy niyang hinahaplos ang buhok ko.

"Ma... natatakot ako!"

"Saan?"

"Paano kung bullyhin ako ng magulang ni Martin at ng grandparents niya."

"Bakit magpapa bully ka ba?" Challenge ni Mama sa akin.

"Syempre hindi ano sila Mama ko lang ang may karapatan!" Malakas kong sagot.

"Tama yun Nak, kapag binully ka nila at di ka pinagtanggol ni Martin bukas ang bahay natin at tatanggapin ka naming buong-buo ng Papa mo kahit pa bawas ka na o may plus one ka pang kasama."

"Ano yung mababawas sa akin Ma at ano madadagdag?" Inosente kong tanong.

"Malalaman mo yan sa honeymoon mo!" Natatawang sagot ni Mama habang tinatapik ako sa balikat.

"Ano yun?" Ulit kong tanong kasi di ako kuntento sa sagot niya.

"Maglaba ka na ng matapos ka na!" Utos ni Mama sa akin.

"Isa pa kasi sa istorbo!" Muli kong pagmamaktol habang bumaling na ko sa washing machine para lagyan ng tubig.

"Ikaw diyang madrama!" Sabay batok sa akin.

"Aray ko... nag-uumpisa ka nanaman Ma na bullyhin ako!"

"Dapat ka lang bullyhin na dahil kapag nag-asawa ka na di ko na yun magagawa."

"Wag kang mag-alala Ma di na ko mag-aasawa para lagi mo na kong bullyhin!" Namimilog kong matang sagot kasi naka kuha ako ng rason para magbago isip ni Mama.

"Nek-nek mo!" Sagot ni Mama sa akin bago ako tinalikuran para bumaba.

"Akala ko naman tutulungan mo ko maglaba kaya ka umakyat dito Ma!" Naka pout kong sabi.

"Anong tutulungan nagdala lang ako ng additional mong labahan kasi nagpalit ako ng kubre kama at kurtina sa baba." Seryosong sagot ni Mama.

"Grabe siya!" Reklamo ko habang naka tingin sa sangkatutak na labahang dinala niya.

"Dapat sulitin para di mo ma-miss!" Sabay kindat sa akin at tuluyan ng bumaba si Mama.

Napailing na lang ako sa attitude ni Mama minsan nagiging bata rin. Sino ba namang taong ma miss ang maglaba ng sangkatutak maliban sa sasakit yung likod mo at gagaspang yung palad mo ano bang nakaka miss sa trabaho na ito.

"FIGHT!" Sigaw ko at nagsimula ng magkuskos.

Para kasi itong laban na kailangan makipagtuos buti nalang talaga naimbento si washing machine kasi kung nagkataong wala malamang magsuot nalang ako ng sako para tapos suot tapon pero syempre di naman yung pwedi pero baka puro damit namin is satin or cotton then puro balck para di mahirap kusutin. Tapos itong mga maong baka itapon ko ito lahat. Napapa iling ako sa mga naiisip ko.

Bilib talaga ako sa mga labandera kasi napaka hirap talaga ng ganitong trabaho. Ako nga once a week lang naglalaba nagrereklamo na paano pa sila kung araw-araw. Di ko ma imagine yung sitwasyon sa likod at kamay nila.

Kalalagay ko lang ng mga damit sa washing ng tumunog yung cellphone ko at alam ko na kung sino tumatawag dahil sa special ring tone na naka assign sa kanya.

"Hon?" Sagot ko.

"On the way na ko!"

"On the way ka saan?" Takang tanong ko naman.

"On the way diyan pasabi naman kay Mama diyan ako mag-lunch!"

Kumirot naman yung ugat ko sa batok sa narinig ko. Feel na feel na talaga ng boyfriend ko yung pagtawag ng Mama sa nanay ko.

Kagabi kasi yan nangyari humiling na siya direct sa parents ko kung okey lang daw bang Papa at Mama na ang itawag niya sa kanila kasi nga daw para ma practice na din daw niya at malapit naman na daw kami magpakasal at take note mabilis na pumayag ang magulang ko na parang normal na lang talaga yun sa sitwasyon namin.

Guys!!!

Advance notice lang di ako mag-uupdate sa Saturday and Sunday ha!!

Need ko edit yung mga naunang chapter kasi kung naalala niyo yung mga nauna is 500 words lang so balak kong pagsamahin yung dalawang chapter so that mabuo siyang 1,000+ word.

Target ko kasing tapusin yung novel into 500 chapter kasama na yung volume two.

Sana maintindihan niyo!!!

Thanks!!!

pumirangcreators' thoughts
Próximo capítulo