webnovel

Chapter 186

"Ano ba yang mga binili mo?" Tanong niya sa akin habang pinagmamasdan niya yung ginagawa ko.

Hinati ko yung plastic para mag silbing plato samantalang yung plastic cup yung nilagyan ko ng suka para saw-sawan hinati ko sa dalawa para tag-isa kami. Inaabot ko yun sa kanya pero ayaw niyang tanggapin kaya inilapag ko lang sa gilid niya baka sakaling magbago ang isip niya.

"Masarap ito!" Pag encourage ko sa kanya habang nagsimula na kong kumain ng isaw ng baboy.

"Ano ba yang kinakain mo?" Tanong niya sa akin na parang diring-diri.

"Isaw!" Matipid kong sagot habang nagpapatuloy ako sa pag-nguya.

"Eh ito!" Muling tanong niya sabay turo sa isaw ng manok.

"Isaw din!"

"Ano yung isaw? Saka bakit iba diyan sa kinakain mo?" Inosente niyang tanong.

"Itong kinakain ko isaw ng baboy, yan isaw ng manok."

"It is chicken feet?"

"Yup!" Sagot ko sa kanya habang pinagmamasdan ko yung paglubog ng araw. Di ko na tiningnan yung muka ni Martin na parang gulat na gulat sa mga pagkain na dala ko.

"This one?" Muli niyang tanong sa akin.

"Dugo yan." Kibit balikat kong tanong.

"Dugo as in Blood?"

"Oo ininglish mo lang!" Pang-aasar ko sa kanya.

"Stop eating this kind of food!" Mabilis niyang sagot sa akin sabay balot sa mga binili ko.

"Hoy anong gagawin mo?" Nagpapanic kong tanong.

"Wag kang kumain nito napaka dumi ng mga ito saka isa pa baka ano pang makuha mong sakit sa mga ito." Mabilis niyang sagot sa akin habang naka tayo na di lang siya naka alis kasi hinawakan ko yung laylayan ng damit niya.

"Wag ka ngang OA diyan! Baba mo yan!" Naiinis kong sagot sa kanya.

"No!" Matigas niyang sabi

"Ibaba mo yan kung ayaw mong mag-away tayong dalawa. Saka pera ko yung binili ko niyan kaya bawal sayangin." Pagbabanta ko.

Nakatitig siya sa akin at ganun din ako sa kanya. Walang gustong magbaba sa aming dalawa ng tingin. Nagkaka sukatan kami parehas ng pride at kung sino dapat ang masunod

"It is not good for your health."

"Matagal na ko niyang kumakain at di naman ako nagkakasakit."

"Madumi ito!" Muli niyang sagot na halatang iretable na.

"Di naman ikaw ang kumakain kaya wag kang maarte." Comment ko.

"Michelle!" Tawag niya sa pangalan ko halatang galit na siya.

"Martin!" Ganting tawag ko. Ayaw ko talagang magpatalo sa kanya.

"Kung gusto mong barbe-q, maghahanap tayo mamaya sa isang maayos na restaurant." Pag-aamo niya sa akin.

"The same lang yan, kaya wag ka ng gumastos. Ilapag mo na yan at pagmasdan na natin yung paglubog ng araw." Sagot ko din sa kanya. Binitawan ko na yung damit niya at naka tingin na ko sa araw kung saan nag-uumpisa na siyang lumubog.

"Hays!" Buntung hininga niya at muli na siyang umupo sa tabi ko at inilatag yung binili ko. Sumuko na siya siguro alam naman niyang di siya mananalo sa akin.

"Last na ito Michelle ha, ayaw ko ng kumakain ka nito." Narinig kong sabi niya. Para lang matapos na tumango na lang ako. Ayaw ko naman mag-away pa kami dahil lang sa bagay na ito lalo pa nga nagpunta kami dito para magbakasyon at mag enjoy hindi para mag-away.

"Hays!" Narinig kong buntong hininga niya kaya muli ko siyang tiningnan at saktong naka tingin din siya sa akin kaya agad akong nagpa-cute sa pamamagitan ng pagnguso ng aking mga labi papunta sa kanya kaya agad siyang ngumiti dahil sa expression ko.

"Ilipat mo nga itong mga pagkain mo diyan sa gilid mo." Utos niya sa akin.

"Bakit?" Takang tanung ko.

"Naiinis parin kasi kapag nakikita ko yung mga kinakain mo lalo na itong dugong ito."

"What is the difference eh katabi mo rin ako kaya makikita mo parin."

"Basta!" Pagpupumilit niya.

Kaya sinunod ko na rin siya inilipat ko sa kanang bahagi ng upuan yung kinakain ko para magtabi kaming dalawa.

"Gusto mo lang ako mayakap eh... kunyari ka pa!"

"Dapat nga pasalamat ka na niyakap pa kita kahit amoy usok ka!" Pagrereklamo niya.

"Ah.... ganun!" Sabay kurot ko sa tagiliran niya.

"Aray ko!" Sigaw niya habang hawak hawak ung kamay ko.

Mabilis ko siyang inirapan at muling pinapatuloy ang pagkain.

"Masarap ba talaga yan?" Tanong niya sa akin.

"Masarap! Tikman mo!" Sabay lapit sa kanya ng stick kung saan naka tuhog ung isaw ng manok na parang ahas na naka pulupot doon.

"Yoko baka magkahepa pa ko mamaya!"

"Hepa kagad! Pweding cancer na para mas mabilis."

"Huh diba mas malala kagad yun!"

"Hahaha.... sa kaartehan mo malamang cancer kagad makukuha mo!" Sabi ko kay Martin.

"Di lang ako sanay kumain ng ganyan di yun kaartihan." Pagdedepensa niya sa sarili niya.

"Okey Fine, di na kita pipilitin."

"Suot mo mamaya yung binili kong swiming suit na binili ko sayo ha!"

"Bakit mag swimming tayo mamaya sa pool?" Exited kong sagot.

"Syempre hindi susuot mo yun sa kwarto."

"Bakit may swimming pool ba sa loob ng kwarto natin?" Pa-inosente kong sagot.

"Meron sa loob ng CR." Naka ngisi niyang sagot.

"Parang ang liit naman ng CR sa hotel room natin para magka swimming pool dun." Muling pa-inosente kong sagot alam ko naman kung bakit niya yun gustong ipasuot sa akin.

"Basta suot mo yun!" Pagpupumilit niya sa akin.

"How about suot ko yun bukas kapag naligo tayo sa underground river bukas."

"No way!" Mabilis niyang sagot.

"Haha...haha... Ang daya mo gusto mo ikaw lang makakakita sa akin na suto yun!"

"For my eyes only talaga yun at di ka pwedi makita ng ibang mga taong naka suot ng ganun." Matigas niyang sabi.

"For your eyes only lang pala di ikaw nalang magsuot nun!"

"Grabe ka, Ano ako bakla!" Reklamo niya sa akin.

Di na ko nga comment kasi wala naman na papupuntahan yung usapan namin. Pinagpatuloy na lang namin yung pagtingin sa patuloy na lumulubog na araw.

"Pagkatapos natin saan tayo punta?"

Tanung niya ng tuluyang dumilim.

"Bakit gusto mo ng umuwi?" Tanong ko sa kanya habang paa naman ng manok ang nginangata ko

"Di naman kaya lang baka kasi pagod ka na!"

"Iniisip ko after this punta tayong park merun daw dun masarap na kainan dun na tayo mag dinner pero mamaya na six pa lang naman saka di pa ubos itong kinakain ko ayaw mo naman kasi akong tulungan."

"Bahala ka diyan, ikaw kumain niyan mag-isa."

"Ayaw mo talaga?" Muling offer ko sa kanya.

"Ayaw ko... alam mo naman yung gusto ko di ba?"

"Di ko alam kaya wag mo kong tanungin." Sagot ko sa kanya.

"Sige wag kang ag-alala mamaya malalaman mo yung gusto ko." Naka ngiti niyang sagot sa akin. Di ko na siyan sinagot para alam niya na wala talaga akong idea sa gusto niya.

Próximo capítulo