webnovel

QUITE YOUR JOB 2

Naisip kong tawagan si Boss Helen para i-report yung nagyari kasi kahit papano job related ito.

Pumunta ako sa may garden para mas maganda yung ambiance papalubog narin kasi yung araw at gusto ko yung makita.

Sa unang ring pa lang agad na itong sinagot ni Boss Helen.

"Michelle, kamusta ka?" Bungad niya sa akin.

"Okey naman po ako Boss!"

"Mabuti naman, sinaktan ka ba niya? May mga injuries ka ba?" Tuloy-tuloy na tanong ni Boss Helen.

Pero sa halip na sagutin ko ang mga iyon tanong din ang isinagot ko sa kanya.

"Sino nagsabi sayo ng nangyari Boss?" Curious kong tanong. Biglang natahimik si Boss sa tanong ko na parang nag-isip siya kung dapat ba niya akong sagutin o dapat niya iwasan ang tanong ko.

Kaya muli akong nagsalita.

"Si Martin po ba?" Yun kasi ang kutob ko. Malamang sa nangyari di naman yung partido ni Dr. De Jesus ang tatawag para ireport iyon kasi kung gusto nilang makipag settle or maka usap dapat ako ang tatawagan nila at di sila basta basta tatawag sa office namin para sabihin yung nagyari kung sakali man tatawag sila malamang para hingin lang ang number ko or address ng bahay namin yung ang iniisip ko.

"Tama ka si Martin nga!" Pag-amin ni Boss Helen sa akin.

"Ah... okey! Wala ka naman dapat alalahanin Boss okey naman na po ako wala naman akong major injuries or any thing. By the way naikwento niyo na po ba sa grupo?" Sinagot ko na yung tanong niya nung makumpirma ko na galing kay Martin ang report marahil pinaalam niya lang kay Boss Helen yung nangyari baka sakaling hanapin ako ng opisina atleast di sila magtataka kung sakaling may complaint na dumating.

"Hindi, sinabi rin kasi ni Martin na kung pwedi mas maganda kung iilang tao lang ang nakaka alam para di masyadong mapag-usapan."

"Oo nga po! pag nalaman pa ng grupo malamang magwawala ang mga yan at sumugot sa prisento at magkagulo-gulo pa lalo pa nga at mga hot tempered din yang mga boys natin!" Pagbibiro ko kay Boss Helen.

"Pasalamat na lang ako at di na tuloy yung masamng balak ng hayup na yun, kundi papatayin ko talaga siya!" Sigaw ni Boss Helen na halatang galit na galit.

"Haha...haha... malamang mauunang pumatay sa kanya Boss si Martin!" Natatawa kong sagot paano kundi ko pa pinigilan yung isa malamang napatay na talaga siya.

"Mabuti naman at okey ka na at di ka nama na truma. Magpahinga ka muna at pumunta ka na lang sa office once okey ka na para maayos yung resignation mo at ng makapag clearance ka."

"Ha... sinong magreresign?" Nagulat ako sa sinabi ni Boss Helen.

"Sabi ni Martin di ka na daw magtatrabaho kaya pinapaayos na niya yung mga documents mo."

Nagtatakang tanong ni Boss Helen.

"Pasensya ka na Boss mukang si Martin ata yung na-truma kaya kung ano-anong pinagsasabi. Pero di po ako magreresign." Matigas kong sabi.

"Ganun ba? Mabuti pa siguro mag-usap muna kayong dalawa. Pero sa ngayon mag leave ka muna kahit isang lingo ako ng bahalang magpaliwanag sa mga kasamahan mo."

"Sige po Boss, salamat!"

"Sige na! Magpahinga ka muna! Basta kung may kailangan ka don't heistate to call me!" Muling paalala ni Boss Helen. Yan din ang rason ko kung bakit gusto ko yung trabaho ko dahil napaka thoughtful ng Boss namin at bihira ka ng makakita ng ganyan.

"Opo!" Sagot ko at tuluyan ko ng ibinababa yung telephone. Pinagmamasdan ko yung paglubog ng araw ng lumapit sa akin si Martin may dala siyang isang basong gatas na iniabot sa akin.

"Salamat!"

"Dito ka na matulog, pinag-paalam na kita kay Tito." Sabi ni Martin sa akin habang inilagay niya yung kamay niya sa baywang ko.

"Sinabi mo kay Papa yung nangyari sa akin?" Mabilis kong tanong.

"Oo!" Sagot niya. Di ko tuloy kung ano yung mararamdaman ko kung dapat ba akong matuwa kasi inaayos na niya yung mga bagay na dapat kong ginawa or dapat ba akong matakot kasi pinapangunahan na niya ako.

Nung mapansin niyang wala akong balak magsalita at di ko rin iniinom yung gatas na binigay niya muli siyang nagsalita.

"Anong iniisip mo?" Tanong niya sa akin habang naka tingin sa muka ko.

"Wala naman! Pinagmamasdan ko lang yung paglubog ng araw!" Palusot ko.

Dahil sa sagot ko di na niya ako pinilit pang alamin kung anong tumatakbo sa isipan ko.

"Anong gusto mong kainin?" Pagbabago niya sa topic sabagay maghahapunan narin naman pala kaya marahil naisip niya na din tanungin para maprepare na sa kusina ng Hotel.

"Kahit ano, ikaw na lang bahala!" Sagot ko.

"Sige... Inumin mo na yang gatas mo! Tawag muna ako sa sa baba para maluto yung dinner natin. Wag ka ng masyadong magtagal diyan pasok ka na kagad at malamig na!" Paalala niya sa akin habang hinalikan ako sa pisngi. Tanging tango lang ang isinagot ko sa kanya. Nung tumalikod na siya sa akin para pumasok nagpaka wala ako ng isang malalim na buntong hininga di ko kasi siya matanong kung bakit sinabi niya kay Boss Helen na magreresign na ko ng di man lang niya ko tinatanong sa opinyon or sa plano ko basta lang siya nagdesisyon.

Naubos ko na yung gatas ko pero di parin ako pumapasok sa loob. Iniisip ko kasi kung paano ko sasabihin sa kanya na di ako mag quite sa trabaho ko ng bigla niya kong tawagin.

"Hon, andito na yung pagkain! Pasok ka na!" Sigaw niya mula sa pintuan. Agad kong tiningnan yung relo ko mag seven na ng gabi di ko napansin yung oras kaya agad na kong naglakad papasok.

"Okey ka lang?" Muli niyang tanong nung makalapit ako sa kanya. Marahil iniisip ni Martin na iniisip ko parin yung nangyari kanina kaya punong puno parin siya sa akin ng pag-aalala kaya yung balak ko sanang itanong sa kanya ay di ko na naitanong naisip ko kasi baka nagawa lang niya yun dahil nga sa sobrang pag-aalala sa akin sa kaligtasan ko lalo pa nga at lagi akong lumalabas at pumupunta sa malalayong probinsya kaya hayaan ko munang siya ang magsabi sa akin ng plano niya.

Próximo capítulo