webnovel

Joke Only

"Another name n di pwding banggitin?"

Mahinang tanong ko kay Martin habang naglalakad kami. Tinutukoy ko si Lucas na kausap niya kanina.

"Hindi naman, actually Lucas is one of my best cousin he is very capable and handsome. We are in good terms since young."

"Yun naman pala! Eh bakit ayaw mong makilala ko siya?"

"Pinakilala naman kita ah, di ko lang hinayaang magka daupang palad kayo."

"Bakit?"

Takang tanung ko na curios talaga ako sa reason niya. Huminto si Martin sa paglalakad at humarap sa akin at nagpaliwanag pero habang ginagawa niya yun hinawakan pa niya yung dalawa kong kamay.

"Ganito kasi yung Hon, masyadong guapo si Lucas at ubod ng lakas ng appeal ayaw ko lang na maagaw ka niya sa akin kaya kapag nakita mo siya wag mo siyang lalapitan at kakausapin ha."

"Ganun? Ewan ko sayo! Ayaw mo lang sabihin na insecure ka sa kanya dami mo pang drama!"

Sabi ko sa kanya sabay hila ko sa dalawang kamay ko at lumakad na kong paabante para pumunta sa table namin pero agad niya kong hinabol at muling inakbayan.

"Siguro nga insecure ako sa kanya. Ayaw ko lang ma-realize mo na mas higit siya sa akin."

"Baliw!"

Sagot ko kay Martin sabay pitik sa noo niya. Paano walang ka kwenta wenta yung pinag sasabi niya. Para nga sakin over qualified na siya para sa kagaya ko tapos iniisip niya gugustuhin ko yung pinsan niya na sabi nga niya is more outstanding masyado naman na kong gahaman nun di ba?

Di na natapos yung pag uusap namin kasi naka rating na kami sa table namin kung saang ang grand parents na lang niya ang natira. Yung parents niya andun na sa kabilang table at may kausap ng ibang tao.

Actually even sa table namin may ibang tao na ring naka upo.

"Andito na pala yung apo ko! Come here Martin!"

Tawag ng Lola niya sa kanya. Senenyasan pa siya nitong lumapit sa pwesto niya na agad namang sinunod ni Martin at sympre hila-hila ako papunta dun.

"Ang guapo pala nitong apo mo kumare!"

"Sympre naman walang pangit sa lahi namin!" Over confident na sagot ng Lola ni Martin na may halong pag mamayabang.

"I know that Luisa at wala akong duda sa bagay na yan pero sympre di naman ako papatalo sayo tingnan mo itong apo kong si Maricar very beautiful and elegant maliban pa ng graduate ito ng cumlaude nung college."

Naputol yung pagyayabangan nila ng lahi nila ng huminto na kami sa tapat nila.

"Martin let me introduce to you my good friend your Lola Zenaida and her apo Maricar!"

"Hello po! Nice meeting you po!"

Bati ni Martin sa matandang babae at naki pag kamay siya dito samantalang yung babae na pina kilalang Maricar ay di man lang niya tinapunan ng pansin.

"I heard to your Lola that you are very outstanding in your career like my apo here!"

Sabay akbay sa apo niya para makita ni Martin yung appearance ng apo niya na sinulyapan lang ni Martin.

"Ah okey! By the way this is my girlfriend Michelle!"

Hila sa akin ni Martin medyo sa bandang likuran niya kasi ako pumesto kasi nga di naman ako kailangan sa usapang iyon. Kaya lang itong lalaking ito bukod sa hinila ako papunta dun di man lang binitawan yung kamay ko. Pero ang di ko maintindihan bakit nagpapakilala na yung Lola niya ng bagong babae samantalang kanina lang si Elena ang bet niya ngayon may iba naman. Siguro nag iisip na siya ng plan B if ever mag failed si Elena.

"Hello po!"

Matipid kong bati. Biglang naging akward yung sitwasyon.

"Hi!"

Pilit na sagot ng Lola ng babae di niya inaasahang magiging ganun yung sitwasyun.

"Excuse us ni Michelle, pakilala ko lang siya sa mga friend ko. Nice meeting you po Lola Zenaida!"

Muling di pinansin ni Martin yung babae at di na rin niyang hinayaang maka sagot sila nung hilahin niya ako paalis dun.

"Grabe ka naman dun sa girl!"

"Paano ako naging grabe? Honest lang ako ayaw ko siyang umasa."

"Asa kagad di ba pweding makikipag kilala lang?"

"Basang basa ko sa muka niya type niya ko pero sorry siya di ko siya type!"

"Wow ang lakas ng hangin baka tangayin ako!"

Kumapit pa ko sa braso niya para makita ma emphasize ko yung joke ko.

"Haha...haha... ayaw ko lang magselos ka!"

"Sorry ka di ako selosa if you like her go! Di kita hahadlangan sabi mo nga mas outstanding si Lucas sayo at naisip ko pwedi nga!"

"Anong sabi mo?"

Galit na tanong ni Martin habang pinandidilatan ako ng singkit niyan mata.

"JOKE ONLY!"

Sabi ko sa kanya sabay kiss sa pisngi niya para payapain yung galit niya.

"Pwedi ba kayong lover wag kayong PDA dito kawawa naman yung mga single na kagaya ko!"

Si Lucas yung nagsalita habang inilagay yung mga braso niya sa leeg ni Martin para mailayo sa muka ko.

"Kung naiingit ka may babae dun na binebenta ni Lola bilhin mo. Tiyak agad yung sasama sayo!"

"Bilasa na yun pinagsawaan na ni Jerold. Mas gusto ko yung kasama mo!"

Sabay kindat sa akin.

"Tigilan mo yung girlfriend ko sasapukin kita!"

Pagbabanta ni Martin sabay tulak kay Lucas para matangal yung braso na nakakapit sa leeg niya. Ang nakakatawa lang ano na lang ang gagawin ng Lola nung babae na yung pinagmamalaki niya apo which is very beautiful and intellegent ang ikinumpara lang sa isang bilasang isda. Ang mga lalaki nga naman mukang kapag sila sila lang ang magkakasama ay babae lang din ang topic.

"Hi Michelle!"

"Hello Lucas!"

Ganting bati ko sa kanya. Muli pa sanang magsasalita si Lucas ng iharang ni Martin yung katawan niya sa pagitan naming dalawa pero sa akin siya naka harap at binulugan ako.

"Humanda ka lang talaga sa akin mamaya mata mo lang ang walang kiss mark!"

"Baliw di mo kayang lagyan yung daliri ko!"

"Tingnan natin!"

Bigla akong napatingin sa daliri ko at kay Martin bigla na lamang nanayo yung balahibo ko sa batok nung makita ko yung ka seryosohan niya.

"Haha...haha... pwedi ba Mr. Lucas wag mo kong binibiro ng mga ganyan alam mo kasi itong si Martin lang ang lahat para sa akin. Di ba Honey? I love you!"

Paglalabing ko kay Martin para kalimutan na niya yung pag seselos niya sana lang makumbinsi ko siya ayaw ko naman magising bukas na punong-puno ng kiss mark.

Próximo capítulo