webnovel

Truth or Dare 2

Sumandal ako sa gilid ng kama at itinukod ko yung siko ko para suportahan yung ulo ko na inihiga ko sa palad ko. Tiningnan kong mabuti si Martin na nakangiti parin habang hinihintay niya yung sagot ko.

"Sa tingin mo virgin pa ba ako?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Hehe…Hehe…! Bigla siyang natawa sa tanong ko.

"Natawa ka sa kalokohan mo!" Seryoso ko namang sabi sakanya. Umupo na ko ng tuwid at dinampot ko yung bote na nakatayo sa pagitan naming dalawa. Nang marinig ko muli siyang nagsalita.

"Ayaw kong mag assume kung virgin ka pa o hindi na. Pero may solusyun ako diyan para di mo na kailangang sagutin yung tanong ko." Nakangiti parin niyang sabi habang hinawakan niya rin yung boteng hawak ko.

Agad ko siyang tinaasan ng kilay. Kasi alam ko nanaman na kalokohan nanaman ang susunod niyang sasabihin. Kaya bago pa niya iyon sabihin inunahan ko na siyang magsalita.

"Para di ka na mag effort sasabihin ko na sayo, Di na ko Virgin!" Sabay hablot ng bote at agad ko itong pinaikot sa pagitan naming dalawa. Di ko na siya tiningnan ayaw kong makita yung reaksiyon niya sa sinabi ko.

Umikot yung bote at dahan-dahang huminto. Kung mamalasin ka nga naman oh… sakin muling tumapat yung nguso ng bote. Agad itong dinampot ni Martin at muling itinayo sa gitna naming dalawa. Sabay tanong ng "Thruth or dare?" di ko naiwasang muli siyang tingnan naging seryoso na siya wala na yung playfulness na pinakita niya kanina. Di ko alam kung bakit parang galit siya.

"Truth!" Maingat kong sagot.

"Ilan na naka sex mo?" Full of confidence niyang tanong sa akin.

"Grabe talaga ang mga tanong niya!" Sabi ko sa sarili ko. Ang tagal kong inisip yung sagot ko sa tanong niya kanina. Akala ko pag sinabi ko sakanya na di na ko virgin ang magiging tanong niya sa akin na susunod kung willing ba ako makipag sex sakanya. Pero di ko akalain na tatanong talaga niya sa akin kung ilan na ang naka sex ko. Kaya di ko maiwasang abutin yung unan na andun sa ibabaw ng kama at ihampas sa kanya.

"Wala ka na bang ibang alam itatanong kundi sex expericed ko?" iritable kong sagot.

"Pwedi ka naman kasing mag dare ka para di kita tanungin ng ganyan." Sagot naman niya sa akin.

"Para ano? Para utusan mo kong makipag-sex sayo. Wag na!" depensa ko naman sa kanya.

Sabay sagot sa kanya ng "Sampu na naka sex ko! Paikutin mo na yan!"

Iiling-iling nalang siya habang pina-ikot yung bote. Masakit na ang tingin ko sa bote "Subukan mo pang huminto sa akin babasagin talaga kita!" Pagbabanta ko dito. Mukang effective yun kasi huminto kay Martin yung bote. Agad na luminwanag yung mata ko dahil dun.

"Trurth or Dare?" Exited kong tanong sa kanya. Mag dare ka mag dare ka silent prayer ko para makahinge ako ng pera sakanya o kaya utusan ko siyang bilhan ako ng masarap na pagkain. Pero agad akong nadismaya sa sagot niya.

"Truth!"

Ang lungkot ko kasi wala naman akong maisip na itanong sa kanya kala ko magkakapera na ko. Ginaya ko nalang yung nauna niyang tinanong sa akin kanina kahit alam ko wala namang effect yun sa kanya.

"Virgin ka pa?" Matamlay kong tanong kasi di naman ako intresado sa magiging sagot niya. Kaya habang hinihintay ko yung sagot niya kinuha ko na yung bote at inaayos ko na para paikutin muli kung sakaling sasagot na siya.

Pero makalipas yung ilang minuto di parin siya sumagot. Kaya agad akong nagtaas ng tingin para tingnan siya. Nakatingin lang siya sa akin parang na amused siya sa tanong ko. Kaya di ko maiwasang magsalita muli.

"Wag mong sabihin di ka sure kung virgin ka pa o hindi… haha…!"

Ngumiti naman siya ng marinig niya yung sinabi ko sabay sabi ng "Di lang ako makapaniwala na intresado karin pala sa sex life ko pero actually virgin pa ko, wala pa kong experienced sa babae." Nahihiya pa siyang sagot kaya di ko maiwasang sigawan siya.

"Muka mo!" Sagot ko naman sabay paikot sa bote. Pero agad niya yung hinawakan kaya tiningnan ko siya.

"Bakit di ka naniniwala?" Sabay lapit ng muka niya sa akin.

Agad ko naman siyang itunulak sa dibdib para di niya tuluyang mailapit sa akin yung muka niya. Pero di siya natinag at nanatili siyang nakayuko sa akin.

"Pano naman ako maniniwalang virgin ka pa eh ang galing galing mo nga humalik. Alam kong natutunan mo yun sa pamamagitan ng experienced. Kaya tigilan mo nga ako Martin!" Sabay muling tulak sa kanya para bumalik siya sa dati niyang pwesto.

"So... sa sobra ko bang galing humalik kaya ka nadadala... ha?" Pang-aasar sakin ni Martin.

"Ako nadadala... naku dream on. Di kaya! Mariin kong tangi pero namumula yung pisngi ko habang sinasabi iyon.

"Nahiya pa umamin! Haha..ha...!" Muli niyang pang-aasar.

"Akin na nga yang bote, Wala naman kwenta yang sinasabi mo di naman yan related sa tanong ko!" Sabay hablot sa bote na hawak niya at agad ko iyong pinaikot. Ginawa ko iyon para tumigil na siya sa topic na iyon kasi nakakahiya baka maboking niya ko. Kasi sa totoo lang naman ang galing niya talagang humalik at talaga naman nadadala ako nun. Pero sympre sino namang babaeng aamin nun diba?

Umikot ng umikot yung bote at muling huminto kay Martin. Dahil alam ko naman wala akong mapapala sa larong ito, di na ko exited magtanong sa kanya. Kaya ng huminto yung bote tiningnan ko lang siya na parang nagsasabi na "Bahala ka na kung anong gusto mo!" Siguro naiintindihan naman niya kaya agad siyang nagsalita ng "Dare!"

"Dare?" Muling ulit ko.

"Oo... Dare! Bakit may problema?" Muling tanong niya.

"Wala naman!" Agad kong bawi at muli akong na exite. Di ko tuloy alam kung pano ko sasabihin yung utos ko sa kanya.

"Ehem...!" Paglilinis ko sa boses ko. Na agad naman niyang sinuklian na mapagtanong na mata. Kaya sinabi ko na yung gusto ko.

"Bigyan mo ko pera!" Sabay lahad ng palad ko sa harapan niya na parang batang humihingi ng pera magulang. Nagulat siya sa sinabi ko at bigalang natawa.

Wag niyong isiping mukang pera si Michelle ha, yun lang kasi naiisip niyang makabawi kay Martin. Pero wag niyo ring isiping manyakis si Martin talagang maloko lang.

Hope you enjoy!!!

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

pumirangcreators' thoughts
Próximo capítulo