webnovel

You Care For Me

"Pano nalang kung mamatay ito?" Yan kagad ang pumasok sa isip ko nung wala akong makitang ibang tao.

"Martin! Gising!" Pero gaya kanina wala parin akong nakuhang reaksyon sa kanya kaya sinubukan kong i-pump siya sa dibdib. Tinatawag ko siya habang ginagawa yun.

"Martin! Martin! Gising! Hoy!" Pagmamaka-awa ko parang gusto ko ng maiyak dahil walang effect yung ginagawa ko, wala parin siyang malay. Nanginginig na yung kamay ko kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko.

"Lub-dub.. Lub-dub!" Tibok nito.

Muli akong tumingin sa paligid nagbabakasaking may tao ng malapit pero sa kasamaang palad wala paring tao. Ngayon ako nagsisi kung bakit dito ako puwesto sa di masyadong matao.

"Shit!" Pagmumura ko.

Itiningala ko ng bahagya yung ulo niya at ibinuka ko yung bibig niya. Bibigyan ko siya ng resuscitation. Huminga muna ako ng malalim para bigyan siya ng full breath pero paglapat ng labi ko agad siyang gumalaw para hawakan ang ulo ko at tuluyan akong isubsob sa labi niya.

"Hmmmm…" pagpupumiglas ko. Agad kong itinukod yung kamay ko sa dibdib niya para maka alis. Pero lalong humigpit yung pagkakahawak ng kanang kamay niya sa likod ng ulo ko samantalang yung kaliwa niyang kamay ay yumakap sa baywang ko.

Ramdam na ramdam ko yung electricity mula sa kamay niya papunta sa spinal cord ko paakyat sa batok ko. Kaya lalo akong nagpumiglas pero dahil sa ginawa ko lalo siyang naging aggressive sa pag halik sa akin.

Nung una yung lower lip ko lng yung kinakagat kagat niya pero kalaunan pinagpapalit palit niya ang pagkagat sa lower at upper lip ko na para bang pinaparusahan niya ko sa kasalanang di ko alam kung ano.

Feeling ko talaga nagmamanhid na yung mga labi ko sa pagkagat kagat niya. Dahil nasasaktan na ko sa ginagawa niya gumanti narin ako ng kagat para malaman din niya na galit ako kasi doon ko lang narealize na pineke niya lng yung pagkaka roon niya ng pulikat at sadyang pinahirapan at pinag-alala lang niya ako.

Kapag kinakagat niya yung lower lip ko kakagatin ko naman yung upper lip niya. Ganun yung naging way ng paghahalikan naming dalawa parang dun namin binubuhos yung sama ng loob namin sa isat-isa.

Nung mapagod na siya sa pag halik sakin ng ganun at ng mapansin niya na marahil ginagaya ko yung style niya bigla na siyang huminto sa pagkagat sa labi ko naging mahinahon na at dahan-dahan na ang pag halik niya sa akin. Parang ninanamnam niyang mabuti yung tamis ng labi ko.

Di ko namalayan na ganun narin ang ginawa ko sa labi niya. Dahil nadala na ko sa paghahalikan naming dalawa di ko na napigilang mapakapit sa leeg niya yung kaninang kamay ko na tumutukod sa dibdib niya.

Bago pa maputol ang hininga namin agad din kaming pinaglayo yung mga labi namin pero nakahawak parin siya sa likod ng ulo ko samantalang ako nakakapit parin sa leeg niya. Meron lang isang pulgadang distansya ang muka namin sa isat-isa para makalanghap kami ng hangin.

Nakatitig siya sa mata ko na parang binabasa niya yung emosyun ko at ganun din ako sa kanya. Sabay yung nagiging paghinga naming dalawa. Parehas kaming kumukuha ng hangin, nung di ko na kaya makipagtitigan agad akong nagbaba ng tingin na sumakto naman sa labi niya napunta.

Doon ko napansin na pulang pula ang mga ito dahil siguro sa pagkakagat ko kanina. Dun ko narealize na nakipaghalikan ako sa kanya ng French kiss. Bigla akong nahiya kaya agad akong bumitaw sa pagkakahawak sa leeg niya na parang napaso at sabay tulak sa kanya.

Pero bago ako tuluyang makalayo sa kanya agad niyang hinawakan yung braso ko at naupo narin.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Bitaw!" Pagpupumiglas ko.

Muling nagdikit yung mga katawan naming dalawa ng bigla niya kong yakapin papalapit sa kanya at bilang self deffense agad kong itinukot yung palad ko sa dibdib niya.

"Thump thump… thump thump" Tibok ng puso ko nung muling magdikit yung katawan namin.

"Aalis ka matapos ng ginawa mo sa labi ko!"

"Huh…! Wait... anong ako eh feeling ko yung labi ko nangagapal din dahil sa pagkaka halik at pagkakagat niya! Saka hello gumanti lang ako sa kanya siya parin yung nauna!"

Kaya agad kong tinabig ang kamay niya na nakakapit sa braso ko. Di na niya muling ibinalik sa braso ko nung matanggal sa halip sa baywang ko niya iyon inilagay. Kaya ang nangyari dalawang kamay niya na ang naka yakap sa akin.

"Somosobra ka na talaga Martin ha! Ikaw itong nag take advantage sa akin tapos ngayon parang ikaw pa itong agrabyado!" Sabay hampas sa dibdib niya. Naiiyak na talaga ako sa galit sa kanya.

Di ako tumigil sa paghampas. Ibinuhos ko dun yung sama ng loob ko hanggang sa tuluyan ng pumatak yung luha ko.

"Tahan na! Pananagutan naman kita!" Sabay tapik sa likod ko, paano napasubsob na ko sa dibdib niya nung mawalan na ko ng lakas sa paghampas sa kanya.

"Bwisit ka!" sabay tulak uli sa kanya.

Di ko kasi alam kung matutuwa ako o lalong maiiyak sa sinabi niya! Paano naghalikan lang kami pananagutan niya kagad ako.

"Anong pinagsasabi mong pananagutan kita! Kainis ka! Di mo alam kung anong kaba ko kanina nung akala ko talagang nalunod ka tapos yun pala nagpapanggap ka lang! Ayos ka talaga eh noh!" Sabay hampas uli sa braso niya. Sarap sapukin ng muka eh pero sympre di pwedi kailangan ko parin mag pigil baka ma damage ko yung ka gwapuhan niya delekado. Kaya yung braso at dibdib niya pinaghahampas ko.

"YOU CARE FOR ME!"

"Care mo muka mo… Bitaw! Pagpupumiglas ko uli pero di parin ako makawala sa pagkakayakap niya.

"Martin… please!" paki usap ko kasi nga di ko siya madala sa pagpupumiglas baka naman sa paki usapan madala.

"No!" sagot niya sa akin.

"Ano bang gusto mo?" naiirita kong tanong.

"Ikaw!" maikli niyang sagot

"Anong ako?" Iretable kong tanong paano wala akong makuhang matinong sagot sa kanya at sa halip na sagot halik ang ibinigay niya sa akin.

"Malapit na kong mabaliw sayo alam mo ba?" sabay tingin sa kanya ng masama nung bitiwan niya yung labi ko.

"Mabaliw sa pag-ibig sa akin?" Pagpapacute niya.

"Alam mo di ka cute! Di na talaga ako natutuwa sayo! Seryosong tanong, Ano bang gusto mong mangyari?"

"Seryoso naman ako sayo…Di kita binibiro!" Mahinahon niyang sagot sabay smack uli sa labi ko.

"Pwedi ba Martin, Ilang araw palang tayo magkakilala kaya napaka imposible yang sinasabi mo. Saka di dapat ganito ang panliligaw sa isang babae. Lagi kang nag take advantage sa akin. Di pa nga kita sinasagot pero kung makahalik o makayakap ka sakin akala mo asawa na kita." Sentemyeto ko.

"Gusto mo ba pakasalan kita ngayon?" tanong niya.

"Di yan yung ibig kong sabihin! I mean di ka dapat ganyang manligaw, di yan tama!" Pakikipagtalo ko.

"Ganun ba? Ganito kasi ako manligaw eh!" Sabay ngiti na labas lahat ng ngipin.

Dahil nga wala akong mapala sa kanyang matinong sagot di ko nalang siya pinansin at ibinaling ko nalang yung tingin ko sa dagat.

Próximo capítulo