webnovel

Rude

"Musta Sir?" Bati ko.

"Buti naman Ma'am!" Nahihiya niyang sagot.

"Kamusta naman po yung paggamit niyo sa server?" Tanong ko kay Sir Arnold habang di inaalis ang tingin sa monitor habang yung kamay ko ay tuloy-tuloy na pumipindot ng keyboard.

"Okey naman siya Ma'am, bale na try na namin mag enroll sa mga room. Na-check narin namin yung mga cctv at walang mga dead spot. Ngayon Ma'am ang di pa namin nagagawa eh yung pagreregister sa mismong system para malagyan ng oras if ever mag inn na po yung mga guest. Tapos yung boom barrier din po di pa namin napapagana kung may problema." Mahabang paliwanag ni Sir Arnold.

"Di po ba ginawa ng technical ko Sir?" Naka-kunot kong sagot kasi di dapat nila iwan yung mga device na di gumagana.

"Ay, nagawa po Ma'am kaya lng tinanggal niya din bago siya umalis tapos itinuro niya sa isang technical ko kung pano ibabalik. Ang problema yung tinuruan niya nag awol naman Ma'am kaya di naibalik. Ayaw ko naman pong paki alaman baka po masira ang mahal pa nama nun Ma'am!" Napakamot ulong sagot sakin ni Sir Arnold sa akin.

"Ganun po ba? Sige Sir ikakabit ko nalang po mamaya!"

"Ah talaga Ma'am alam nyong ikabit yun?" Manghang-manghang tanong si Sir Arnold.

"Oo naman Sir maning-mani yan sakin!" Sabay taas ng braso at tapik ng maliit kong masel..pagyayabang ko.

"Haha...haha... galing mo naman Ma'am." Papuri naman niya.

"Naku Sir wag mo ko masyadong purihin baka mausog mo ko mamaya di ko maayos haha... haha...! Saway ko.

Nagtatawanan kami ni Sir Arnold ng may biglang pumasok sa pintuan na agad anming nilingon pareho. Isang lalaking sa tantiya ko ay nasa six footer ang taas. Meron siyang medyo kulot na buhok at moreno, meron din matangos na ilong at medyo singkit na mata yung mga labi niya manipis na may ay natural ding pula na aakalain mo ngang nakalipstick. Nakatingin siya ng diretso sakin.

"Wait...wait....!" Sabi ko sa sarili ko habang pinoproseso ko kung saan ko siya nakita.

"Parang kilala ko 'to ah ito yung lalaki sa Van at Hotel, bakit siya andito pagtataka ko?" Sagot ko sa tanong ko pero di nagtagal sinagot din yung tanong ko ni Sir Ronald.

"Ms. Michelle this our Boss from Manila Mr. Martin Ocampo." Sabi ni Sir Ronald.

"Sir this is the System Engineer of Web Security Solutions Inc. Ms. Michelle De Vera." Introduce samin ni Mr. Ronaldo sa isatisa.

Nagkatinginan lang kaming dalawa na para nagtataka sa sitwasyon.

"Bakit ganun? saglit baka di naman siya.. baka kamuka lang..Eh napakayaman ng may ari ng Casa Milan eh di yun sasakay ng Van at lalo na ng tricycle baka mali lang ako." Pagtangi ng isip ko kaya

agad kong inilahad ang kamay ko para makipag kamay.

"Hi Sir...nice to meet you po!" Sinadya ko pang ngumiti ng ubod ng tamis.

One... two... three.. four... five... six...seven... eight... nine... at unting-unti nawala yung pagkakangiti ko sa labi ko dahil sa loob ng nine seconds di niya inabot yung kamay ko at naka tingin lang siya sa akin na parang di nakita yung naka lahad kong kamay.

"RUDE....!!!" Mabilis kong sabi sa isip ko.

Wala akong nagawa kundi bawiin na lang yung kamay ko kaysa naman mangawit para di ako mapahiya agad akong nagsabi ng joke habang naka ngiti at naka tingin sa mata niya.

"Mukang di nakikipagkamay si Mr. Martin." Na agad naman niyang sinagot.

"Di ako nakikipagkamay kung kani-kanino lang!"

"Eh di Wow!" Mali ang sapanntaha ko siya nga sabit ko sa utak ko nung marining ko ang boses niya.

"Yabang... sapukin kita diyan eh!" Sambit ko sa utak ko.

Syempre nanatili lang yun sa utak ko di pweding isakatuparan dahil pag ginawa ko yun malamang si Boss Helen di lang ako sasapukin malamang mapatay niya pa ko paano Big Boss ito.

Naging ackward bigla sa loob ng server room di ko alam kung anong sasabihin dahil siyempre Big Boss ito eh.

"Kung mamalasin ka nga naman oh.. kung di lang talaga hump... makakatikim ka talaga sakin eh!" Sabay irap ko. Nagkataon naman naka tingin parin siya sa akin kaya malamang nakita niya ito kaya nagtaas siya ng kilay sa akin kaya muli ko siyang nginitian pero muli niya kong inismiran.

"Pangit!" Mahina kong usal.

"May sinasabi ka Ms. De Vera?" Tanong niya sa akin.

"Ha? Anong sinasabi ko Sir? May sinabi ba ko?" Balik na tanong ko sakanya habang punong-puno ng pagtatangi.

"Whatever run to your brain, alam ko yan so stop cursing me!" Muli niyang sabi sakin habang tumayo ng tuwid at pinag cross yung dalawa niyang braso sa may dibdib niya.

Di gaya kagabi na naka t-shirt lang siya at naka pantalon, ngayon ay naka polo shirt siya na puti at na naka tuck-in sa slacks na itim habang naka leather shoes din na itim. Napa intimidate ng porma niya parang manliliit ka kung tatabi ka sa kanya halatang Boss na Boss.

"Hala! Grabe ka naman Sir, wala naman akong iniisip na ganyan! Ang nasa isip ko nga eh napaka guapo mo! Dami mo ng pinaiyak sigurong babae? Ang ganda kasi ng mata mo tapos yang labi mo napaka pula sarap halikan!" Bawi ko habang napapapikit pa ko habang nagsasalita todo arte.

"Haha...hahaha!" Di napigilan ni Sir Ronaldo at Sir Arnold ang pagtawa dahil sa sinabi ko. Ako man ay natawa narin sa mga pinagsasabi ko, biruin mo naman nasabi ko yung mga bagay na yun.

"Hays!" Buntong hininga ko uli nung makita kong lalong kumot yung noo ni Sir Martin.

"Kakahiya!" Muli kong nasabi at di ko napigilan ang pamumula nung pisngi ko Napakamot ako sa ulo at nagbaba nalang ng tingin kasi napa intense na ng tingin niya sa akin parang gusto ko ng maiyak.

"You are insane!" Galit niya sabi sa akin at muling lumabas.

Napatingin ako kay Sir Ronald na parang humihingi ng tulong.

"Wait lang Ms. Michelle sundan ko lang si Sir Martin baka masama ang gising!" Mukang nabasa naman ni Sir Ronald yung mata ko kaya agad siyang tumakbo palabas.

"Patay ako nito huhu...huhu... butas ang ear drum ko nito kay Boss Helen, saklap.. kung mamalasin ka nga naman oh... malay ko bang siya ang Big Boss kung alam ko lang di sana siya na pinasakay ko sa loob ng tricycle... inioofer ko na sana ang balikat ko nung nasa Van kami at pinagbuhat at nilatagan ng red carpet sa hotel kung alam ko lang ibibigay ko ang sarili ko huhu... huhu!" Paninisi ko sa sarili ko.

Próximo capítulo