webnovel

CHAPTER 15

Jessy P.O.V

"Ah, sige boss aakyat na ako sa taas." salita ko at kumuwala ako sa pagkakayapos niya sa akin dahil sa init na nararamdaman ko, hangga't maaari ayoko na munang masundan ang nangyari sa amin. Hind sa ayaw ko mas gusto ko kasing pagtuunan ng pansin ang malaking labanan na magaganap.

"Ok, go sleep and rest." sagot nito na humugot ng malalim na buntunghininga. Napayuko ito at pinasok ang kanang kamay sa bulsa ng pantalon nito.

Hindi ko malaman pero parang naapektuhan ako sa paglungkot  ng mukha niya. Umangat siya muli at sinalubong ang mata ko, titig na titig siya sa akin hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

Kumilos siya at humakbang palapit sa akin, napapikit ako dahil parang gusto ng bumigay ng puso ko at ang katawan ko. Dahil hanggang ngayon may hatid na kilig sa kaibuturan ng puso ko ang bawat nangyari sa amin.

Naramdaman ko na lang ang paghapit niya muli sa beywang ko, nagkadikit na ang katawan namin at langhap na langhap ko ang mabangong hininga niya sa tuwing hihinga siya. Dinilat ko ang mata ko at nagtama ang mata namin dahil sa pagkakalapit na ng mukha namin. Pakiramdam ko nanlalambot ang tuhod ko sa tuwing matitigan ko ang maganda niyang mata at lalo na ang pagkakadikit ng katawan namin.

"Jessy, hindi ko alam kung tama ba ito. Pero isa lang ang alam ko, gusto kita." bigkas nito na tila musika sa aking pandinig.

Sobrang saya ng puso ko dahil narinig ko mula sa kanya. Kasabay ng pagbaba ng mukha nito at lumapat ang labi nito sa labi ko. Mas lalo niya pa akong hinapit ng husto kaya mas lalong nagdikit ang mga labi namin, kahit hindi ako marunong humalik dahil firstime ko ito. Kusa akong natuto dahil ang galing niyang humalik at ang sarap niyang humalik, at ito ang hindi mawaglit sa isipan ko.

"Boss, tumawag si-"

Gulat na kami pareho at biglang naghiwalay dahil sa biglang magsalita, pakiramdam ko kahit may ka-diliman dito sa kusina alam kong nakita ni Garry ang pamumula ng pisngi ko.

"Pa-pasensya na-"

"Ayos lang, Garry." putol ni Ahraw sa sasabihin ni Garyy, humakbang naman ito at lumakad na papunt sa may pinto ng kusina. "Sige na, umakyat ka na." sambit nito na huminto, hanggang sa lumabas na ito kasama si Garry.

Naiwan na natitigilan ako dahil sa nangyari, pero ang puso ko ang bilis pa rin ng tibok. Pero ang saya-saya ko dahil gusto niya raw ako, hindi man ganun ka-linaw naramdaman ko ang katotohanan sa sinabi niya.

Umakyat na ako sa itaas, napansin ko pa sila Ahraw at Garry sa may pinto. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila, nakita ko pa sa gilid ng mata ko na sinulyapan ako ni Ahraw habang umaakyat.

Tulala na nakahiga ako ngayon sa kama at hirap akong dalawin ng antok, nasa isip ko kasi siya. Ganito pala kapag na-inlove ka sabi nila masaya ka lang kahit na alam mong maraming panganib na nakaabang sa'yo. Pero sa totoo lang ang lakas ng kaba ko sa malakihan na laban na magaganap.

________

Kinabukasan nagising ako sa magkakasunod na katok, kaya mabilis na tumayo ako. Napuyat ako kakaisip kagabi kaya ngayon pa lang ako nagising.

"Tawag ka ni, boss. May pupuntahan ata kayo." nakangiting bungad ni Eveth sa pagbukas ko ng pinto.

Pansin ko na pawisan si Eveth at nakapang-exercise siya na damit. Mukhang nabasa niya ata ang nasa isip ko dahil ngumiti siya.

"Nag-eensayo kami ngayon nila, Helga. Dahil kailangan nating magsanay," nakangiting salita ni Eveth. "Jessy, ano man ang mangyari sa laban natin naging masaya ko na naging kaibigan kita." malungkot na patuloy ni Eveth.

"A-ano ka ba, Eveth. Walang mamatay sa atin tandaan mo 'yan, lalaban tayo hindi dahil sa may malaking pusta sila atin. Kung hindi dahil sa mabuhay tayo at makapagbagong buhay," wika ko at tinapik si Eveth sa likuran, nginitian ko lang siya at nakita ko ang pangingilid ng luha niya.

Iniwan na ako ni Eveth at pumasok na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo nagbihis lang ako ng jeans at t-shirt na itim, saka ako bumaba. Rinig ko agad ang malalakas na ingay mula sa labas, kaya malalaki ang hakbang na pumunta agad ako doon.

Pagdating ko rito mga pawisan si Helga at Andrea, habang si Eveth may sugat sa mga braso hawak ang isang katana. May katabi itong isang may edad na lalaki habang tinuturo sa kanya kung paano ang tamang paggamit nito.

Si Helga at Andrea, tinuturuan ng parang chinise na babae sa martial art. Natigil naman sila ng makita ko at huminto sa ginagawa nila.

"Oh, Jessy. Nandun sa garahe si boss," sabi ni Eveth at binaba ang katana na hawak.

"Jessy, sikapin mong matuto dahil alam namin ikaw ang pag-iinitan dito." Nag-aalalang salita naman ni Helga, habang nagpupunas ng bimpo sa mukha.

Marahan na tumango ako sa kanya at gayun din kila, Eveth at Andrea. Iniwan ko na sila at nagpunta ako sa garahe, nakita ko agad si Ahraw at natigilan ako dahil hindi siya naka-pormal na damit ngayon. Tulad ko naka-jeans lang siya at skechers na kulay puti, mas lalo itong naging gwapo at akala mo modelo ito dahil sa nakasandal siya sa kotse nito.

Naiilang na lumapit ako dahil parang namumula ang magka-bilaan na pisngi ko dahil sa pagkakatitig niya sa akin. Sakay ng kotse niya hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin para mag-practice, dahil siya raw mismo ang mag-tuturo sa akin.

Apat na oras rin kaming nagbiyahe at nakatulog ako sa oras na 'yun. Nagising na lang ako dahil tinapik ako ni Ahraw na malapit na raw kami. Pumaso kami sa isang malaking gate, at pagpasok namin namangha ako ng sobra dahil ang ganda. Ito ata ang tinatawag na resort, ang daming puno na niyog at mga iba pang puno. At tanaw ko mula sa entrance ang napakagandang kulay luntian na dagat. Ang simoy ng hangin ang sarap sa pakiramdam, nabalik ako sa ulirat ng maramdaman ko ang humawak sa kamay ko.

Hinatak ako nito palabas ng kotse at pumasok kami sa magandang bahay, kulay puti at dark brown ang combination ng kulay nito.

"This is my own resort." mahinang sambit nito.

Hindi naman ako makapaniwala, pero naisip ko pa rin malamang talaga kaya niyang bumili nito. Dahil mapera siya, ang kaso nga lang galing sa masama ang pera niya. Bakit ganun? Lahat ng masama sa part niya hindi ko 'yun pinagtuunan ng pansin? Ganito ba talaga kapag nagmamahal, balewala sayo ang mga masasamang gawain niya?

"Umupo ka lang muna diyan, maghahanda ako ng pagkain. Alam kong gutom ka na," kaswal lang na saad nito.

Nagtaka naman ako dahil parang walang tao dito kahit isa, yung laman dito puro sinaunang panahon na kagamitan. Lalo na sa upan na kinauupuan ko na yari narra at ang mga cabinet ang gaganda, pati ang mga ilaw sa kisame ang gaganda parang mga dyamante na kumikislap. Kapag hinahanginan ito.

Mayamaya'y nakaamoy ako ng bangong pagkain na parang ginigisa, kaya napatayo ako at sinundan ko ang pinasukan na pinto ni Ahraw. Pagdating ko roon namangha ako sa ganda ng kusina dahil sinauna rin, may ilang bago na kagamitan tulad ng oven at mga iba pang appliances.

Napako ako sa kinatatayuan ako dahil si Ahraw naka-apron na puti habang busy sa pagluluto na ginagawa nito. Ang gwapo niya namang tingnan sa ayos niya at marunong pala siyang mag-luto? Ewan ko ba pero parang kinikilig ako, dalaga na talaga ako. Pero sandali, birthday ko pala ngayon. Debut ko na...

Itutuloy.....

🔫 Black_Moon301

Próximo capítulo