webnovel

{Battle for the Throne}: Castiel VS Christopher

Ang dalawang nakatakdang maglaban ay mas piniling huwag magkasalubong, dahil kahit na hindi pa sila lumaban ay may masasaktan pa rin sa kanila. Kung sino man ang gagawing pain ay hindi pa nila alam pareho. Hindi magsisimula ang laban nila hangga't walang sino man ang naunang lumaban kaya kampante silang walang masasaktan sa ganoong paraan. Sina Castiel at Camille ay balik trabaho bilang bodyguards kahit nasa trabaho si Castiel ay lumilipad ang isip nito kung sino ang pwedeng pahirapan sa oras na lumaban na siya. Una niyang naisip ay si Carlie dahil kambal niya ito pero may parte sa isipan niya ang hindi sang-ayon sa naisip niya.

"Castiel." siko sa kanya ni Camille.

"Ano? Kita mo namang nag-iisip ang tao e."

"I didn't know nag-iisip ka pala. Hahaha."

"Tss akala mo naman kung sinong matalino."

"Ewan ko sayo Castiel, nasa trabaho tayo tapos gaganyan-ganyan ka."

"Alam ko, pero hindi ko maiwasang isipin ang magaganap na labanan sa pagitan namin ni Christopher."

"Yun ba, kahit na ako ay hindi handa sa mga labanang ganyan lalo pa't hindi ko kabisado ang mga kapangyarihan nilang lahat."

"Ang mas inaalala ko ay —-" saglit niyang tinitigan si Camille.

"Ano?"

"W-wala siguro hindi nalang kami maglaban para walang masaktan, wala namang sumuko at walang matatalo dahil walang labanang nagaganap." saad ni Castiel at sabay tayo. Nauna siyang pumasok sa minamanehong kotse at doon nanatili, si Camille naman ay nanatiling naka-upo sa bench habang umiinom ng soda. Sa pagtitig ni Castiel kay Camille ay naramdaman niya ang isang hindi pamilyar na feeling. Hindi niya alam kung bakit ng maisip niyang paano kung si Camille ang pahirapan, tila hindi niya kakayaning makita siyang nasasaktan at nahihirapan. Ilang minuto pa ay sumakay na rin si Camille sa kotse.

"Castiel may tawag galing sa escort ni Senator, papunta na sila sa convention." saad ni Camille. Hindi na tumingin pa si Castiel at nagmaneho na sa lokasyon ng convention. Habang nasa daan na sila at mabilis na minaneho ni Castiel ang sasakyan ay biglang sumulpot sa harap nila ang anino. Sa gulat ni Castiel ay muntikan na siyang nawalan ng kontrol sa sasakyan.

"Ang mundong ito ang magsisilbing battle ground para sa inyo. Hindi niyo pwedeng takbuhan ang labanang ito. Kung hindi pa kayo naglaban sa loob ng anim na oras, sisimulan ko na ang pagpapahirap sa taong malapit sa inyo." agad na naman itong naglaho. Magkasabay na pinuntahan ng anino ang dalawang maglalaban para ipaalala sa kanila na nasa gitna pa sila ng labanan. Ipinarada ni Castiel ang sasakyan at galit na lumabas ng kotse.

"Shit! Hindi rin pala kami makakaligtas sa labanang ito. Sa loob ng 6 na oras kailangan na naming maglaban at tapusin ito ng mabilis." sinipa ni Castiel ang batong nasa harapan nito. Lumabas naman si Camille at nagbigay ng opinyon.

"Castiel paano kung patitigilin ko ang oras para mas makapag-isip ka pa."

"Tama nga Camille pag tinigil mo ang oras magkakaroon pa ako ng oras na mag-isip." ginamit ni Camille ang kapangyarihan nito pero walang nangyari. Tila nakagawa na ng harang ang anino para mapigilan ang ano mang balak nilang pagtakas gamit ang sariling kapangyarihan.

"Anong nangyari Camille?"

"Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko."

"Tsk! Wala na talagang atrasan to." sumandal na lamang si Castiel sa kotse.

"Castiel ako na lang ang pupunta sa convention, tapusin mo na lang ang laban niyong dalawa ni Christopher."

"Hindi, pupunta ako sa convention may anim na oras pa naman bago ang nakatakdang oras." biglang tumunog ang cellphone ni Camille at sinagot niya agad yun. Nang marinig ang nasa kabilang linya at naibigay na ang gusto nitong sabihin ay agad rin itong binaba.

"Casty, the convention's being rescheduled."

"As expected. Camille tara!"

"Saan?"

"Sumakay ka nalang." sumunod na lamang si Camille at sumakay na sa kotse. Dinala ni Castiel si Camille sa isang tagong beach na walang katao-tao. Doon ay naupo sila sa tabi ng dagat at pinagmasdan ang bawat hampas ng tubig sa buhangin.

"Camille."

"Hmm?"

"Naalala mo pa ba noong una tayong nagkita?"

"Hmm. Ano naman?"

"Hinahabol ako ng mga higanteng may maraming kamay. Hindi ko nga alam kung anong lugar yun."

"Oo nga tapos napunta ka sa pinagtataguan ko. Doon tayo unang nagkita di ba?"

"Oo nakakatuwa ngang isiping may isang katulad mo pala sa lugar na iyon. Hahaha."

"Hingal na hingal ka kaya nun sa kakatakbo mo. Nagalit pa nga ako nung napunta ka sa taguan ko ayon pati ako kailangan na ring tumakbo."

"Doon ko nagamit yung kapangyarihan ko di ba? Tapos nung muntikan na akong maapakan ng isa sa kanila doon mo ako niligtas gamit ang kapangyarihan mo. Napatigil mo ang oras ng mga sandaling iyon at naka-alis ako sa paanan ng higanteng halimaw na yun."

"Oo nga ipinaalala mong may utang ka pa sa akin." ngumiti si Castiel pero sa mga ngiting iyon ay may halong kalungkutan dahil sa kanyang nararamdaman. Sa takot na maaaring ang pag-usbong ng kakaibang damdamin na ito ang maging dahilan ng kapahamakan ng babaeng nakakasama niya araw-araw.

"Hoy Casty? natahimik ka ata."

"Wala. Camille may itatanong ako sayo."

"Ano naman yun?"

"Paano kung dahil sakin mapahamak ka?"

"Hahaha Come on Casty, alam ko namang hindi mo ako pababayaan di ba?" napayuko lamang si Castiel at hindi nasagot. Inakbayan ni Camille si Casty at nagpatuloy sa pagsasalita. "Alam ko namang may differences ang bawat isa sa atin. Pero sa tagal nating nagsama, hindi basta-basta masisira ang bond na meron tayo dahil lang sa isang pagkakamali o ano paman. Naisip ko Casty, kaya ka ba tuliro dahil sa maaaring mangyari sa labanan? Kung sino ang maaaring isugal sa labanang yun?"

"Oo, naisip ko baka si Carlie pero hindi ako convince na siya nga." mataman na tinitigan ni Castiel si Camille. Sa mga titig naman nito ay umiwas ng tingin si Camille dahil naramdaman niyang uminit ang kanyang mga pisngi.

"Si Carlie ba talaga ang inaalala mo?"

"Hindi, mas inaalala ko ang posibilidad na baka ikaw ang mapahamak sa labanang ito." seryoso ang mukha ni Castiel.

"Malabo yan Casty, mas malapit ang ugnayan niyo ni Carlie dahil kambal mo siya."

"Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit natatakot akong ikaw ang masaktan, bakit ayaw kitang masaktan? Iba ang nararamdaman ko sa tuwing kasama kita. Hindi kompleto ang araw ko kung hindi kita kasama." mas lalong namula ang pisngi ni Camille.

"Casty, kung ako man ang magiging pain sa labanan niyo. Lumaban ka lang. Ibigay mo ang lahat, matalo o manalo ka man wala na akong pakealam dun. Ang importante lumaban ka. Kung ano man yang nararamdaman mo, sabay nating tuklasin pero ngayon kailangan mo munang tapusin ang labanang ito para malaya na tayong alamin ang damdamin ng bawat isa." napangiti ng husto si Castiel sa narinig at niyakap si Camille. Pinili nilang magtagal pa ng kaunti sa baybayin bago sasalang sa laban si Castiel. Isinandal ni Camille ang ulo nito sa balikat ni Castiel at nanatili silang ganun hanggang sa maisipan na nilang harapin ang labanan.

Sa kabilang banda ay may mga bisita sina Cloudia at Christopher. Mula sa Cloud City ay nakaantabay sa kanilang dalawa ang mga Elemental Guardians. Dahil sa labanang mangyayari sa pagitan ni Christopher at Castiel ay nag-aalala ang mga guardians at nagka-isa silang magpadala ng mensahero sa kinaroroonan nilang dalawa para makapag-bigay ng tulong. Dahil sa atake pa lang ay lamang na si Castiel sa taglay nitong kapangyarihan at puro iwas lang ang magagawa ni Christopher pag nagkataon. Pero instead na menshero ang ipadala ay ang Spirit of Wind na mismo ang bumaba bilang isang hangin.

"Christopher, Cloudia. I've heard about this troublesome fight your into." aniya nito.

"Spirit of Wind. It's been a long time." maiksing bati ni Christopher.

"Spirit of Wind I'm so happy to see you again." aniya naman ni Cloudia na kahit gusto niyang yakapin ito ay hindi pwede.

"I can't stay for long, I'm here because we thought you might need this." iniabot ng Spirit of Wind ang isang maliit na version ng energy core na andun sa Cloud City.

"I don't really need it." tanggi ni Christopher.

"You will need it, for Cloudia's sake. As far as we are concern, we can't let anything happen to the two of you." agad na umalis na ang Spirit of Wind dahil magugulo ang struktura ng panahon ng dimensyon kung magtatagal ito. Inilagay ni Christopher ang core sa bulsa niya at tiningnan si Cloudia. Niyakap niya ito bigla at hinalikan sa noo.

"I won't let anyone harm you." nakita naman ng anino ang pagbaba ng Spirit of Wind at ang pagmamasid ng mga Elemental Guardians sa dalawa ay isa ring malaking gulo pag nagkataon.

Naghanda na si Christopher para sa labanang pwedeng mangyari ano mang oras mula ngayon. Si Cloudia naman ay binigyan siya ng speed buff na maaaring makatulong sa kanya sa labanan. Umalis siya ng mansion at pinuntahan ang kinaroroonan ni Castiel. Napagdesisyonan na sana nina Camille na puntahan din si Christopher para hamunin na itong makipaglaban. Tumayo na silang dalawa at naka-ilang hakbang pa lamang ay nakita na nila si Christopher na nakasandal sa isang puno ng niyog. Ngayon ay nakapamulsa na itong naglakad papunta sa kinaroroonan nila.

"Maganda ang spot na ito. Minsan dalhin ko rin si Cloudia dito. Pwede lang naman di ba?"

"Oo naman, hindi ko naman pagmamay-ari to." inabot ni Christopher ang kamay at kinuha naman iyon ni Castiel bilang simbolo ng walang personalan sa mangyayaring labanan.

"Maglaban na tayo para matapos na ito." bumitaw na sa pag shake-hands ang dalawa.

"Isipin na lang natin Christopher na nagsasanay tayo. Sparing kumbaga. Hahaha."

"Tama yang naisip mo." tinignan ni Christopher ang kapaligiran at nakita naman nilang walang tao at malawak ang lugar para sa isang labanan.

"Bibilang tayo ng sampung hakbang palayo sa isa't isa. Sa ika-sampung hakbang unahan na lamang sa pag-atake."

"Ok." agad na tinalikuran nila ang isa't isa at humakbang ng sampung beses palayo sa isa't isa. Sa huling hakbang ay agad na gumawa ng Ice Spikes si Castiel, sa speed buff na ginamit ni Cloudia sa kanya ay madali niyang naiwasan iyon lalo pa't alam niya ang kung ano man ang nasa isip ni Castiel. Pati reflexes ng muscle nito at pintig ng puso nito ay naririnig niya at nababasa niya. Kung maaari ay iiwasan na lamang niya ang bawat atake ni Castiel. Lumabas ang anino sa pagitan ng labanan nila. Tinangay na naman sila sa isang dimensyon. Puro tubig ang nasa ibaba nila. Nakapaloob na sa kanya-kanyang kulungan sina Cloudia at Camille na kung saan si Cloudia ay unti-unting binabalot ng yelo habang si Camille ay unti-unting ibinaba sa tubig.

"Cloudia!"

"Camille!" seryoso na ang mukha ng dalawa sa nakitang pagsisimula ng pagpapahirap sa mga mahal nila. Ang iba namang kasamahan nila ay naging mga saksi ng labanan sa pagitan nina Christopher at Castiel.

"Second fight between Castiel and Christopher started. Best of luck to both of you and make it quick or this ladies will die in the process." saad ng aninong nasa gitna ng dalawang kulungan.

Gumawa si Castiel ng ice crystals at pinagtatapon sa kinaroroonan ni Christopher sa dami nito na tila hindi nauubos ay mahihirapan na siyang umiwas pa kahit alam niya kung saan ito tatama. Kinuha niya ang core sa bulsa at ginamit ito. Una niyang ginamit ang Fire burst para tunawin lahat ng mga ice crystals na papunta sa kanya. Ng makakita ng tyempo ay agad siyang umalis sa kinalalagyan at sinagot ang atake ni Castiel. Binigyan naman niya si Castiel ng isang Water Cannon attack at nag-counter attack naman si Castiel na ginawang yelo ang tubig na gamit ni Christopher.

"Tsk." hindi pa tapos si Christopher sa atake niya at nagpakawala pa ito ng isang Apocalyptic Hurricane. Kahit iwasan pa ni Castiel ay nahihigop siya paloob dito at tila mga patalim ang hanging humahampas sa kanya. Nahulog siya sa tubig, tiningnan ni Castiel ang gawi ni Camille na nakatingala na para makahinga pa bago malubog sa tubig. Dahil tubig ang kinabagsakan ni Castiel ay naka-isip siya ng paraan. Ginawa niyang yelo ang lahat at mula sa baba ay lumikha ng Ice poles at inatake si Christopher. Si Cloudia naman ay nabalutan na ng yelo ang buong katawan. Kailangan na nilang magmadali para mailigtas ang mga mahal nila. Pero sa labanan nila tila pantay lang ang strategy ng dalawa. Parehong nanganganib na ang dalawang babaeng gusto nilang protektahan. Si Christopher ay wala na kay Castiel ang isip kundi naghahanap na siya ng paraan para mailigtas si Cloudia. Bigla naman siyang tinamaan ng ice hammer ni Castiel at bumagsak siya sa ngayo'y yelong karagatan. Sa halip na gumanti kay Castiel ay minabuti niyang tinungo ang kulungan ni Cloudia. Nakita naman ni Castiel ang direksyong pinuntahan ni Christopher at sinunod ang ginawa nito. Ang susunod niyang atake na Ice Swords ang patatamaan niya ay ang kulungan ni Camille. Si Christopher naman ay itinapon ang energy core patungo sa kulungan ni Cloudia at naglikha ito ng isang malaking pagsabog. Sa oras na sumabog ito ay agad niyang hinablot ang malamig na malamig na katawan ni Cloudia tsaka inilayo sa kinatatayuan ng anino. Si Castiel naman ay nagawang butasin ang kulungan at mula sa butas na iyon ay pinasukan niya ng yelo at ginawang spikes at tuluyang nawasak ito. Marami na ang nainom ni Camille na tubig at nalunod na ito. Kinuha siya ni Castiel pero hindi na siya humihinga. Inilapag ni Castiel ang katawan ni Camille at pinakinggan ang heartbeat nito.

"May pulso pa siya Castiel, pero dapat gawin mo na agad ang CPR sa kanya para mailabas ni Camille ang lahat ng tubig na nainom." sabi ni Christopher na hinubad ang t-shirt na suot at tinanggalan din ng damit si Cloudia tanging underwears na lamang nito ang suot. Agad niyang nilapat ang malamig na katawan nito sa katawan niya at ipinatong ang jacket niya sa katawan nito. Sa pamamagitan nun ay magawa niyang painitin ang katawan ni Cloudia kahit papano. Si Castiel naman ay agad na nag- CPR kay Camille. Wala pa itong response kaya kailangan na niyang gawin ang mouth-to-mouth resuscitation. Ibinuka niya ang bibig ni Camille at inilapat ang sariling labi tsaka niya binugahan ng hangin, pagkatapos ay inulit niya ang CPR tsaka inulit ang mouth-to-mouth. Ganun ang prosesong inuulit ni Castiel para mailigtas si Camille. Sa huling CPR niya ay umubo si Camille at nailabas ang mga nakapasok na tubig sa katawan. Agad na niyakap ni Castiel si Camille sa tindi ng pangamba nitong hindi niya ito mailigtas.

"Now were even." nakangiting saad ni Camille. Natunghayan ng anino ang nais ng dalawang iligtas ang mga mahal nila. Sa galit niya ay kinuryente niya sina Castiel at Christopher ng tatlong beses tsaka naglaho. Ang mga kasamahan nilang nakapanood sa labanan ay hindi nakakagalaw sa kinalalagyan nila, kaya hindi nila magawang tumulong kahit gustuhin pa nila. Nang mawala ang anino ay malaya na silang nakakagalaw ulit at mabilis na pinuntahan ang mga kasamang nasaktan. Agad nilang dinala ang apat sa mansion at doon manual na ginamot. Tinawagan nila si Doctor Drake at agad naman itong nagpunta sa mansion upang tignan ang kalagayan ng apat. Tutulong sana si Cornelia para mapabilis ang paggaling ng apat pero binalaan siya ni Cyrus na huwag aksayahin ang kapangyarihan niya. Inassure niya rin ito na magiging okay din ang apat. Kailangan lang nilang magpahinga.

Nasiguro na ni Doctor Drake na ligtas na ang apat at sinabihang silang hayaang makapagpahinga ang mga ito. Nagpunta sila sa living room at doon tahimik na pinagmasdan ang bawat isa.

"Sino na kaya ang susunod na lalaban sa atin?" tanong ni Carlie na nanginginig sa mga imaheng rumehistro sa isipan niya sa mga labanan.

"Hindi natin alam. Si Aphrodite lang ang nakaka-alam kung sino ang gusto niyang makitang maglaban." pahayag naman ni Cyrus.

"Kung tutuusin, hindi na rin makakalaban pa ang mga pain dahil hindi na nila kayang makipaglaban pa dahil sa natamong mga pahirap sa kulungang iyon." aniya naman ni Chayanne na inalala ang sakit na dulot ng pagkakuryente sa kanya.

"Wala na bang ibang paraan para mapigilan nating kalabanin ang isa't isa?" tanong naman ni Cornelia.

"Kailangan talaga nating lumaban. Wala naman tayong choice di ba?" sabi naman ni Cryptic. Mula sa usapan nila ay lumabas na naman ang anino. Alam na nila ang susunod pa nitong gagawin.

"You know why I'm here right?" walang sumagot sa kanya at kahit ang tumingin sa kanya ay wala rin. "Don't be foolish, Aish! Anyway I'm here to tell you who will be joining the next fight. Hmmm. Let's see. How about Camille vs Cloudia sounds like?" agad na binato ni Cyrus ng bakal na bola ang anino sa galit nito.

"You know exactly that they can't fight. So how the hell did you decide on this one?!"

"Oh Cyrus I really like your spirit. So how about this, Cornelia vs Carlie. This would be interesting." pumalag naman sina Carlisle, Cryptic at Charlemagne sa narinig.

"Niloloko mo ba kami? Matapos mong aksayahin ang kapangyarihan ni Cornelia ngayon ilalaban mo siya? Kung yan din lamang ang mangyayari mabuti pa ikaw nalang ang kalabanin namin!" matapang na pahayag ni Cyrus na hinila ang kakambal palayo.

"That was just a joke. Ano ba naman kayo ang iinit ng ulo niyo. The third fight will be between Cryptic and Charlemagne. That's final and I got a little bored waiting so first thing in the morning that will be the start of your fight." agad na naman itong naglaho. Tinapik na lamang ni Carlisle ang balikat ni Charlemagne at Cryptic. Hindi na ito nagsalita pa dahil wala naman siyang masasabi sa kanila. Nagsibalikan na ang mga ito sa kanya-kanyang silid.

Samantala, pinanood ng mga Elemental Guardians ang nangyaring labanan sa pagitan nina Christopher at Castiel. Nakita din nila ang pagpapahirap ng anino sa mga nakakulong na pain.

"Keeper of Light, Lord of Darkness, this is getting out of hand. Aphrodite is torturing those Gods and Goddesses." aniya ng Spirit of Wind na hindi napigilang ilabas ang galit.

"I know Spirit of Wind, but we can't decide for now. It's all up to her to deal with this. For now, let's just keep watching and report every detail on the matters on Earth."mahinahong saad ng Lord of Darkness. Nalulungkot naman ang Keeper of Light dahil sa labanang nangyari na ikinapahamak ng dalawa niyang kinupkop sa Cloud City.

"But when is the right time to get involved in this? She has the power to stop Aphrodite and yet she decided to stay hidden." mahinang saad ng Keeper of Light.

"I know how you feel but we can't interfere. She knows what she's doing and she's in pain watching her children fight each other. But to be able to make everything work as planned she must make some sacrifices first." lahat sila ay nakatingin sa nakatalikod na babaeng nakatingin sa isang shadow crystal at tinitignan ang mga Gods and Goddesses sa baba.

"Because of me and my recklessness, I destroyed their memories and shuffled their powers. Because of me I must wait till I can able to gain enough courage to face them. And till then, no one will ever dare harm any of them again. Aphrodite's doing everything in her power to lure me to her. She may be the Goddess of love and beauty but she can't hide her own sufferings. Blaming me for Uranus' death and avenging my by hurting children. I still believe Aphrodite can see how different they have become without those memories back to them and the way they see life and values it. Specially Cronus is down there, she must see through his soul how he had changed for the better, far from how he acted long way before." salaysay ng babaeng umiiyak habang nakikita ang mga Gods and Goddesses na nahihirapan.

Alam ni Aphrodite na hindi magtatagal ay lalabas din si Gaia sa kinaroroonan nito. Hangga't hindi ito nagpapakita mas lalo niyang pahihirapan sina Carlisle at ang iba pa. At isa pang plano niya para mapilitang lumabas si Gaia ay ang isa-isahing sirain ang pagkatao ng bawat isa sa katotohanang iniwan nila. Gagawin nito ang lahat para maiganti ang amang nagbigay buhay sa kanya at mabawi ang kapatid na napalayo ang loob sa kanya.

"They took everything away from me. Cronus killed my father and now Gaia's into hiding while she's the main reason why any of this happened. And now my sister, willingly sacrificing her own life to save those selfish Gods and Goddesses whom she think as her own flesh and blood. I must be able to get her on my side at once and together we can rule above them." umiyak na lamang si Aphrodite habang nakatanaw kay Cornelia na nag-iisa sa garden.

Mas naging handa na ang bawat isa sa kanila sa mga maari pang mangyari sa hinaharap. Lalo pa't hindi pa nila alam ang totoong plano ni Aphrodite sa kagustuhan nitong ilaban ang bawat isa sa kanila. Kung totoong buhay pa nga si Gaia bakit hinahayaan niyang mahirapan ang mga anak niya't mga kapatid kung sa isang utos lang niya ay kaya niyang ibalik sila sa kung saan sila nararapat. Pero ang maibalik ang memoryang nawala ay hindi na kailan man mangyayari pa.

Próximo capítulo