Simula ng mawala si Nigel naging balisa na si Carlie pati na yung iba habang si Cornelia ay panay pa rin ang sisi sa sarili dahil sa maaaring mangyari kay Vladimar. Ni isa sa kanila ay hindi na nagsalita tungkol pa sa insidenteng iyon. Sina Cryptic at Charlene ay parehong pumasok sa isang research institute na nag-aaral sa iba't ibang klase ng halamang gamot. Ang bagong dating na sina Castiel at Camille ay parehong body guard ng isang opinyonadong senador na laging nakakatanggap ng death threats. Si Cornelia naman ay pumapasok bilang isang researcher sa isang Newspaper Company at sa isang article na niresearch niya patungkol sa isang black magic na kumakalat ay doon natutok ang atensyon nito. Si Vladimar na walang kamalay-malay sa sasapitin niya ay hindi pinapagtrabaho ng kahit sino man kaya ang buong atensyon nito ay nasa mga bata sa loob ng mansion.
Isang gabi ay napagdesisyunan ng lahat na umuwi ng maaga para makapag-usap silang lahat. Simula nung magtrabaho sila ay hindi na nila nagawang makapag-usap lahat lalo pa't hindi pa nila natapos ang pagpapakilala sa bawat isa. Kahit na nakatira sila sa iisang bahay ay tila nagkakaroon ng gap sa bawat isa sa kanila. May kanya-kanya na silang mga prayoridad at kadalasan ay hindi sila nagpapansinan. Si Cydee na laging naiiwan sa bahay dahil sa maya't mayang divination nito na hindi niya alam kong ano ang pahiwatig ng bawat isa. Madilim ang bawat makita niya at malabo pa nga ito kung minsan kaya nagdesisyon siyang umalis sa pinagtatrabahuan nitong planning department sa isang mining company. Walong araw na mula nung nangyari ang pagkawala ni Nigel pero ang hindi nila alam ay unti-unti na palang nakakaramdam ng panghihina si Vladimar na hindi lang nito pinapakita.
"Kuya Vlad darating na po ba sila?" tanong ng isang bata na nakakapit sa dulo ng damit nito.
"Oo pauwi na sila kaya ayusin na natin yung living room dahil pagkauwi nila pagod yung mga yun."
"Kuya okay ka lang po ba? Namumutla ka po, may lagnat ka po ba?" nag-aalalang saad ng bata. Nagsilapitan yung iba at nag-alala rin sa kanya.
"Mga bata I'm okay medyo di lang ako nakatulog kagabi." nginitian niya ang mga bata na nakontento naman sa binigay nitong sagot.
Unang nakauwi sina Charlemagne na sinalubong kaagad ni Cydee na nagmamadali sa pag baba ng hagdan. May katulong naman sila sa bahay kaya hindi nila inaalala ang pagluluto ng pagkain. Sunod-sunod na nagdatingan ang iba pa nilang kasamahan at naupo sila sa living room. Doon ay nagsimula silang magkwento tungkol sa mga trabaho nila at nagsisitawanan pa minsan. Dumating naman sina Cloyce na may dalang mga bata na bagong ligtas mula sa isang child trafficking syndicate. Sinalubong naman ng iba pang mga bata ang bagong dating at nginitian simbolo ng kagalakang makita sila.
"Cloyce ilan sila lahat?" tanong ni Carlisle.
"Limang bata tong ngayon pero may natira pang tatlo na hindi pa namin matunton ang pinagdalhan." pahayag ni Cloyce na ibinaba sa pagkaka-karga ang isang batang may sugat sa paa. Lumapit naman si Cloudia at pinatulog ang bata bago ginamot.
"Cyrus, Ciara nasaan na ba si Cornelia?" tanong ni Chayanne na naaaliw sa ginawang bigote sa mukha ni Carlisle.
"Akala namin nandito na siya." sagot naman ni Cyrus na papunta pa lang sa living room.
"Tatawagan ko na ngayon din." boluntaryo naman ni Ciara. Tinawagan ni Ciara ang cellphone ni Cornelia pero hindi naman ito sinasagot. Naka-ilang ring na ito ngunit wala pa ring sumasagot.
"Ciara ano na?" tanong ni Cyrus na nababakas ang pag-aalala sa mukha.
"Hindi naman niya sinasagot."
"Tawagan mo ulit."
"Gusto mo i-track down ko na?" tanong ni Christopher na mas na enhance pa yung kapangyarihan niya simula ng ginagamit na niya ito palagi sa ospital.
"Maaari ba Christopher?" pakiusap ni Cyrus.
"Ako na bahala." lumabas na si Christopher ng mansion at doon sa garden nag-concentrate. Sinubukan niya itong abutin telepathically pero tila hinaharangan naman ni Cornelia ito. Pinakiramdaman niya ang presensya nito at pinakinggan ang boses nito o di naman kaya ang tibok ng puso nito. Kaya na niyang tukuyin kung kaninong pintig ng puso nagmumula iyon sa pagitan ng maraming tao lalo na pag kakilala niya. Pawala-wala ang presensya ni Cornelia kaya nahirapang matunton ni Christopher iyon. Biglang lumakas ang pintig ng puso nito at doon niya nalaman ang lokasyon ni Cornelia. Bumalik siya sa loob at ipinaalam ang lokasyon nito.
"Guys I think she's up to something. Nasa Hidden Boulevard siya."
"Hidden Boulevard hindi ba doon nagmumula yung black market na lagi niyang pinupuntahan para sa article niya?" sabi naman ni Ciara na dinadial ang number ni Cornelia. Ngayon ay sumagot na ito at sumenyas sa mga kasama na sinagot ang tawag niya.
"Cornelia where the hell are you?" galit na bungad ni Ciara.
"Calm down sissy it's not like I'm in trouble. Or am I?" panunukso ni Cornelia.
"Yes you are, lalo pa't hindi na maipinta tong mukha ni Cyrus sa pag-aalala."
"Sorry Ciara pero I'll be home late, may nakita akong opportunity for an awesome research material."
"Hell with that Cornelia di ba ngayon yung reunion natin?"
"Oh my Gee I totally forgot. Uuwi na ako after 10 min may titignan lang ako sa loob. Bye." agad na binaba ni Cornelia ang phone matapos makapag-paalam.
"What the?" naiiritang saad ni Ciara.
"Let me guess she hang up?" sa expression ni Cyrus tila hindi na ito natutuwa.
"Yeah. In 10 min uuwi na raw siya may titignan lang daw siya sa loob?"
"She's pointing out the black market right?" saad ni Cyrus na ngayon ay galit na.
"Maybe pero sa lugar na yun lang naman talaga ang black market, pinuntahan ko once pero hindi ko matunton." saad naman ni Casimir na tinitignan ang isang batong natagpuan sa labas.
"Mir may I?" inilahad ni Cyrus ang kamay at nakuha naman ni Casimir ang ibig nitong sabihin at ibinigay ang bato.
"What's that?" curious na tanong ni Carlie.
"I think she's not there for research." ibinigay ni Cyrus ang bato kay Ciara at nakilala din niya ito.
"Cornelia's really in big trouble."
"What do you mean Ciara? Ano ba yan?" tumayo na si Chayanne at tinignan ang bato pero wala siyang alam kung ano iyon. Agad na umakyat si Cyrus at pinuntahan ang silid ni Cornelia. Hinapit niya ang door knob pero naka lock ang kwarto nito kaya sinipa niya ang pinto ngunit tumilapon siya palayo. Narinig naman ng mga nasa baba ang isang ingay na tila may bumagsak. Agad silang umakyat nakita nila si Cyrus na nasa sahig at bumabangon mula sa pagtilapon nito.
"What happen?" tanong ni Carlisle na tinulungan siyang tumayo.
"See for yourself." pinuntahan naman ni Carlisle ang pinto at hinapit din ang door knob dahil lock ito hinarap niya si Cyrus.
"It's lock man what do you want me to prove?"
"Tsk kick it or punch it or do whatever to open that door." nakatayo na si Cyrus at inayos ang buhok. Siniko ni Carlisle ang pinto ng malakas at gaya ng nangyari kay Cyrus ay napa-atras ito tila alam ni Carlisle na pag sapilitan niyang buksan ang pinto ay may mangyayari kaya tinigasan niya ang tindig para hindi tumilapon.
"Barrier. Prohibiting anyone to come in." hinipo pa ni Carlisle ang bawat sulok para matunton ang sentro ng barrier.
"Para saan naman yan? May ginagawa na naman si Cornelia na hindi natin alam." nagkatinginan sila at natahimik saglit.
"We should find out what." akmang sisipain na ni Cyrus ang pinto ng hinarangan siya ni Carlisle.
"Hindi yan mabubuksan ng ganyan. Cloyce nakapasok ka na ba sa kwarto ni Cornelia?"
"Ano naman gagawin ko sa kwarto niya?" sabay kamot sa batok nito. Tinitigan siya ng masama ni Carlisle at Cyrus at nakaramdam siya ng hindi maganda kung mamimilosopo pa siya. "Hindi pa ako nakapasok jan bakit ba?"
"Subukan mong magteleport sa loob." matigas na pahayag ni Cyrus.
"Kung si Cassiel nalang kaya naman niyang tumagos sa pader." mahinang sagot ni Cloyce.
"Subukan ko." hinawakan ni Cassiel ang pinto at naging invincible at sinubukang tumagos sa pinto pero tila nakuryente lang siya at napa-atras.
"Ayaw niya talagang ipaalam ang ginagawa niya." saad ni Ciara.
"Hindi kaya sinusubukan niyang iligtas si Vladimar? Sa pagkakakilala ko sa kanya she will do anything in her power to save someone." saad ni Chayanne.
"Sinisisi niya ang sarili niya for what happened during that time. Simula noon lage na siyang umaalis at gabi na kung maka-uwi, halos di na kumakain." pahayag naman ni Charice.
"Vladimar will be the medium for Nigel to be able to live in this dimension. Alam na ba ni Vladimar ang sitwasyong kinalalagyan niya?" tanong ni Cyrus na ang hindi nila alam ay nasa likuran na nila ito.
"What situation?" nakayuko si Vladimar na nakakuyom ang kamao.
"Vlad.!" halos sabay nilang sambit.
"You heard it right? Babalik si Nigel sa dimensyong ito at ang existence mo mismo ang gagamitin niya at aangkinin ang buhay mo." nilapitan ni Cyrus si Vlad na nakatitig sa mga mata nito.
"Cornelia's blaming herself kung bakit of all people ikaw ang kailangan mawala at palitan." saad naman ni Ciara. Mula sa kanilang gitna ay lumabas ang anino ng babae na laging sumusubaybay sa kanila.
"Vladimar or Let me say Alex Brighton your true name. Ang dimensyong ito ay walang pakialam sa existence mo at ng mga kasamahan mong napunta rito. Dahil protektado kayo ng kapangyarihan ng isang witch kaya ng mapunta kayo rito ay buhay kayo pero hindi kayo kawalan sa dimensyong ito. Samantala si Nigel ay temporary lang ang buhay niya nung dumating siya at nawala rin, para manatili siya sa dimensyong ito ay dapat niyang nakawin ang existence ng isang taga-rito at palitan ito ng sa kanya. Pero kung isang taga Earth ang mismong papalitan niya ang dimensyong ito ay makakaranas ng isang jolt kung saan maaapektuhan ang balanse ng dimensyon. Matagal bago ito maibalik ulit pero kung ikaw ang nanakawan niya ng existence walang pakialam ang dimensyong ito at mananatili ang balanse nito." paliwanag ng anino na tila natututuwa pa sa nakikitang expressions ng mga nandoon.
"Pero bakit si Vladimar? Pwede naman sina Venz at yung iba pa." sagot naman ni Carlie.
"Simple lang naman ang sagot, dahil siya ang malapit sa pinangyarihan at ang dimensyong ito na mismo ang nagdesisyon." pagkasabi ay agad na naglaho ang anino. Nabigla si Vlad sa natuklasan at nag labas ng isang pagak na tawa.
"Kaya pala hindi ako makatulog tuwing gabi tila may gumagamit sa katawan ko. Kaya pala nanghihina ang buong katawan ko at parang may nagpupumilit na pumasok sakin. Ito pala ang dahilan ng lahat." inilapat ni Vladimar ang kanyang kamay sa dibdib at dinama ang bawat pintig nito. Lumakad si Vladimar papunta sa harapan ng pinto ni Cornelia.
"Anong balak mo?" tanong ni Carlisle.
"Higit pa sa kung sino man, ako ang higit na mas may karapatang malaman kung ano ang ginagawa niya." hinapit niya ang door knob at sa gulat niya ay bumukas ito. Nilakihan niya ang pagbukas ng pinto at bumungad sa kanila ang isang pentagram sa sahig nito na may nakalutang na mga kandila sa bawat angulo nito. Pumasok sila at mas nabigla pa sila sa natuklasan nila, sa nakabuklat na pahina ng book of spells ay nakita nila ang isang sacrificial spell. Nakapaloob doon ang isang body switch spell. Nagpupumiglas ang damdamin ni Vladimar sa natuklasan. Isasakripisyo ni Cornelia ang natitira pa nitong buhay para siya ay maligtas. Halo-halo ang mga reaksyon nila, sina Cyrus at Ciara ay tila nagalit sa desisyon ni Cornelia pero mas nagalit sila sa sarili nila dahil hindi nila namalayan ang balak nito. Ang iba ay nalungkot at ang iba ay tila expected na ang gagawin ni Cornelia pero hindi nila aakalaing aabot sa puntong pati ang natitirang buhay ay isusugal.May nakitang papel si Vladimar at nakasulat doon ang proseso ng spell na iyon sa nabasa niya ay nangangalahati pa lang si Cornelia sa prosesong iyon at kaya ito pabalik-balik sa black market ay naghahanap ito ng mga sangkap para sa gagawing sleeping potion.
Samantala ay nakuha na ni Cornelia ang mga sangkap na kakailanganin niya para sa potion na balak niyang ilagay sa pagkain at inumin ng mga nasa mansion. Sakto para sa final phase ng kanyang spell. Nagmadali na siyang umuwi dahil lagpas na sa 10 minutes ang tinagal niya sa black market. Tila may cloak ang naturang pamilihan dahil hindi iyon nakikita ng naked eye. Nagtaxi na lamang siya pauwi dahil nahihiya na siyang magpasundo pa doon. Paghinto ng taxi sa harapan ng gate ng mansyon ay bigla siyang kinabahan. Tinignan niya ang bintana ng kwarto niya at nakita niya ang mga anino ng mga nasa loob. Doon na siya nagpanic at tumakbo ng mabilis papunta sa loob, agad na tinungo ang hagdan papunta sa kwarto niya at hindi napansin ang mga nadadaanan. Hingal na hingal siya ng makita sa loob ng kwarto niya ang mga kakambal at ang iba pa lalo na ng mahagilap niya ang galit na mukha ni Vladimar.
"A-anong g-ginagawa n-niyo sa kwarto ko?" tila sinakluban ng langit si Cornelia at nauutal na itong magsalita. Namumutla na rin siya sa kaba at sa bilis ng tibok ng puso niya.
"Kami ang dapat na magtanong niyan Cornelia." nakayukong saad ni Cyrus na nagpipigil lang sa galit. Huminga si Cornelia ng malalim bago nagsalita. Tinipon ang lahat ng lakas ng loob at nagsalita.
"Nakapagdesisyon na ako. Hindi niyo na ako mapipigilan pa." matigas na saad nito. Nakarinig naman sila ng pader na gumuho sa kanan nila, sinuntok na pala ni Cyrus ang pader sa pagitan ng kwarto ni Ciara at Cornelia.
"Sariling desisyon lang pinaiiral mo Cornelia!" galit na saad ni Cyrus.
"Yan lang ang naiisip kong paraan Cyrus hindi mo ako maiintindihan dahil hindi ka pa naman nagmahal!" pinipigilan ni Cornelia na umiyak. Lumabas na lamang ng kwarto si Cyrus kasunod ang iba pa.
"Hindi pa tayo tapos sa usapang ito Cornelia, bibigyan ko kayo ng pagkakataong mag-usap ni Vlad." at tuluyan ng umalis si Cyrus.
Nakatalikod si Vladimar na idnikit lang ang tingin sa papel na hawak-hawak nito. Pumasok naman si Cornelia at isinara ang pinto. Hindi niya alam kung saan magsisimula. Namayani ang katahimikan pero saglit lang dahil nag-umpisang magsalita si Vladimar.
"Ito ba ang nakikita mong paraan Cornelia?"
"Vlad, ipapaliwanag ko." lumapit si Cornelia sa kinaroroonan ni Vlad pero ito ang lumayo. Naupo na lamang si Cornelia sa dulo ng kama at napayuko.
"Bakit kailangan mong ilihim sa akin? Bakit niyo kailangang itago?"
"Dahil kaya ko namang gawan ng paraan para hindi ka mawala. Gusto kong manatili kang walang alam dahil masasaktan ka lang. Pag nagtagumpay ako—-."
"Ikaw naman ang mawawala! Cornelia hindi pa ba sapat na may taning na nga ang buhay mo! Hindi pa ba sapat na nasasaktan ako sa bawat araw na lumipas na alam kong unti-unti ka ng nawawala sa akin. Kung ito man ang nakalaan para sa akin yayakapin ko to ng buong puso ng walang pagsisisi. Pero sa ginagawa mo mas lalo mo lang akong sinasaktan. Mabubuhay nga ako pero wala ka naman sa piling ko."
"Vlad hindi mo naintindihan, mas pipiliin ko pang mawala kesa naman mawala ka ng dahil lang sa akin."
"Ginagawa mo lang ba yan dahil nagsisisi ka and you're blaming yourself for it?"
"Hindi lang dahil doon Vlad!"
"EH ANO?!"
"MAHAL KITA VLADIMAR, MAHAL KITA MR. BRIGHTON!" humagulgol na ng iyak si Cornelia at natahimik naman si Vlad sa narinig.
"Pero hindi mo naman kailangang magsakripisyo para lang madugtungan buhay ko. Hindi ako nagsisisi na nakilala kita. Tulad mo hahamakin ko rin lahat para lang maalagaan ka, para hindi ka mapahamak." niyakap ni Vladimar si Cornelia at naiyak na lamang silang dalawa.
"Vlad paki-usap labanan mo. Wag kang magpapatalo sa kung ano man ang pumapasok sayo. Hahanap ako ng ibang paraan para kayong dalawa ay manatili sa dimensyong ito."
"Yan ang kina-iinggitan ko sayo Cornelia, napakabuti ng puso mo at handa kang gawin ang lahat para walang masaktan kahit na ikaw pa ang masaktan. Pangako ko sayo lalaban ako, sabay tayong maghahanap ng paraan." hinalikan ni Vladimar si Cornelia sa noo at umalis na ng kwarto. Nakatingin lang si Cornelia sa nakasarang pintuan ng kwarto niya at humagulgol ng iyak.
"Pasensya na Vlad pero huli na ang lahat para itigil ko pa ito. Ito lang ang tanging paraang pwede kong gawin." nagpunas na siya ng luha at tinapos ang sleeping potion na gagamitin niya. Akala ni Cornelia ay tuluyan ng umalis sa harap ng pinto niya si Vlad pero nakikiramdam lang pala ito.
"Alam kong tatapusin mo ang nasimulan mo Cornelia. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati ang dapat na sa akin mangyari ay isasakripisyo mo pa ang sarili mo. Tama na ang kabutihan mo, nasasaktan lang ako sa mga ginagawa mo. Kaya para matapos na ito isang paraan lang ang dapat na mangyari." nagpunta na sa veranda si Vladimar at nagpahangin. Naramdaman na naman niya ang biglang paninikip ng dibdib niya na tila pinipigilan siyang huminga. Nahulog siya sa kanyang kina-uupuan at natumba. Biglang nagpakita ang anino at minamasdan lang ang paghihirap ni Vladimar.
"Bakit ka narito?" Hingal na tanong ni Vlad.
"Sobrang bait talaga ni Cornelia di ba? Buong pusong nagsasakripisyo para sa mga walang kwentang tulad niyo!" Galit ang boses ng aninong unti-unting lumalapit sa kanya.
"Ano ba ang gusto mong sabihin? Alam kong hindi ka narito para purihin ang kabaitan ni Cornelia."
"Malakas din pala yang pakiramdam mo. Sayang mga lang at mawawala kana sa tabi niya."
"Tch. Ano ang nalalaman mo sa nangyayari sakin?"
"Buti at naitanong mo. Kinukuha na ni Nigel ang existence mo. Sa simula palang ng mapunta kayo dito ay alam kong maglalaho si Nigel. Kaya naglagay ako ng kaunting regalo para sayo." Ang itim na usok na inilagay ng anino kay Vlad ng dumating sila sa dimensyong ito ay unti-unting lumamon sa kabuuhan niya. Kumalat na ito sa buong katawan niya.
"Sa simula palang ay alam mo na ang mangyayari! Ginawa mo akong kasangkapan para paglaruan ang damdamin ng mga tao dito. Hindi ko alam ang plano mo pero may kutob akong hindi ka tumutulong sa mga narito kundi may iba kang balak." Pagkatapos magsalita si Vlad ay agad na itong natumba.
Nakaramdam naman si Cornelia ng may hindi tama kaya tinignan niya ang life-span ni Vladimar na nalalaman niya sa kulay ng batong pinatakan niya ng dugo ni Vladimar.
"Hindi maari to! Bakit biglang bumilis. Hindi pa ako tapos. Si Vlad!" ang dating maputing bato ay halos kasingkulay na ng kalangitan sa kulay itim na mabilis na bumabalot sa kabuuan nito. Agad hinanap ni Cornelia si Vlad dahil hindi na siya mapakali. Pinuntahan niya ang mga nasa living room para tanungin.
"Nakita niyo ba si Vlad?!" hingal na saad ni Cornelia.
"Hindi namin nakita, hindi naman siya bumaba. Bakit Cornelia bakit namumutla ka." tanong ni Ciara na akmang aamuhin siya.
"Mangyayari na ang kinatatakutan ko." naiyak na siya at pumanhik sa taas. Isa lang ang maaaring kinalagyan ni Vladimar.
Tama ang hinala niyang nasa veranda nga ito at mabilis niya itong niyakap ng makita itong nahihirapan na. Wala na roon ang anino na tila nakaramdam na parating na si Cornelia.
"Vlad labanan mo, masyado pang maaga para sumuko ka."
"M-mas m-mabuti na n-ga ang ganito. P-pag nawa-la na a-ako h-hindi m-mo n-na k-k-kakailan-nganing i-isakripisyo p-pa ang b-buhay mo." bigla na namang napa-ungol sa sakit si Vlad na parang pinipiga palabas ang buong pagkatao niya.
"Vlad nangako ka, nangako kang lalaban ka." narinig ng mga nasa baba ang iyak ni Cornelia. Pero sa may hagdan pa lamang ay hinarangan na sila ng anino.
"Hindi niyo dapat hadlangan ang mangyayari. Kakalabanin niyo mismo ang dimensyong ito at manganganib lamang ang mga taong pinahahalagahan niyo." nagpumilit silang makapasok pero tila nanigas sila sa kinatatayuan nila. Kahit anong pagpupumiglas ay hindi nila magawang kumilos kahit mamalik-mata ay hindi rin nila nagawa.
Pinilit ni Vlad na tumayo at inakay naman siya ni Cornelia.
"Vlad bakit mo hinahayaa—-" natigilan si Cornelia ng nag-iba ang kulay ng kabilang mata ni Vlad. Ito ang mga mata ni Nigel na nagsisimula ng okupahin ang katawan ni Vlad.
"Nararamdaman ko na siya sa katawan ko." pumikit si Vlad at huminahon. Nakita ni Cornelia sa gestures nito na ibibigay na ang sariling existence kay Nigel.
"Vlad hindi ka pwedeng sumuko nangako ka." nakayakap sa likuran ni Vladimar si Cornelia na panay ang hikbi sa bawat salita nito.
"Gagawin ko to dahil ayaw na kitang magsakripisyo pa. Simula nung makita kita sa Murken Forest ninais ko nang makasama ka. Hanggang sa minahal na kita. Gagawin ko to dahil mahal kita. Wag mong sisihin ang sarili mo malulungkot lang ako niyan." humarap si Vlad kay Cornelia at hinalikan ito ng buong puso. Ito ang magiging una't huling pagkakataong magagawa niya yun.
"Vlad. Bakit ganito?"
"Tandaan mo palagi Cornelia mahal na mahal kita. Mawala man ako lagi pa rin akong nasa tabi mo." pagkasabi noon ay pumikit na lamang si Vladimar at hinayaan si Nigel na makapasok sa katawan nito. Dahil nakayuko si Cornelia nung mga sandaling iyon ay nagulat na lamang siya na ang niyayakap niya ay si Nigel na. Napaatras siya ng masilayan ang mukha nito, tuluyan ng nawala si Vladimar. Bigla namang nawala ang anino at nakakilos na sina Cyrus ulit at nagmadaling tinungo ang veranda. Sa eksenang nakita nila ay alam nilang wala na si Vladimar. Si Cornelia ay nakaupo sa sulok na umiiyak na tulala habang ang lalaking nasa harapan nito ay nakatalikod.
"Cornelia! Vlad—-" natigilan sila ng humarap si Nigel at lahat sila ay nalungkot sa nangyari. Kahit papano ay naging kaibigan nila si Vladimar sa mga panahong nakakasama nila ito. Niyakap ni Cyrus ang kakambal na hindi naririnig ang bawat tawag nila sa pangalan nito. Masyado itong nasaktan at nabigla sa nangyari. Kinarga ni Cyrus si Cornelia papunta sa kwarto niya at inawitan naman ito ni Ciara para makatulog at makapagpahinga ang katawan nito. Si Chayanne ay sekretong nagtungo sa silid niya at doon umiyak ang hindi niya alam ay sinundan siya ni Carlisle at tahimik na nakatayo sa labas ng kwarto niya. Ang iba ay tumambay sa garden at iniisip ang nangyare ang iba naman ay tahimik na nakikiramdam sa mga kasamahan nila. Naiwan sina Nigel at Carlie sa veranda, kahit na natutuwa ang puso nilang makita muli ang isa't isa ay hindi nila magawang ngumiti.
"Na miss kita." mahinang saad ni Carlie.
"Na miss kita ng husto." at niyakap ni Nigel si Carlie na umiyak na rin.
Tila nakiki-ayon ang gabing iyon at naglabas ito ng malamig na hangin. Kahit sa pagtulog ni Cornelia ay patuloy pa rin ang pag-agos ng luha nito. Mas lalo pang naging malungkot ang kapaligiran sa awiting inaawit ni Ciara na pumuno sa katahimikan ng paligid. Bumaba na sina Carlie at Nigel ng makasalubong nila ang nagising na batang babae na papunta sana sa kusina para uminom ng tubig. Nakita sila nito at tinawag.
"Ate Carlie, Kuyaaaaa !" agad tumakbo ang bata at niyakap si Nigel. "Kuya Nigel pagtimpla mo ako ng gatas nagtaka nga ako kung bakit hindi mo ko pinagdalhan sa kwarto namin. Asan po si Ate Cornelia di ba maglalaro pa tayo." nakangiti ang bata.
"O-oo s-sige." sumunod na lamang si Nigel at doon na nakita ni Carlie ang ibig sabihin ng anino sa pagnakaw ng existence ng isang tao. Ang laging ginagawa ni Vladimar napakikipaglaro sa mga bata at pag-aalaga sa kanila ay matatandaan nila pero hindi na bilang si Vladimar kundi bilang si Nigel na ngayon. Nakaramdam ng uneasiness si Carlie sa sitwasyong kinalalagyan nila.
Kahit na wala na si Vladimar ay mananatili itong buhay sa ala-ala ni Cornelia. Kahit na si Nigel ang nakikita ng mga taong nasa dimensyon ay ang mga nagagawa pa rin ni Vladimar sa kanila ang nakatatak sa mga isipan nito kaya naipangako ni Nigel sa sarili na itutuloy ang pagmamahal sa mga bata at pag-aalaga sa kanila pwera nalang ang pagmamahal na dapat ipinapakita ni Vladimar kay Cornelia.