webnovel

My Innocent Maid XXXVI

Marco

Kakauwi lang namin ngayon sa mansiyon at pa-pasok na kami sa loob. Nagulat ako sa nadatnan ko. Bihira lang kasi silang nandito sa bahay kaya alam ko na may kailangan silang pag-usapan at kasama ako doon.

"Magandang gabi, Senyora at Senyorito." bati ni Katherina sa kanila. Ngumiti naman si Dad at Mom sa kanya bago nagsalita si Mom.

"Magandang gabi din sa 'yo, Katherina. Kamusta ang pagbisita niyo sa pamilya mo?" nakangiting tanong nito kay Katherina.

"Masaya po, Senyora, sobra." masayang sagot nito at napatingin sa akin nang may ngiti sa kanyang mga labi.

"Maganda naman kung ganoon. Pasok ka na para makapag-pahinga ka na. Maaga pa ang pasok mo bukas." tumango naman si Katherina sa sinabi ni Mom.

"Sige po, papasok na po ako para makapagpahinga. Magandang gabi ulit sa inyo." paalam nito. Kinuha niya ang bag niya sa kamay ko pero hindi ko ito binitawan bagkus ay inihatid ko siya hanggang sa kanyang kuwarto. Pero hindi pa kami nakakalagpas kina Mom nang magsalita si Dad.

"We need to talk, Son. We have an important things to discuss. We'll wait for you at your Mom's office." sabi nito sa akin at tumayo na sa kinauupuan niya kasabay ni Mom.

"Okay Dad. Ihahatid ko lang po siya sa kuwarto niya then I'll be there." sabi ko sa kanila. Nakita ko namang naglakad na sila papuntang hagdan kaya inihatid ko na si Katherina sa kanyang kuwarto.

Pagkapasok niya sa loob ay inilapag ko sa baba ng kama niya ang bag nito. Marahan ko siyang hinila palapit sa akin bago ko siya hinalikan sa noo at nagpaalam.

"Goodnight, Mahal ko. Matulog ka na at maaga ka pa bukas." nakangiti kong sabi dito at marahang kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Salamat sa 'yo at goodnight din, Senyorito." nakangiti ito nang sabihin niya 'yan sa akin. Nagulat naman ako nang bigla nalang itong tumingkayad at halikan ako sa aking pisngi. Ito ang una niyang paghalik sa akin kaya napangiti ako nang malapad bago ko ulit ito niyakap. Kung hindi lang siguro kami mag-uusap nina Dad ay baka magtagal pa ako dito sa kuwarto niya.

"Sige na, Mahal ko. Kailangan ko nang umalis. Naghihintay na sina Dad sa akin. Sleep well, Mahal ko." paalam ko at kumalas na sa yakap namin. Ngumiti muna ako dito bago ko binuksan ang pinto at lumabas na. D

Pagkalabas ako ay hindi na mawala ang ngiti sa aking labi papunta sa office ni Mom.

Pagdating ko sa opisina ni Mom ay seryosong nakaupo si Dad sa sofa samantalang si Mom ay nakaupo sa swivel chair niya habang matamang nakatingin sa akin. Parang kinabahan ako sa uri nang tingin ni Mom sa akin. Mas lalo naman akong kinabahan nang makaupo ako at wala pa ring umiimik sa kanila. Malungkot lang na nakatingin si Mom sa akin habang si Dad naman ay nakayuko. Hindi ako nakatiis kaya nagsalita na ako.

"Is there any problem you want to tell me?" kunot noong tanong ko sa kanika at palilat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Narinig ko namang napabuntong hininga muna si Mom bago nagsalita.

"We love you, Son, you know that. But we need to grant this wish from your father's best of friends. Matagal na nila itong pinag usapan and na-open lang ito nang magpunta sa New York ang Dad mo at nagkita sila doon." pahayag ni Mom at nakatingin ito nang diretso sa akin. Makikita mo sa mga mata niya na nag-aalangan itong sabihin sa akin ang gusto niyang sabihin kaya nagsalita na ako.

"Spill it, Mom." hindi ko pinaramdam sa kanila ang umuusbong na inis sa loob ko dahil sa pagputol nito sa dapat niyang sabihin.

"Just understand us, Marco. We know, you won't agree to this but we hope that you will listen to us." she sighed heavily then spoke again. "Your Dad made a promise to his bestfriend that when time comes. You and his daughter..." putol ulit nito at humihingi na nang tulong kay Dad para masabi ang gusto nitong sabihin. Hindi ako umimik at hinintay lang silang magpatuloy.

"I didn't know he'll be serious about it, Son. I'm sorry..." pigil hininga kong hinintay ang sasabihin niya dahil sa kabang bumabalot sa loob-loob ko. I have this strange fweling na para bang hindi ko talaga magugustuhan ang ibabalita nila. But I have to wait para makasigurado ako na masamang balita nga ito. Pero sa hitsura nilang 'yan, I'm very much sure na masamang balita nga ito. Napanganga ako sa sumunod niyang sinabi at parang tumigil ang mundo ko.

"...you will be marrying his daughter in three months time, Marco. You're engagement party will be held next month." napatayo agad ako sa narinig ko.

"Are you freaking kidding me, Dad? I'm not in the mood for those kind of jokes Dad. You know that." babala ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinasabi nito. Pinipigil ko ang galit ko dahil sa kabila nang lahat ay mga magulang ko pa din sila.

"I'm sorry, Marco, but your Dad did promise that. Sa ayaw at sa gusto mo ay mangyayari ang kasalan." malungkot na sabi ni Mom sa akin at humihingi nang pang-unawa sa akin na hindi ko alam kung maibibigay ko sa kanya 'yon. Tumingin ako sa kanila.nang matiim at humihingi nang tulong kay Mom kahit alam ko na imposible nang magbago isip nila.  Nang umiling ito ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa bigat nang dinadala ko. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nila sa akin ngayon. Hindi ko na napigilang mapasigaw sa kanila dahil sa frustrasyong nararamdaman ko. Nababagabag ako dahik ang unang pumasok sa isipan ko ay si Katherina.

"You decided for my happiness! Hindi niyo man lang inisip ang mararamdaman ko! How could you!" galit na sigaw ko kay Dad at galit din akong napatingin kay Mom.

"I thought you love me?" malungkot akong napatingin dito at umiling. "Is that promise more important than my happiness, Mom, Dad?" mahinahon kong tanong sa kanila dahil nahahapo na ako sa kakaisip kong ano ang dahilan nila kung bakit nila ito ginagawa sa akin. Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata nila kaya hindi ko mapigilang mapayuko at pasalampak na naupo sa sofa kaharap ni Dad.

"We're very sorry, Son. Sana naman maintindihan mo kami. It's for your own good na din itong mangyayari." halos magbaga ang tingin ko kay Dad nang marinig ko ang sinabi niya.

"What the! Don't tell me that! Because we both know that it's only for your own good and that fucking company! Am I right, Dad!" sigaw ko sa kanila at hindi nagpatinag sa galit na ding tingin ni Dad nang sigawan ko ito.

"Don't use that tone on me, Marco! You don't know anything! Para sa ikabubuti mo ang desisyon na ito! Becoming the CEO of our company means a lot of responaibility at kailangan mo nang magaling ding katuwang. You need Beatrice to handle the company." Hindi ako nakinig sa paliwanag niya.

"That's bullshit! I don't know anything? Then, tell me what's going on! I don't nees that Beatrice or whoevwr that is!" sigaw ko na agad na ikinasuntok ni Dad sa akin.

"Theo!" pigil na sigaw ni Mom kay Dad nang akma niya ulit akong susugurin kahit nakaupo na ako sa sahig dahil sa suntok nito. "That's enough. Give your Son a break. Hindi mo siya masisisi kung magalit siya sa atin. Kahit ako, Theo, galit na galit dahil diyan pero wala akong magawa." pahayag nito kay Dad at pinaupo ito sa sofa. Nang tumingin si Mom sa akin ay hindi pa din nawala ang galit na nararamdaman ko. Pinunasan ko ang dugong umagos sa gilid nang labi ko at  lalabas na sana nang marinig ko si Mom na magsalita.

"We are sorry, Son, but we don't have any choices. Kailangan mo siyang pakasalan or else your Dad will be on jail. Nakapirma si Dad sa kasunduan nilang iyon at wala na tayong magagawa. Unless you want your Dad to rot in that steel bars." sa sinabi ni Mom ay hindi ko mapigilang mapatingin dito pero hindi ko pa din inalis ang galit sa mukha ko.

"But Mom, how can I? Alam niyo kung gaano ko kamahal si Katherina. I maybe selfish Mom, but you know that she's my life now. Ayaw ko siyang saktan at alam niyo 'yan. Please Mom." humarap ako dito at nagmamakaawang nakatingin dito.

"We have no choice, Son. Please do understand us. Naiipit din kami, Marco. We need your cooperation. Gawin mo ito para sa pamilya natin. I don't want your Dad to suffer in that bars." malungkot ito at gustong lumapit sa akin pero pinigilan ko ito.

"Don't, Mom. Please..." I suddenly paused and look at Dad. "Why Dad? Why it has to be like this? Bakit kailangan niyo akong ipakasal sa taong ni hindi ko kilala? May mahal na akong iba, Dad. Why can't you just accept it and burn that documents." mahina kong tanong dito na ikinayuko niya.

"It's all my fault, Son. Lasing ako noon and I don't know what I signed. Akala ko noong una ay katuwaan lang, not until last week. Nang magkita kami sa New York ay ini-open niya sa akin iyon at gusto niyang matuloy iyon in three months time. I have no choice, Son." putol nito sa sasabihin niya at malungkot na tumitig sa aking mga  mata bago nagpatuloy. "Hindi ako pumayag sa sinabi niya pero he blackmailed me. Ipapakulong niya ako pag hindi ko tinupad ang kasunduang 'yon. The papers I signed are legal at pag hindi ko tinupad ay talagang makukulong ako, Marco. Understand us..." pagpapaliwanag nito.

Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil sa nararamdaman ko. Naghahati na ang kagustuhan kong salungatin ang desisyon nila pero ayoko namang makita ang Dad ko na nakakulong. Mas lalo namang ayokong makita si Mom na nalulungkot at umiiyak nang dahil sa hindi ko pagpayag sa nag-iisang soluayon na mayroon sila.

Napatingin ako kay Dad nang magsalita ulit ito.

"Sorry, Son. Kahit ano na ang maging desisyon mo ay tatanggapin na namin. Ayaw ka naming maipit sa sitwasyong ako ang may dahilan. I'm sorry, Son. Forgive me." hingi nito nang tawad sa akin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit bigla nalang ako nagsalita. Dahil na rin siguro ayaw kong nakikita o naririnig na nagmamakaawa sa akin ang mga magulang ko.

"Give me time to prepare myself, Dad. Hayaan niyong ako na ang magsabi kay Katherina. Malapit na ang exam niya at ayokong malaman niya ito. Pagkatapos nang exam niya ay ako mismo ang magsasabi dito. Just give me time and pleade do me a big favor..." putol ko at napabuntong-hininga.

"...please, don't let anyone know about this." sabi ko at tumalikod na paalis. Hindi ko na sila hinintay pang magsalita. Nasakop na nang isip ko kung paano ko ito sasabihin kay Katherina. Kakapangako ko lang na hindi ko siya sasaktan tapos ngayon? Napasabunot ako sa sarili ko at naglakad palabas nang bahay. I need to get away bago pa  mabaliw sa kaiisip.

Mahal ko si Katherina at mahal ko din ang pamilya ko. Ayoko namang makita si Dad na makulong habang masaya ako sa piling niya. Hindi pa nga nag-uumpisa ang pagmamahalan naming dalawa ay agad na itong natatapos sa ganito.

"Sacrifising the woman you love for the sake of your family will give me this unbearable pain. But what can I do?" nanghihinang tanong ko at pumasok na sa loob ng aking sasakyan at napayuko sa manibela.

Hindi ko na namamalayang umiiyak na pala ako sa kakaisip dahil hindi ko kayang makitang masaktan ang taong pinakamamahal ko. Pero wala akong magawa. Kailangan kong mamili sa kanya laban sa magulang ko. Mahal ko siya. No questioned ask pero mahal ko din ang pamilya ko at ayokong magdusa si Dad nang dahil sa nagawa niyang kamalian.

"Masakit man ay kailangan ko itong gawin. Patawad, Mahal ko." umiiyak kong sambit bago ko pinaandar ang sasakyan ko at umalis na nang mansiyon.

Próximo capítulo