webnovel

Paghihintay

Nung bumaba na yung mga loko, naisipan ko na ring bumaba mula sa rooftop gamit ang Fire Exit papunta sa mall na katabi namin. Masasalubong mo yung sinehan na puno ng mga pamilya at mga couples na namamasyal, anupa't weekend at marami silang pera dahil sweldo.

Isa-isa kong tinignan yung mga poster at yung schedule sa ticket booth at lahat ng palabas, Hollywood. Sabihan mo na akong baduy pero di talaga ako mahilig sa foreign films di gaya ng nanay ko. Pero di ko rin naman gusto yung basura ng MMFF, so in short wala akong pinapanuod.

Medyo special sa akin yung sinehan kasi a few years back, nag-"date" kami nung isa kong straight friend este nilibre ko lang siya nun ng passes sa Hunger Games kasi blogging yung raket ko dati at madalas akong nakakakuha ng move tickets. Awkward lang kasi naka-sando, jacket at shorts lang siya kaya napagkamalan siyang callboy nung nilibre ko siya ng float sa McDo - a skinny, twink, innocent callboy to be exact. Pinagtinginan kami ng mga tao, but we had fun - kahit na di kami nakapag-explore at di ko siya nabigyan ng membership card.

Natawa ako with the memory bago ko naisip na bumaba papunta sa foodcourt. Pero kakakain ko pa lang, narealize ko. Ang sarap pa naman sana nung cheesy potato salad sa Taco Bell pero overpriced saka wala nang space sa tiyan ko mamaya kapag nilibre ko si Justine. Pero okay lang sana, considering 30 minutes na akong naghihintay at wala pa rin siya.

"Saan ka na?" Text ko. Pero di siya nagreply. Natatakot ako kasi pa-low batt na ang cellphone ko at baka di ko na siya ma-contact mamaya. Wala pa naman akong charger tapos dala-dala pa ako ng powerbank. Isang malaking tanga.

Sa isang sulok, may nagbebenta ng cable TV. "Beh, subscribe ka na samin..." Bati sa akin nung middle-aged na babae na mukhang malakas ang radar. Halata niya sigurong sa call center ako at siyempre pag call center, ang impression eh marami kaming pera. Which is somehow true.

"Mahal, eh." Dahilan ko. "Saka mas comfortable ako kapag postpaid."

"Kung may phone bill po kayo makakapag-sign up na po kayo. No downpayment!"

"Pwede sana eh, kung di lang sana bi-nan ng telcong may-ari ng cable niyo kaming mga taga-call center sa postpaid plans." Banat ko in a rather miserable tone. Napahiya si ate at nawalan siya ng potential customer na pagkukunan niya ng incentive.

I felt great after that pagmamaldita, habang tinatangay ako ng paa ko papunta sa bookstore. Ang laki ng branch ng National sa mall na iyon - isang floor nga nila puno ng pocketbooks at Wattpad stuff. Eh since jeje nga ako by heart, nagtingin-tingin ako agad ng mga bago. Baka may Red String of Fate na sila, kaso wala pa pala. Nakabalot naman sa plastic yung mga libro kaya di ko rin naman mabasa, so I just left the store empty-handed.

And come to think of it, lahat naman nung istorya, happy ending. Lahat babae't lalaki bida. Kahit bakla o tomboy bida, nagiging straight at kinakasal sa harap ng pari. It's as if we don't exist, as if we don't deserve or experience happy endings.

Bumalik ako sa mall, nagbabaka-sakaling nandoon na si Justine. Pero sa text niya sa akin, pasakay pa lang siya ng LRT. Sa haba ng pila sa Recto, anong oras kaya siya makakarating?

Pagbalik ko sa sinehan, napansin kong may internet cafe sa gilid - halos walang tao kasi may WiFi na sa mundo, saka P35/per hour? Dahil sa bored ako napilitan na rin akong mag-rent, at in fairness mabilis naman yung internet.

Sa isa sa mga PCs may chinito guy (na mid-20s ata) na nagbro-browse ng viral videos at 9Gag stuff. Baka hinihintay ka-Aura niya or anything, judgment ko. Fit pa naman yung long sleeves niya at laid back ang hair, which makes him pleasing to the eyes.

And kahit mukha akong nerd na nasagasaan ng pison, he seems to be interested in me, I dunno. Kung di lang sana ako may appointment papatol na ako dito - but no, I just realized the reason why I already stopped those kinds of escapades.

"Saan ka na?!" Text ko ulit sa kanya. He must know how impatient I can be, lalo na't 3% na lang battery ng phone ko. Kung yung iPhone lang sana dinala ko baka makita ko yung Grindr account ni Kuya dito sa cafe.

Busy rin naman siya talking to someone over the phone - like he and a group of friends were a victims of robbery nung nasa Bora sila and he's following up the case with the police, I reckon. Sakto namang nag-text si Justine sa akin na nasa loob na siya kaya napa-out na rin ako kahit di ko pa tapos yung pinapanuod kong movie.

Sa baba ng escalator naghihintay siya - sa isang tingin, wala namang nagbago. Di mo mahahalatang may iniinda siya.

"Sorry po, boss." Biro niya sa akin, sabay labas ng malaki niyang ngipin dahil sa pagtawa. "Saan na tayo ngayon?"

"Sa KFC na lang sa Shopwise." Aya ko. "Baka makita pa ako ng office-mates ko eh."

Hanggang ngayon, kahit na di na kami, di pa rin ako makakuha ng tapang na ipakilala siya sa mundo.

Próximo capítulo