Chapter 1077: Kasal ni Xiaowei(18)
"Sa tingin mo ba ay okay lang iyon?" Sa tingin ni Zhu Lingling ay hindi ito mabuting idea.
"Wala namang ibang pwede bukod kay Huo Mian. Ang alam ko, kayo lang ni Huo Mian ang kaibigan ni Jiang Xiaowei. At kayong dalawa lang ang pamilyar sa ceremony. Kung stranger ang maging maid of honor ni Xiaowei, baka magkamali siya." Kalmadong pagsusuri ni Gao Ran.
"Pero si Su Yu ang best man… kaya naman ako ang kinuhang maid of honor ni Xiaowei dahil doon. Gusto nilang umiwas sa tsismis." Paalala ni Zhu Lingling.
"Alam kong nag-aalala si Huo Mian na baka magalit si Qin Chu pero okay lang iyon. Pwede natin kausapin si Qin Chu tungkol dito. Tingnan mo ang sarili mo, sa lagay mo ngayon hindi ka na talaga pwedeng maging maid of honor at hindi natin pwedeng sirain ang kasal."
Nang marinig niya ang sinabi ni Gao Ran, naisip ni Zhu Lingling na may punto siya kaya wala siyang magawa kung hindi tumango at pumayag.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com