Nangingilid din ang mga luha ni Jing Zhixin at halos tutulo na…
Hindi siya yung tipong naiyak pero, hindi na niya kayang pigilan ito dahil ang mga salita ng ate niya ay sobrang nakakaantig ng puso.
Kahit si Qin Chu ay naantig sa sinabi ni Huo Mian. Alam niya kasi ang tungkol sa totoong pinagmulan ni Huo Mian at alam ni Huo Mian na si Yang Meirong ay hindi niya tunay na ina.
Pero, minahal pa rin nito ang nanay niya at kahit na gaano pa ka-arogante o kalamado si Huo Mian sa labas, siya pa rin ay isang tao.
Lalo na sa loob, siya ay mabait, katulad ng ibang babae sa mundo.
Alam niyang kung paano tumanaw ng utang na loob, at alam niya rin na ang pagpapalaki ng bata ay mas mahirap kaysa sa kahit na ano. Kahit na hindi siya konektado sa dugo sa kanyang nanay, kailanman ay hindi niya matutumbasan ang pagpapalaki ng nanay niya sa kanya.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com