webnovel

Kapaguran

Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 41: Kapaguran

Naging maayos nga ba siya sa mga nagdaang seven years? Hay, pati siya gusto niya tanungin ang sarili gamit ang kaparehas na tanong.

Ang pagtatago sa mga kakayahan niya at pamumuhay bilang isang ordinaryo lang sa lahat ng bagay, pwede na ba yun matawag na 'maayos'?

Pagkatapos ng saglit na katahimikan, marahang sumagot si Huo Mian, "Hindi na masama."

Nakarating na sila sa harap ng apartment building ni Huo Mian. Pagkatigil ng sasakyan, biglang binuksan ni Huo Mian ang pinto at lumabas na parang hinahabol siya ng mga hounds ng hell.

"Salamat sa paghatid sakin. Bye."

Mabilis na nagpaalam si Huo Mian at umakyat na pataas.

Takot siyang may iba pang sabihin si Qin Chu sa kanya, at mabalik ang mga alaala niya na kinalimutan na niya sa nakalipas na seven years.

Habang nakatingin sa paalis na si Huo Mian, makikita ang sigla sa mga mata ni Qin Chu.

Kahit napapansin niyang lumalayo ito sa kanya, magkaroon lang ng pagkakataon na ma-drive at panuorin siya umuwi ay sapat na para mapasaya siya.

Nakita niyang nagbukas na ang ilaw sa taas, naglabas si Qin Chu ng isang pack ng sigarilyo at sinindihan ang isa habang nakasandal sa kanyang sasakyan.

Nabuhay siya ng seven years na wala siya, kaya ang mga paghihirap niya ngayon ay wala lang kung ikukumpara sa dati.

Siya ay sa kanya. Napagdesisyunan na niya ito habangbuhay. Hindi na mahalaga kung sumang-ayon siya.

Pagka-akyat, naligo agad si Huo Mian at naghanda na matulog. Hindi niya alam kung bakit pero naglakad siya papunta sa bintana at sumilip sa dulo nito.

Tama nga hula niya, naka-park pa rin ang sasakyan niya sa parehas na lugar. Nakasandal si Qin Chu dito, hindi nagalaw.

Napansin niya na parang may nakatayo sa may bintana kaya tumingala si Qin Chu, natuwa at nagulat ito.

Mabilis na sinara ni Huo Mian ang kurtina dahil nagsimulang tumibok ulit nang malakas ang puso niya.

Sobrang tense niya, pakiramdam niya may nabulgar siyang sikreto niya.

Bakit ito nangyayari? Hindi ba tapos na ang lahat? Bakit kapag nakikita ko siya at tumitingin ako sa kanya, kinakabahan pa rin ako.

Habang nakahiga sa kama, hindi mapakali at makatulog si Huo Mian.

Napag-isipan na niya maigi kung anong nangyayari sa kanila ni Ning Zhiyuan, at nakita niya ang sitwasyon nang kalmado. Kaya hindi sila natuloy magpakasal ay dahil hindi talaga ito meant to be. Ginawa na niya ang lahat ng pwede niyang gawin para ayusin ang problema.

Wala rin siyang kahit anong utang dito.

Pero, pag pinapatuloy ni Qin Chu ang pagpasok sa buhay lagi, anong gagawin niya?

Habang nag-iisip, nagpost siya sa WeChat friend circle niya.

"Sa bawat buhay ng tao, may makikilala sila na hindi nila pwedeng makasama. Lagi nating hahanapin itong labis at matinding pagmamahal. Naniniwala tayo na itong masakit na paghihiwalay sa huli ay ang ating pinaka-pagsisisihan habangbuhay. Habang lumilipas ang oras at nagbabago ang mga senaryo, maaalala natin itong mga katawa-tawang pangyayari. Mapagtatanto mo na dapat magpasalamat ka sa mga desisyong ginawa mo dati. Dahil dito, sa wakas naiintindihan mo na, yung hindi mo nakatuluyan dati, sa katunayan, ay maling tao para sayo."

Pagkatapos ma-post ito ni Huo Mian, tumayo siya at pumunta sa CR.

Pagkabalik niya, nakatanggap siya ng madaming comments.

Medyo marami ang naglike sa post niya, halos lahat nito ay galing sa co-workers niya na night shift ngayon sa ospital.

Ang sinulat ng batang nurse, si Huang Yue, "Huwag ka na malungkot, Ate Mian. Marami ka pang mararanasan sa buhay. Good luck."

Sumagot si Huo Mian sa ibaba, "Salamat little, sis."

Parang mag-ate ang trato nila sa isa't isa dahil katulad ni Huo Mian, graduate din si Huang Yue galing sa C City Medical School's Advanced Nursing Program.

Ang kanyang bestfriend, si Zhu Lingling ay nagcomment, "Girl, unang beses ito na hindi ka night shift. Matulog ka nang maaga. Huwag ka na masyadong mag-isip. Panibagong araw ulit bukas."

Nagsulat pabalik si Huo Mian, "Girl, minsan gusto ko talaga pumunta sa bagong lugar kung saan walang nakakakilala sakin at magsimula muli."

Mabilis na tumugon si Zhu Lingling, "Hindi mo pwede gawin yan. Huwag mo ko iwan. Ikaw ang best friend ko."

Pagkatapos niya mabasa ito, sumagot lang si Huo Mian ng smiley face at wala nang ibang sinabi.

Nagcomment din si Wei Dong, "Sa pamamagitan ng pag-iwan sa maling tao maaari mo nang makilala ang tama para sayo. Huwag mo sukuan ang buong gubat dahil lang sa isang punong nakatagilid."

Katulad sa nauna, sumagot lang si Huo Mian ng smiley face bilang respeto.

Ang katotohan, minsan, pakiramdam niya pagod na siya at gusto magsimula sa ibang lugar. Ngunit, imposible ito, dahil kailangan niya alagaan ang kanyang ina at kapatid. Hangga't hindi pa nakakapagtrabaho ang kapatid niya, hindi niya sila maiiwan.

Hindi kailangan magtrabaho ni Huo Mian sa susunod na araw, kaya natulog lang siya. Napatayo lang ito nung marinig niya ang doorbell.

Nakita niya si Ning Zhiyuan, medyo inaantok pa si Huo Mian. "Andito ka ba para kunin yung gamit mo, tama ba?" inaantok niyang pagkasabi. "Na-pack ko na lahat para sayo."

"Mian, andito ako para makita ka," seryosong sabi ni Ning Zhiyuan habang nakatingin kay Huo Mian.

Próximo capítulo