webnovel

Pagpapatuloy (22)

Editor: LiberReverieGroup

Biglang nanginig ang kamay ni Xu Jiamu, at gulong gulong tinignan ang

papel...

Xiangsi, Xiangsi.

Song Xiangsi.

Hindi niya maintindihan kung anong nangyari… ang alam niya, 'Yang Sisi' ang

sinusulat niya kanina, pero bakit ngayon, puro 'Song Xiangsi' ang nakikita

niya….

Habang tinitignan ang papel, nangingig ang kanyang mga daliri.

Samantalang si Yang Sisi naman, na nakaupo sa tabi ni Xu Jiamu, ay nanlilisik

ang mga mata habang nakatitig dito, at pagkalipas ng limang minuto, bigla

niyang inilabas ang kanyang phone at nagsearch sa Wikipedia.

Tama ang kutob niya… May 13… Birthday ni Song Xiangsi ang ginamit ni Xu

Jiamu na passcode sa pintuan ng mansyon nito…

Sa totoo lang, hindi alam ni Yang Sisi kung paano niya ipoproseso ang

nalaman niya… Gusto niyang isiping nagkataon ang lahat, kaya dahan-dahan

siyang yumuko dahil hindi niya kayang tignan si Xu Jiamu, pero nang makita

niya ang phone nito na nakalapag sa lamesa, bigla niya itong kinuha ng walang

paalam, at walang pagdadalawang isip na tinype ang "0513". At kagaya ng

inaasahan…. Bumukas ito…

Pagkatapos, para siyang baliw na tumakbo papunta sa laptop at desktop ni Xu

Jiamu para subukan ulit ang passcode… Pero kagaya ng phone nito…

Parehong nagbukas…

Malinaw na ang lahat…

Kaya pala pakiramdam niya laging may kakaiba sa tuwing magkausap sila…

Wala siyang masabing anuman sa pagkatao ni Xu Jiamu… Kahit bali-baliktarin

ang mundo,aminado siyang naging sobrang bait at pasensyo nito sakanya,

kaya nga akala niya gusto rin siya nito kahit na hindi sila naghoholding hands,

nagkikiss o nagsesex…

Sa totoo lang, naisip niya na rin naman noon na baka may iba na 'tong mahal,

na hindi naman imposible sa sobrang laki ng mundong ginagalawan nito, pero

dahil sa mga pinapakita nito sakanyang kabutihan, pinili niyang magbulag-

bulagan at isiping baka sobrang conservative lang nito at kailangan niya lang

maghintay…

At ngayon niya lang napagtanto na hindi pala ito tungkol kay Xu Jiamu, kundi

sakanya- dahil kahit anong gawin niya at kahit gaano siya katagal maghintay,

walang mangyayaring 'sila' dahil hindi talaga siya ang taong gusto nito…

Dahan-dahang tinignan ni Yang Sisi si Xu Jiamu, ito pa rin ang itsura ng taong

nakadate niya ng isang buwan, pero bakit ganun? Pakiramdam niya, ibang iba

ito sa Xu Jiamu na nakilala niya…

Huminga siya ng malalim at kahit natatakot siyang marinig ang katotohanan,

lakas loob siyang nagtanong, "Jiamu, may nagugustuhan ka ng iba, tama?"

Mula kanina, nakatulala lang si Xu Jiamu sa papel, pero nang marinig niya ang

tanong ni Yang Sisi, dahan-dahan niyang inilapag ang ball pen at tinignan ito

ng diretso sa mga mata. "I'm sorry."

Biglang naalala ni Yang Sisi ang mga nangyari noong gabing nagkita sila ni Xu

Jiamu… Tandang-tanda niya na hindi naman talaga ito interesado sakanya,

pero mula noong sinabi niya ang pangalan niya, bigla itong naging bait

sakanya at hinatid pa siya pauwi.

"Kaya mo ba ako hinatid at kinuha ang number ko noong gabing yun kasi Sisi

ang palayaw ko?"

Pagkatapos itong sabihin ni Yang Sisi, bigla siyang tumawa at tumingala, na

para bang pinipigilan niyang wag tumulo ang mga luha niya. "Ibig sabihin… sa

tuwing tinatawag mo akong Sisi, iba pala ang iniisip mo…. So, substitute lang

ako, tama?"

Próximo capítulo