Sumandal si Qiao Anhao sa likod ni Lu Jinnian habang inaalala ang isang
napaka pamilyar na eksena na nangyari noong nakaraang taon – Noong
gabing yun, dahil sa road construction, makapasok ang mga sasakyan sa
Mian Xiu Garden, kaya kinailangan nilang maglakad ng ilang metro. Pero
dahil katatapos lang ng ulan, natakot si Lu Jinnian na mabasa ang kanyang
mga paa, kaya kagaya ngayon, pinasan din siya nito.
Sa totoo lang, kahit ngayong magasawa na sila at mayroon na silang Little
Rice Cake, pakiramdam niya ay para pa rin siyang nasa isang napaka
gandang panaginip… Hinding hindi niya makalimutan ang bawat detalye ng
nangyari sakanila….Ang pagkikita nila, labintatlong taon na ang nakakaraan;
ang buhay nila bilang mga high school; ang pagiging long distance nila noong
college; ang ilang taong hindi nila paguusap pagkatapos ng graduation; ang
muli nilang pagkikita noong nakaraang taon; at sa wakas, ang kasal nila
ngayong taon….
Walang mapaglagyan ang saya niya lalo na ngayon na pwede niya ng
sabihing, 'sa wakas, nagkaroon na kami ng happy ending'.
Ngayong araw, nakalabas na siya sa ospital at nakapagcelebrate na sila ng
ika-one month ni Little Rice Cake, kasama ang buong pamilya at malalapit na
kaibigan…Totoong sobrang napagod siya ngayong araw dahil medyo matagal
din na limitado lang ang galaw niya. Pero, sa kabila nito, sigurado siya na
sobrang saya ng puso niya. Niyakap niya ang leeg ni Lu Jinnian, at habang
nilalabanan ang napakalamig na hangin, kwento lang siya ng kwento ng lahat
ng gusto niyang ikwento.
Inulit niya ang mga kwento na nangyari noong hindi pa nila alam na pareho
pa silang may gusto sa isa't-isa; ang mga gusto niyang mangyari sa future
nilang pamilya; ang mga gagawin nila kapag matanda na sila; at kung paano
siya mamatay sa harapan nito.
Sa kabuuhan, nakangiti lang siya habang nagkwekwento sa tenga ni Lu
Jinnian, "Lu Jinnian, paano kung balang araw may dumating na mas gwapo at
mas mayaman sayo na mas mamahalin ako…Hmm… Siyempre mas mahal
mo pa rin ako, pero yung para bang handa siyang mamatay sa akin. Tapos
kunwari, nainlove rin ako sakanya, anong gagawin mo?"
Noong abot tanaw na ang parking lot, biglang binagalan ni Lu Jinnian ang
lakad niya, na para bang gusto niya pang sulitin ang momento.
Kasabay ng malamig na hangin, lalo pang lumakas ang snow, kaya literal na
wala na silang makitang iba bukod sa puti.
Sa bawat hakbang ni Lu Jinnian, maririnig ang 'shhkk', na sobrang sarap sa
tenga. Medyo nalalaglag na si Qiao Anhao, kaya bago siya sumagot, inayos
niya muna ang pagkakapasan dito. ""Edi hahayaan ko siyang mamatay."
"Mmh?" Mahinanong tanong ni Qiao Anhao.
"Diba sabi mo, handa naman siyang mamatay para sayo? Edi bakit hindi
nalang natin siyang mamatay… Isa pa, nandito naman ako para mahalin ka,
kaya hindi niya na kailangang mabuhay."
Dahil sa napakapilyong sagot ng asawa, hindi napigilan ni Qiao Anhao na
matawa ng sobrang lakas. Lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap kay
Lu Jinnian, at habang pinagmamasdan ang kalsada, alam niyang sobrang
kampante at kuntento niya.
Noong malapot na sila sa sasakyan, muling nagsalita si Lu Jinnian, "Qiao
Qiao, alam mo ba? May wish ako, maliit lang, at apat na salita lang."
"Ano yun?" Muling sumandal si Qiao Anhao sa likod ni Lu Jinnian, para silipin
ang mukha nito. May anak na sila, at literal na araw-araw na silang
magkasama, pero bakit ba para sakanya, sobrang gwapo pa rin nito?
Huminto si Lu Jinnian sa tapat ng sasakyan nila at tinulungan si Qiao Anhao
na bumaba. Pagkatapos, tintigan niya ito ng diretso sa mga mata at nagsalita
ng sobrang hina.
Kung hindi nakaharap si Qiao Anhao, hindi niya maiisip na nagsalita ito, dahil
sa lakas ng hangin, halos hindi na talaga ito marinig.
Pero para kay Qiao Anhao sobrang linaw ng sinabi nito, kaya bigla siyang
napangiti ng abot-tenga at sumagot gamit ang dalawang salita.