webnovel

Ang Katapusan (20)

Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos ibaba ni Song Xiangsi ang kanyang phone, boglang nagtanong si

Xu Jiamu, "Sinong tumawag?"

Sa loob ng pitong taon na pagsasama nila, ito ang kauna-unahang

pagkakataon na nagtanong si Xu Jiamu tungkol sa personal niyang buhay

kaya sobrang nagulat siya sa pagiging interesado nito, pero syempre hindi

niya naman pwedeng sabihin na tumawag ang doktor para iudpdate siyang

ngayon ang schedule niya para magpa'abort, "Wala, galing sa isang

advertiser. Medyo napagod ako sa mga ginawa natin nitong mga nakaraang

araw kaya hanggat maari ayoko muna sanang tumanggap ng kahit anong

project."

"Oh."

"Tara, magumagahan na tayo," dali-daling sagot ni Song Xiangsi para mabago

ang usapan.

Hindi naman kinutuban si Xu Jiamu kaya tumungo lang siya at naglakad

papunta sa dining table. Gamit ang chopsticks, kumuha siya ng isang tinapay

at sinubo. Pagkatapos, tumingin siya kay Song Xiangsi at muling nagsalita,

"Kung napapagod ka na, tumigil ka na kasi sa pagtatrabaho mo. Diba ilang

beses mo ng sinabi sa akin na ayaw mo na?"

Tumingin si Song Xiangsi sa kanya at pabirong nagtanong, "Eh saan naman

ako kukuha ng pera? Bubuhayin mo ba ako?"

"Kaya ko," Walang pagdadalawang isip niyang sagot.

Hindi inaasahan ni Song Xiangsi ang magiging sagot ni Xu Jiamu, kaya halos

tatlong segundo rin siyang natigilan bago siya nakasagot, "Ayoko namang

maging inutil no."

Ngumiti lang si Xu Jiamu.

'Aba…hindi mo talaga itatanggi?' Tinignan ng masama ni Song Xiangsi si Xu

Jiamu at imbes na makipagtalo ay yumuko nalang siya ulit para magpatuloy sa

pagkain ng lugaw.

Samantalang si Xu Jiamu naman ay nakakatitig lang kay Song Xiangsi,

habang paulit-ulit sa isip niya ang pinagusapan nila ngayon lang.

Papakainin mo ba ako?

Kaya ko.

At habang iniisip niya ang mga ito, lalo siyang nagiging sigurado.

-

Tatlong araw pagkatapos ng kasal na nalaman nina Qioa Anhao at Lu Jinnian

na namatay na si Han Ruchu.

Noong araw na 'yun, kagaya ng nakasanayan, binisita muna nila si Qiao Anxia

ng umagang umaga, pagkatapos dumaan sila sa isang mall para bumili ng

mga gamit para sa baby.

Habang nagtitingin ng mga crib, may lumapit na isang sales attendant para

ipaliwanag ang description ng mga produkto at masigasig na nagtanong,

"Anong pong mas gusto ninyo, Mr at Mrs. Lu?"

Tinuro ni Lu Jinnian ang isang crib na gawa sa purong kahoy. "Ito."

Samantalang si Qiao Anhao naman ay pinili ang crib na mas kikay, "Ito."

Sabay na sabay silang sumagot.

Kaya pareho silang napatingin sa itinuturo ng bawat isa, at muling nagsalita

ng sabay, "Ito nalang!"

Pareho nilang gustong bilhin ang crib na gusto ng isa, kaya pagkatapos ng

pangatlong sagot na walang pinagkaiba sa naunang dalawa, hindi na natuwa

si Qiao Anhao. "Lu Jinnian, wag ka ngang isip bata. Ano bang gusto mo jan?"

'Aba nagsalita ang hindi isip bata…' Ramdam ni Lu Jinnian ang tensyon sa

boses ni Qiao Anhao kaya hindi niya na pinatagal pa at dali-dali siyang

tumingin sa tumingin sa sales attendant, "Bibilhin na namin yung dalawa."

Noong kukunin niya na ang kanyang card, biglang nagring ang kanyang phone

– galing ito sakanyang assistant kaya habang nagbabayad, pinakinggan niya

ang balita nito ngunit sa paglipas ng bawat segundo, pakunot din ng pakunot

ang kanyang noo.

Kaya noong nakita ni Qiao Anhao ang reaksyon ng mukha niya, maging ang

ito ay kinabahan din.

"Naintindihan ko." Pagkatapos niyang magsalita, pinutol niya ang tawag at

finill-upan ang delivery address. Hinawakan niya ang kamay ni Qiao Anhao

palabas ng baby shop, at noong silang dalawa nalang, tinignan niya ito ng

diretso sa mga mata at sersyosong sinabi, "Qiao Qiao, patay na si Han

Ruchu."

Patay?

Dahil sa balita, literal na napanganga si Qiao Anhao sa sobrang gulat at

nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Lu Jinnian.

Próximo capítulo