webnovel

Ang Katapusan (8)

Editor: LiberReverieGroup

Nagkasundo ang magpinsan na wag ng pagusapan ang mga malulungkot na

nangyari kaya sa tuwing bumibisita si Qiao Anhao, palagi lang silang

nagkwekwentuhan ng masasaya mga bagay, kagaya ng ginagawa nila dati. At

noong minsang may nakakita sakanilang isang nurse, palihim nitong pinuri si

Auntie Qiao sa sobrang ganda ng samahan nila.

Sa totoo lang, wala naman talagang sinuman ang pwedeng magsabi kung

tama o mali ang isang bagay.

Dahil sa mundong ito, walang tao na maituturing na sobrang bait o sobrang

sama at kadalasan, kaya lang naman nagagawa ng tao na magpatawad ay

dahil sa pagmamahal.

-

Sa sobrang bilis ng paglipas ng mga araw, hindi nila namalayan na dumating

na araw na pinakahihintay nina Qiao Anhao at Lu Jinnian.

Hanggat maari, gusto sana ni Qiao Anhao na iatras ang petsa ng kasal nila

hanggang sa makalabas si Qiao Anxia ng ospital, pero dalawang buwan na

siyang buntis sa kasalukuyan….Unti-unti ng lumalaki ang tyan niya, at kung

iaatras nila ang petsa, siguradong mas lalaki pa ito…Kung magkakaganoon,

siguradong hindi papayag ang Auntie at Uncle niya na isuot niya ang kanyang

wedding gown ng malaki ang tyan at baka pilitin siya ng mga ito na ituloy

nalang pagkatapos niyang manganak… Isa pa, nakapagpadala na sila ng mga

invitation kaya kung bigla nilang papalitan ang petsa, mas magiging abala pa

ito dahil kailangan nilang isa-isahing abisuhan ang mga bisita nila…

Kaya matapos ang matagal na pagdidiskusyon, napagdesisyunan nilang lahat

na ituloy nalang ang kasal sa orihinal na petsa.

Hindi pa rin kayang bumangon ni Qiao Anxia hanggang ngayon kaya hindi siya

pwedeng maging bridesmaid, pero kung siya lang ang masuusunod, gustong

gusto niya talagang dumalo sa kasal ng pinaka mamahal niyang pinsan. Hindi

naman talaga siya pinagbabawalang lumabas, pero dahil masyadong

nagaalala si Chen Yang, nakipagugnayan ito sa isang doktor na pwedeng

sumama sakanila sa kasal para masolusyunan kaagad kung sakanila mang

may mangyari.

-

May ilang pulis na nakabantay sa police station noong dumating si Xu Jiamu

kaya para makapasok, binola-bola niya muna ang mga ito at binigyan ng tig-

iisang sigarilyo para payagan siyang pumasok sa interrogation room.

Sa loob, sumalubong sakanya ang iisang lampara, na patay-sindi, na

nakabukas sa isang gilid at ang umaalingasaw na mapanghing amoy.

Ang taong nakaupo sa likod ng seldang bakal ay si Han Ruchu… Nang marinig

niya ang pagkaluskos ng pintuan, bahagya niyang iniangat ang kanyang ulo

para sumilip. Halos isang linggo palang noong huling beses silang magkita ni

Xu Jiamu, pero kumpara noong araw na 'yun, sobrang laki na ng itinanda niya

na lalo pang nahalata dahil pumuti na ang halos lahat ng hibla ng mga buhok

niya.

Sobrang sama ng pagkakatingin niya kay Xu Jiamu, na hindi nagtagal ay agad

niya ring ibinaling.

Kaya napayuko nalang ito at mahinahong sinabi sa katabi nitong pulis, "Pwede

bang iwanan mo muna kami ng sandali?"

Tumungo naman ang kausap nito at dahan-dahang isinarado ang pintuan.

Sobrang tahimik sa loob ng interrogation room. Pagkalipas ng ilang minuto,

dahan-dahan at punong-puno ng pagdadalawang isip na lumapit si Xu Jiamu

sa selda, at biglang lumuhod.

Pero nang marinig ito ni Han Ruchu, wala pa ring nagbago sa reaksyon niya,

at muli, tinignan niya lang ito ng masama.

"Ma, alam kong ayaw mo akong makita ngayon, pero nandito pa rin ako para

bisitahin ka."

"Baka hindi na pwedeng magkaanak si Xia Xia dahil sa sobrang lala ng

pagkakasaksak mo sakanya.

"Alam ko na inutusan mo si Aunt Yun na maghanap ng abogado, kaya

pinigilan ko siya. Pinuwi ko na siya sa probinsya niya. Si papa naman…nasa

ibang bansa siya ngayon at sabi niya, hindi raw siya pwedeng umuwi ng

basta-basta. Binenta ko na rin yung bahay natin, Ma. At base sa

pagkakaintindi ko sa kaso mo, siguro lalabas na ang magiging hatol sayo sa

makalawa."

Punong-puno ng emosyon at medyo nanginginig ang boses ni Xu Jiamu

habang nagsasalita. "Siguradong mahirap jan sa loob. Matanda ka na, at may

sakit ka pa kaya alagaan mong maigi ang sarili mo ah?"

"Pangako, dadalawin kita ng madalas…Kahit pa ayaw mo akong makita.

"Sana mapagnilayan mo na yung mga ginawa mo. At…at kung pagkalipas ng

labindalawang taon, makalabas ka rito na napagsisihan mo na ang lahat,

tatanggapin kita ulit, Mama."

Próximo capítulo