Pero sa puntong 'to, pakiramdam niya ay wala siyang oras kaya ang pride na
pinakaiingat-ingatan niya ay wala ng halaga ngayon.
Hindi na siya nagpapigil na tanungin ang mga tanong na matagal na niya ng
kinikimkim, "Lalaki o babae?"
"Hindi pa namin alam." Habang umiiling si Qiao Anhao, pumatak ang luha niya
sa buhok ni Qiao Anxia.
"Malusog ba ang baby?"
Tuloy-tuloy na tumungo si Qiao Anhao, at sa oras na ito, hindi niya na alam
kung sasabihin niya.
Ngumiti lang si Qiao Anxia, at pagkalipas ng ilang sandali, muli siyang
nagsalita, "Qiao Qiao, patawarin mo ako."
Humihingi siya ng tawad para sa nangyari limang taon na ang nakakalipas…
Maraming beses na bigla nalang siyang nagigising sa kalagitnaan ng gabi dahil
sa masamang panaginip, pero kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng sapat na
lakas ng loob na umamin.
Gustong gusto niyang humingi ng tawad, pero sa tuwing gagawin niya na ito ay
para siyang na'pipe. Pero ngayon… na nasa harapan niya si Qiao Anhao…
gusto niyang sabihin ang lahat bago siya mamatay…
"Kung hindi dahil sa akin, baka matagal ng kayo ni Lu Jinnian…" Habang
tumatagal, ramdam na ramdam na pahina na rin ng pahina si Qiao Anxia.
Sa oras na 'to, wala ng pakielam si Qiao Anhao sa mga nangyari noong
nakaraan at ang gusto niya lang mangyari ay maligtas ang pinsan niya kaya
dali-dali siyang umiling para patigilin ito. "Tama na, hindi kita sinisisi.
Nagmamakaawa ako, tama na. Parating na ang ambulansya…"
Pero hindi pa man din siya natatapos magsalita ay biglang umubo si Qiao Anxia
at muli nanamang umagos ang dugo mula sa sugat nito, kaya dali-dali itong
tinakpan ni Chen Yang para hindi ito maubusan ng dugo.
Huminga ng malalim si Qiao Anxia, at habang naghihingalo, dahan-dahan
niyang minulat ang kanyang mga mata at hirap na hirap na nagpatuloy, "Qiao
Qiao, makinig ka sa akin, wala kanga lam. Noong nakiCR ako sa kwarto mo,
narinig ko na naguusap kayo ni Xu Jiamu kya nirecord ko yun at pinarinig kay
Han Ruchu…"
Malinaw kay Qiao Anxia na bilang nalang ang oras niya kaya para masabi niya
ang lahat ng kailangan niyang sabihin, hindi na siya nagpaligoy-ligoy sa
pagkwekwento.
"Qiao Qiao, hindi ko naman intensyon na saktan ko. Ayoko lang talagang
magpakasal kay Xu Jiamu. Noong mga panahong yun, pinipilit ako nina mama
na pakasalan siya…" Habang patagal ng patagal, halos bumulong nalang si
Qiao Anxia. "Hindi ko naman alam na may gusto ka pala kay Lu Jinnian, kasi
kung alam ko lang, hindi ko yun gagawin. Akala ko, nainlove ka na rink ay Xu
Jiamu noong nagpakasal kayo kaya nilapitan ko si Lu Jinnian para sabihing
layuan ka na…"
"Qiao Qiao, patawarin mo ako. Patawarin mo ako… Hindi ko naman alam na
dahil sa kasakiman ko, pati buhay mo muntik ng mawala."
Muling huminga ng malalim si Qiao Anxia at humawak ng mahigpit sa kamay ni
Qiao Anhao bago siya magpatuloy, "Akala ko mahal ko talaga siya, pero
ngayon ko lang napagtanto na hindi pala talaga pagmamahal yung
naramdaman ko. Siguro hindi ko lang natanggap na binasted niya ako at dahil
sobrang taas ng tingin ko sa sa sarili ko, nagalit ako sakanya…
"Hindi ako masaya noong hindi kita pinapansin, pero yun lang kasi yung paraan
ko para makaiwas kasi hindi ko talaga kayang humarap sayo. Ilang beses kong
sinubukang magsorry sayo, pero natatakot ako… Natatakot ako na baka
magalit ka sa akin… Noong nakita nakita ko yung mga epekto ng ginawa ko,
lalo akong natakot…"