webnovel

Ang pagbisita sa mga magulang (6)

Editor: LiberReverieGroup

Hindi kaagad inistart ni Song Xiangsi ang sasakyan, at kalmado lang siyang

nakatitig sa malayo, na para bang may malalim na iniisip. Maya-maya, binuksan

niya ang zipper ng kanyang bag para kunin ang kanyang test result, na may

kasamang dalawang kahon ng folic acid.

Regular ang regla niya, pero ngayon, magiisang linggo na siyang hindi

dinadatnan. Hindi kagaya ng ibang babae, kabisado ni Song Xiangsi ang

katawan niya kaya bigla siyang kinutuban. Sakto, umaga lang ang trabaho niya

at may kailangan namang asikasuhin si Xu Jiamu sa opisina, kaya sinulit niya na

ang pagkakataon na dumaan sa ospital para magpacheck up, at kagaya nga ng

haka-haka niya… lumabas sa mga resulta na buntis siya….

Isang buwan ng buntis....mas maaga lang ng isang buwan ang dinadala ni Qiao

Anhao, kaya ibig sabihin, ang baby ni Xu Jiamu, o teka… ang baby na nasa

sinapupunan niya ay tatawaging ate o kuya ang baby ni Qiao Anhao kung

nagkataon.

Sa tuwing nagsesex sila ni Xu Jiamu, hindi nila nakakalimutang gumamit ng mga

contraceptives….

At kahit na maraming nagsasabi na hindi naman talaga 100% ang

kasiguraduhan ang condom, pitong taon na silang nagsasama at sa gabi-gabi

nilang pagsesex, ni isang beses ay wala naman silang nabuo, kaya sobrang

panatag niya na kahit magsex sila ulit ngayon pagkatapos nilang maghiwalay ng

ilang buwan ay wala silang mabubuo. Pero, sino ba namang magaakala na

sosorpresahin siya ng ganitong balita….

Sa totoo lang, wala naman talagang problema sakanya kung talaga ngang

magkaka'baby na siya kasi hindi na rin naman siya pabata. Kung dati, wala

siyang ibang ginawa kunfi ang banat ng buto para lang makaahon siya sa

kahirapan, pwes ngayon, na may pangalan at kakayahan na siya, ayaw niya

namang tumanda nalang siyang dalaga at maging magisa habambuhay. Kagaya

ni Qiao Anhao, gusto niya na ring magumpisa ng pamilya, at magkaroon ng

magagandang anak, na aalagaan at babantayan niya hanggang sa pagtanda.

Gusto niyang maging isang normal na babae at mamuhay ng masaya sa mga

natitira niyang araw bilang isang nanay at syempre, bilang isang maybahay.

Pero paano niya makakalimutan na ang tatay ng dinadala niya ay binili lang siya

sa halagang limang milyong RMB, pitong taon na ang nakakalipas, na sa

susunod na linggo nga ay magiging walong taon na, at hanggang ngayon ay

hindi niya pa rin nararamdaman na gusto siyang pakasalan nito.

Hindi nagtagal, medyo sumakit ang ulo ni Song Xiangsi sa sobrang kumplikado

ng mga bagay-bagay. Hindi man niya sabihin ng malakas, pero hindi niya

maitatanggi na may bakas ng lungkot sakanyang mga mata habang nakatitig sa

resultang hawak niya. Ang babaeng kilala ng lahat bilang sopistikada at

matapang….sino bang magaakala na sobrang lungkot pala nito sa tuwing

naiiwang magisa…

Pagkatapos ng ilang sandaling pananahimik, hinagis niya ang mga hawak

niyang papel sa backseat bago niya inisitart ang sasakyan at dahan-dahang

nagmaniobra palabas ng underground parking.

Sa kabila ng kabigatan ng traffic, naging pasensyosa siya at matyaga itong

sinuyod. Sa tuwing hihinto ang sasakyang nasa harapan niya, hihinto rin siya, at

sa tuwing gagalaw naman ito ay susunod din siya.

Sa kalagitnaan ng napaka abalang siyuadad, nanatili siyang tahimik at walang

reklamo dahil di hamak na mas abala ang kanyang isipan sa walang katapusang

mga katanungang bumabagabag sakanya. Tatawagan niya na ba si Xu Jiamu

para sabihing buntis siya, at malaman niya na kaagad kung interesado ba itong

akuin ang bata? Pero… malinaw naman sakanya na ayaw talaga siyang

pakasalan nito, at kung mapipilitan itong magpakasal sakanya dahil sa bata….

Mahal na mahal niya si Xu Jiamu, at alam ng Diyos kung ganao niya ito

kagustong maging asawa, pero ayaw niya namang ipagpilitan ang sarili niya. Isa

pa, hindi ba nakakaawa naman ang bata kung balang araw malalaman nito na

ginawa lang itong panakot para pakasalan siya ng taong matagal niya ng

pinapangarap?

Kaya napabuntong hininga nalang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho,

hanggang sa hindi niya namalayan na nakarating na siya sa labas ng Xu

Enterprise.

Dahan-dahan niyang inapakan ang preno, at tahimik na tinitigan ang napaka

taas na building ng ilang sandali habang pinagiisipan kung kakausapin niya na

ba si Xu Jiamu hanggang sa makumbinsi niya ang kanyang sarili at kalmadong

pumarada sa underground parking. Bago siya bumaba, sinugurado niya munang

dala niya ng mga resulta kaya isiniksik niya ang mga ito sa loob ng kanyang

bag. Pagkatapos, naglakad siya papunta sa elevator para makarating sa pinaka

mataas na palapag.

Ilang beses na rin siyang isinama ni Xu Jiamu sa Xu Enterprise kaya kabisado

niya kung saan ang opisina nito.

Pero mukhang may event ang kumpanya kasi noong dumaan siya sa opisina ng

secretary ay walang tao, kaya imbes na magreport muna ay dumiretso na siya

sa opisina ni Xu Jiamu.

Nakasarado ang pintuan kaya dahan-dahan niya itong binuksan, at kagaya ng

kabilang opisina, wala ring katao-tao sa loob nito.

Kaya naisipan niyang umupo nalang muna sa sofa para hintayin si Xu Jiamu,

pero nang sandaling makapasok na siya, may narinig siyang boses sa tabi ng

opisina.

Próximo capítulo