Dali-daling pinutol ni Qiao Anhao ang linya at binaba ang kanyang phone.
"Kanina ka pa jan?"
"Mga thirty seconds na." Binaba rin ni Lu Jinnian ang kanyang phone at hindi
nagtagal, muli nanamang nabalot ng kadiliman ang buong sports field. Ilang
segundo pa siyang nakatingala bago siya dahan-dahang tumingin kay Qiao
Anhao.
Bukod sa buwan at mga bituin, ang maliliit na ilaw nalang mula sa residential
area, na sobrang layo pa sa sports field, ang tanging naaninag nilang liwanag
pero sa kabila nito, kitang-kita pa rin ni Qiao Anhao ang nagniningning na mga
mata ni Lu Jinnian.
"Qiao Qiao, naalala mo pa ba ang lugar na 'to?" Malambing at mahinahong
tanong ni Lu Jinnian. Malinaw na patanong ang pagkakasabi niya pero bago pa
man makasagot si Qiao Ahhao ay bigla siyang nagpatuloy. "Noong taong
nag'first year high school tayo, dito tayo pinapunta para magreport bilang mga
new students. Doon tayo unang nagkita... Tandang tanda ko na sa harap yun
mismo ng stage, bandang gitna ng sports field..."
"Naalala ko," Sagot ni Qiao Anhao. "Hinanap namin ni Anxia si Brother Jiamu, at
sakto nakita namin kayong naguusap."
"En, pinakilala tayo sa isa't-isa ni Xu Jiamu. Naalala mo? Nagtago ka sa likod ni
Qiao Anxia sa sobrang hiya mo sakin tapos sabi mo, "Hello, ako si Qiao Anhao."
Habang inaalala ni Lu Jinnian ang unang beses na nagkita sila, nakangiti lang
siya at nagpatuloy, "Yun ang ang unang beses na kinausap mo ako."
"Eh ikaw nga nag "en" ka lang kaya diba si Brother Jiamu nalang ang nagsabi
ng pangalan mo?!," naiinis na sagot ni Qiao Anhao habang inaalala rin ang
detalye ng mga nangyari noong araw na yun.
"Hindi kaya... sabi ko 'hi'; hindi 'en'," pagtama ni Lu Jinnian.
Dahil napahiya, biglang sumimangot si Qiao Anhao sa inis.
Samantalang si Lu Jinnian naman ay natawa nalang habang pinagmamasdan
ang matampuhin niyang asawa at dahan-dahang hinimas ang mahaba nitong
buhok. Sa kalagitnaan ng sobrang dilim na sports field, muli siyang nagpatuloy,
"Qiao Qiao, diba may mga utang pa akong salita sayo?
"En?" Nagtatakang tumingin si Qiao Anhao kay Lu Jinnian. ";Ano?"
Pero nakatingin lang sa malayo si Lu Jinnian at muling nagsalita, "Qiao Qiao,
pwede ba kitang ligawan?"
Hindi inaasahan ni Qiao Anhao na ganito ang maririnig niya kay Lu Jinnian kaya
bigla siyang napanganga sa sobrang gulat.
Sa pagkakataong ito, nabalot nanaman ang buong field ng katahimikan at halos
isang minuto rin ang lumipas bago muling magsalita si Lu Jinnian, "Ngayong
hindi ka na nahihiya sa akin, Qiao Qiao, pwede ba kitang maging girlfriend?"
Biglang tumalikod si Lu Jinnian, at kahit na hindi nakikita ni Qiao Anhao ang
reaksyon ng mukha nito sa sobrang dilim ng paligid, ramdam niya kung gaano
kaintense ng nangyayari kaya para siyang naging estatwa na hindi makagalaw
sa kinatatayuan niya habang nakatitig lang sa likod nito. Sa totoo lang, may
kutob na siya sa sunod na sasabihin ni Lu Jinnian kaya lalo siyang kinabahan at
napahawak ng mahigpit damit niya.
Hindi nagtagal... may ilaw na nagbukas sa tabi ni Lu Jinnian na sinundan pa
pagliwanag ng kanyang kaliwa't-kanan
Hanggang sa muling magliwanag ang buong sports field...
At ang mga ilaw na ito ay biglang kumutitap kaya gulat na gulat niyang
pinagmasdan ang buong paligid. Sa gitna ng sports field, nakita niya ang
makukulay na Christmas lights na nakapatong sa mga damo na may mga
nakakalat pang Lisianthus petals.