"Young master, alam ko namang alam mong hindi pa handa si madam na
makita ka kaya mas mabuti siguro kung umalis ka nalang muna para hindi na
lumala ang sitwasyon."
Oo, tama si Auntie Yun, hindi pa nga handa ang mama niya na makita at
makausap siya ngayon kaya para matapos na ang lahat ay hindi na siya
nagpumilit at mahinahon na sumagot, "Auntie Yun, ikaw ng bahala kay mama
ha? Babalik ako pag naging stable na ang kundisyon niya."
Pagkalabas niya ng ospital, dumiretso siya sakanyang sasakyan, pero imbes na
pumasok ay sumandal lang muna siya sa pintuan ng driver's seat para
manigarilyo sandali habang nakatingala sa bintana ng kwarto ng kanyang
mama.
Dahil kakapasok lang ng tagsibol, tagos pa rin sa buto ang lamig ng hangin sa
Beijing.
Kaya noong sandaling maubos niya ang kanyang sigarilyo niya ay sobrang
nanginginig na ang kanyang mga daliri sa sobrang ginaw.
Tinapon niya ang upos sa katabi niyang basurahan at para mabawasan ang
ginaw ay kiniskis niya ang kanyang mga palad at nagmamadaling binuksan ang
pintuan ng kanyang sasakyan. Pero noong papasok na siya, muli siyang
natigilan dahil biglang nagring ang kanyang phone na nasa kanyang bulsa.
Nang kunin niya ang kanyang phone para tignan kung sino ang tumatawag,
hindi siya makapaniwala sa tumambad sakanyang pangalan na nasa kanyang
screen....
Sa totoo lang, hindi niya alam kung guni-guni lang ba ang nakikita niya kaya
ilang minuto pa ang lumipas na nakatitig lang siya sakanyang phone bago niya
pinindot ang 'answer button'. Huminga siya ng malalim at dahan-dahan na
inilapit ang phone sakanyang tenga,"Uy?"
Ilang segundo siyang naghintay bago niya marinig ang boses ni Lu Jinnian sa
kabilang linya, "Pwe ka ba mamayang alas sais?"
"Pwede naman."
"Gusto mo bang magdinner?"
"Okay. Walang problema," mahinahong sagot ni Xu Jiamu. "Doon pa rin ba sa
dati?"
"En," walang pagtutol na sagot ni Lu Jinnian.
At muli, bigla nanamang natahimik ang magkapatid hanggang sa may narinig
nalang si Xu Jiamu na dalawang malakas na katok mula sa linya ni Lu Jinnian
na hindi nagtagal ay sinundan ng boses ng assistant nito.
"Ay may ginagawa ka?" Tanong ni Xu Jiamu at pagkatapos niyang magsalita ay
bigla niyang sinipa ang isa niyang gulong. "Sige. Marami ka atang ginagawa.
Magusap nalang tayo mamaya."
"Okay, sige," mahinahong sagot ni Lu Jinnian bago nito putulin ang linya.
Dahan-dahang ibinulsa ni Xu Jiamu ang kanyang phone at taliwas sa balak
niyang pumasok na sa loob ng kanyang sasakyan kanina ay muli siyang
sumandal sa pintuan nito ng ilan pang sandali bago siya tuluyang sumakay at
magmaniobra paalis.
-
Mula noong nabasa ni Lu Jinnian ang laman ng love letter ni Qiao Anhao, hindi
na siya mapalagay at kahit naguumpisa na ang pangalawang parte ng meeting
ay wala pa rin siya sakanyang sarili kaya noong siya na ang magsasalita ay
ilang beses siyang nautal dahil wala siyang kaalam-alam sa mga pinagusapan.
Alas sinco pasado na natapos ang meeting kaya pinauwi niya na ng maaga ang
kanyang assistant bago siya bumalik sakanyang opisina para magreport kay
Qiao Anhao. Pagkatapos nilang magusap, dumiretso siya sa CR para magpalit
naman ng mas preskong damit at bumaba sa parking lot.
Alas sais ang usapan nila ni Xu Jiamu pero nakarating siya sa meeting place
nila ng 5:50.
Napagkasunduan nilang magkita sa isang private restaurant na nasa loob ng
national stadium. Sobrang bait ng may ari kaya kahit mahirap puntahan ang
restaurant ay marami pa ring bumabalik balik dito at nalaman niya lang ang
tungkol sa tagong restaurant na ito dahil dito sila laging nagkikita ni Xu Jiamu
noon.
Pinarada niya lang ng mabilisan ang kanyang sasakyan, at kagaya ng
inaasahan, pagkapasok niya sa loob ng restaurant ay wala manlang ni isang
customer. Nang sandaling makita siya ng may ari, nagmamadali itong tumayo
at binitawan ang hawak nitong calculator para batiin siya, "Oh Mr. Lu, nandito
ka na pala! Nandito na rin si Mr. Xu at hinihintay ka na niya sa paborito niyong
pwesto."
Tumungo lang siya.
Naglakad ang may ari papalapit sakanya para ihatid siya sa lamesa ni Xu
Jiamu. "Mr. Lu, ang tagal na noong huling beses kayong kumain dito ah! Pero si
Mr. Xu, madalas siyang pumupunta dito kaya lagi kitang hinahanap sakanya
pero ang lagi niya lang sinasagot ay busy ka raw."
Sumagot lang si Lu Jinnian ng isang mahinahon na "En", at sakto, nakita niya si
Xu Jiamu na tahimik na nakaupo san isang sulok. Mukhang medyo matagal n
itong naghihintay dahil dalawang bote na ng alak ang nauubos nito.
"Mr. Xu, nandito na po si Mr. Lu." Habang nagsasalita ng may ari naghubad si
Lu Jinnian ng kanyang jacket at dahan-dahang hinila ang upuan na nasa tapat
ni Xu Jiamu.