"Oo nga no! Sayang nakapagpa'autograph sana tayo!"
"Nakakalungkot naman…"
Sa gitna ng lahat ng mga lantarang nagpipicture sakanila, binuhat ni Lu
Jinnian si Qiao Anhao papunta sakanyang sasakyan.
Binuksan niya ang passenger seat at maingat itong pinaupo. Sa sobrang
pagaalala na baka hindi komportable si Qiao Anhao, dahan-dahan niyang
inatras ang upuan nito para mas makapag'inat ito ng binti.
Sa totoo lang, wala pa naman masyadong nararamdaman si Qiao Anhao,
siguro dahil isang buwan palang din ang bata, kaya sinabi niya kay Lu Jinnian
na hindi na kailangang iatras ang upuan niya.
Pero parang wala itong naririnig at patuloy lang sa pagpindot sa mga controls
ng upuan, "Ayan? Saan ka mas komportable?... teka, eh kung ganito? Mas
okay ba? Eh eto kaya?"
Noong hindi niya talaga makumbinsi si Lu Jinnian na tumigil, napairap nalang
siya sa inis at hindi na ito pinansin kata nang maramadaman nito na biglang
nagbago ang mood niya, bigla nitong binitawan ang control. "Qiao Qiao,
sigurado ka bang komportable ka na?"
"Lu Jinnian…" Kahit ang pinaka pasensyoso tao pa sigurong ang itapat kay Lu
Jinnian ngayon ay siguradong maiinis sa sobrang aligaga niya. Gusto niya
naman sana talagang kumalma, pero pagkatapos siyang tawagin ni Qiao
Anhao, parang walang nangyari at muli niyang inayos ang upuan nito, "Wag ka
na magseatbelt, baka sumakit yung tyan mo. Baka may mangyari sa baby."
Huminga ng malalim si Qiao Anhao para pigilan ang sarili niya. Gustong gusto
niya ng sigawan si Lu Jinnian, pero bandang huli, pinilit niyang ngumiti at
nagpaliwanag. "Ang sabi ng doktor dugo palang ang baby natin. Para lang
munggo ngayon kahit anong posisyon ko, wala pang mangyayari sakanya."
"Sinong doktor ang nagsabi niyan? Baka hindi siya nagiisip. Paano naman
magiging munggo ang anak ko?" Inis na inis na sagot ni Lu Jinnian habang
inaayos ang upuan ni Qiao Anhao. Ilang beses niyang niluwagan ang seatbelt
pero hindi talaga siya makuntento kaya bigla niyang tinignan ang kanyang
assistant, na dala ang mga ni Qiao Anhao, at sinabi, "Ikaw na magdrive, tatabi
ako kay Qiao Qiao."
"Sige, Mr. Lu."Nagmamadaling binuksan ng assistant ang backdoor, at muling
binuhat ni Lu Jinnian si Qiao Anhao para ilipat ito sa likod bago siya pumasok
at umupo sa tabi nito.
Hindi kagaya ng passenger seat, hindi pwedeng iatras ang backseat kaya sa
sobrang pagaalala niya na mangalay si Qiao Anhao, kumuha siya ng unan at
nilagay sa tabi nito, "Qiao Qiao, kamusta? Mas komportable ka ba?"
At… hindi pa siya nakuntento, kinuha niya ang unan at pinalitan ito ng mas
malaki, "Oh ito? Mas okay ba?"
"Eh.. kung sabay sila?"
Ayan nanaman siya… Kahit na nagaalala lang siya, nakakarindi pa rin habang
tumatagal!
Kaya sa inis ni Qiao Anhao, bigla niyang kinuha ang dalawang unan at
itinapon kay Lu Jinnian. Bukod sa pagod na siya, nawalan na rin siyang gana
na pumunta pa sa ibang lugar dahil sa sobrang kulit ni Lu Jinnian, kaya
walang pagdadalawang isip siyang tumingin sa assistant.
"Mian Xiu Garden!"