Sa puntong 'to, isa-isa ng tumulo ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni
Qiao Anhao.
Sa ibaba ng entablado, ang mga hurado na akala niyang hindi magiging
interasado ay dalang-dala na rin sa kwento niya.
Pinilit ni Qiao Anhao na ngumiti at dahan-dahang magpatuloy, "May
pagkakataon na umalis siya at iniwan niya ako. Pero bago umalis, nagemail
muna siya sa kaibigan niya… Soooobrang haba ng email at umabot yun sa
limang page at tatlo dun, ay puro tungkol sa isang babae…. Sa akin… at
hanggang sa pinaka huling linya, nandun pa rin ang pangalan ko."
Habang tumatagal, pautal-utal na si Qiao Anhao dahil dalang-dala na siya ng
kanyang emosyon. "Pagkalipas ng matagal na panahon, nalaman ko na
pumunta pala siyang America kaya pinuntahan ko siya. Noong nandun kami,
dinala niya ako sa isang Chinese Restaurant at dahil ako lang naman ang
kakain, isang ulam lang ang pinili ko, pero noong binigay ko na sakanya ang
menu… walang tingin-tingin siyang namili ng mga gusto niyang idagdag. Akala
ko, wala lang pero noong dumating na mga pagkain, doon ko lang narealize
na lahat ng inorder niya ay mga paborito ko.
"Noong oras na yun, gustong gusto siyang tanungin: Ilang beses kang
kumakain sa Chinese Restaurant na 'to? At ilang beses mo bang inoorder ang
mga paborito kong pagkain para makabisado mo na ang menu?
"Habang nagfifilm ako ng 'Heavenly Sword'… Medyo maliit lang ang budget
ng production tapos isang gabi, may magnanakaw na pumasok sa kwarto ko.
Siguro nagulat yung magnanakaw na bigla akong nagising kaya tinakluban
niya ng unan ang mukha ko hanngang sa hindi na ako makahinga.
Pero…nagpakita siya… niligtas niya ako…at nagmamadaling umalis. Noong
panahon na 'yun, magkahiwalay kami. Yun ang pangalawang beses na niligtas
niya ang buhay ko at kung nasa sinaunang panahon lang tayo, kapag niligtas
ka ng isang tao ng isang beses, ibig sabihin nun, iaalay mo na ang buhay mo
sakanila. Dalawang beses niya akong hinintay, kaya utang ko sakanya ang
buhay kong 'to at ang susunod kong buhay."
Habang nagsasalita si Qiao Anhao, karamihan sa mga manunuod ay nadadala
na rin at hindi na mapigilang umiyak.
"Wala akong intensyong magmayabang kung gaano ako kasaya, pero
masayang masaya talaga ako. Kahit na pagyayabang pa 'to, hindi ko naman
'to ikamamatay, diba? Basta ang gusto ko lang ay umakyat ako sa stage para
ikwento kung ano yung mga nagawa niya sakin. Ito ang unang beses na
maririnig niya kong magkwento, at kahit na hindi ko nasasabi ang mga ito
sakanya noon, nakatatak ang lahat sa puso ko.
"At… para tapusin ang kwento ko, may gusto lang akong sabihin sakanya."
Pagkatapos niyang magsalita, bigla niyang itinaas ang isa niyang kamay na
walang hawak.
"I." Ibinuka niya ang kanyang kamay para maging 'papel'
.
'Love.' Na naging 'gunting'.
"You." Na naging 'bato'.
"Mr. Lu, nagcoconfess sayo si Miss Qiao sa harap ng buong mundo!" Kinikilig
na bulong ng assistant.
Pero parang wala ng ibang nakikita si Lu Jinnian kundi si Qiao Anhao nalang
at nakatitig lang siya rito habang nakangiti.
Sa totoo lang, nalungkot siya noong una na hindi nito naperform ang
pinaghirapan nitong drum dance… Pero hindi niya naman akalain na
mapapalitan ito ng isang napakagandang sorpresa.
Papel, gunting, bato.
Ito ang pinaka magandang confession gamit ang hand sign na minsan niyang
ginamit para magconfess kay Qiao Anhao...
Parehong pareho sila ng ginawa… Ang pinagkaiba lang ay nakatayo ito sa
entablado at nagkwekwento sa lahat.
Sa dami ng sinabi ni Qiao Anhao, hindi pa siya kuntento at marami pa sana
siyang gustong idagdag, kagaya ng : "Minahal kita ng labintatlong taon." Pero,
bigla niyang naalala ang love letter na hindi niya naibigay kaya gusto niya
sanang maging parte ito ng isa niya pang sorpresa kaya sa pagkakataong ito,
pinigilan niya nalang ang sarili niya at yumuko. "Tapos na ang kwento ko.
Maraming salamat sainyong lahat."
Nabalot ng katahimikan ang buong paligid.
Bandang huli, biglang nahimasmasan ang assistant ni Lu Jinnian at dali-daling
pumalakpak na sinundan naman ng lahat kaya hindi nagtagal, napuno ang
buong venue ng hiyawan.