Pagkatapos magtanong ni Xu Jiamu, ilang sandali siyang nakatitig sa mga mata
ng taong nasa harapan niya bago siya dahan-dahang yumuko.
Kahit na pinipilit niyang mukhang kalmado, halata pa rin sa itsura na para bang
nahihirapan siyang magdesisyon.
Noong akala ng lahat na tapos na siya, bigla siyang naglabas ng USB at muling
ibinigay sa host, "Pwede ba kitang maabala ulit na iplay yung audio file na
sinave ko jan?"
"Ah…Sige," Naguguluhang sagot ng host.
Pero noong kukunin na ng host ang USB, biglang nagbago ang isip niya at muli
itong inagaw. Sa pagkakataong ito, ang kaninang napaka kalmadong Xu Jiamu,
ay biglang namutla ng sobra na para bang gusto niya ng magpalamon sa
lupa….pero pagkalipas ng matagal na pagdadalawang isip, tuluyan niya ng
pinakawalan ang takot at ibinigay ang USB sa host.
Hindi nagtagal, nangibabaw sa buong venue ang isang usapan…
"Ma, pwede ba akong magtanong sayo?"
"Sige anak."
"Alam mo bang gusto ng kapatid ko si Qiao Qiao?"
"Jiamu? Bakit mo naman biglang natanong yan?"
"Ma…Noong nacomatose ako sa ospital, hindi masabi ng mga doktor kung
kailan ako magigising at yun din ang panahon na nasa panganib ang Xu
Enterprise, kaya nilapitan mo ang kapatid ko at si Qiao Qiao para iligtas ang
kumpanya. Sa totoo lang… Base sa pagkakakilala ko sa kapatid ko, hindi siya
yung tipo ng tao na basta-basta nalang papayag na magpanggap bilang ako…
Pero ngayon… malinaw na ang lahat… dahil yun kay Qiao Qiao, Ma."
"Jiamu..."
"Ma, alam mong matagal ng gusto ng kapatid ko si Qiao Qiao, tama? Kaya
ginamit mo ang kahinaan niya para magpanggap bilang ako, at sinamantala mo
ang pagkakataon na pinilitin silang pumasok sa isang pekeng kasal, tama ako
diba?"
"Jiamu, ang tagal mong hindi binisita si mama…Minsan ka nalang umuwi kaya
pwede ba, wag mo ng banggitin ang bas…sila."
"Ma, ikaw din ang nagpakalat sa internet diba? Ikaw ang nasabi sa mga
reporters kung saan nakatira ang kapatid ko at si Qiao Qiao, diba? At… yung
dalawang picture nina Qiao Qiao at ng kapatid ko habang nagdidinner, diba
sinabi ko sayo na punitin mo na ang mga yun? Bakit hindi mo yun pinunit at
pinakalat mo pa? Ma, yung kapatid ko at si Qiao Qiao, mabait sila at wala silang
ibang gustong gawin kundi tulungan tayo, kaya bakit… bakit mo sila sinisira?"
"Jiamu, wag ka ng magalit…. Nangangako si mama, nangangako si mama na ito
na ang huli…"
At doon na natapos ang audio, kaya kung ano mang napagusapan na sumunod,
wala ng nakakalam…
Muli, nabalit nanaman ng katahimikan ang buong lugar.
Sa huling pagkakaton, si Xu Jiamu na tahimik na nakatayo sa gitna ng
entablado, ay muling itinaas ang microphone, "Sa tingin ko, sapat na ang mga
sinabi ko, tama ba? Ang nirecord kong paguusap ang sagot sa lahat ng mga
katanungan ninyo."
Oo…napaka raming ginawang masama ng nanay niya… sa kapatid niya… sa
best friend niya… at sa walang kamuwang muwang na bata… kaya nagalit siya,
nagtanim ng sama ng loob, at nagtago… pero kahit kailan, hindi niya naisip na
darating ang araw na tatayo siya sa harap ng maraming tao para ilaglag ito…
Alam niyang araw-araw siyang hinihintay nitong umuwi, dahil kahit sinong ina
naman siguro ay walang ibang iniisip kundi ang mga anak nito.
Noong umuwi siya kanina, alam niyang sobrang napasaya niya ang nanay niya,
na walang kaalam alam tungkol sa tunay niyang motibo. Sinadya niyang
ungkatin ang lahat para makakuha ng matibay na ebidensya…
Malinaw sakanya na kapag narinig ito ng lahat, tatantanan na ng mga tao ang
kapatid at best friend niya… at ang lahat ng sisi ay maibabaling sa nanay niya.