webnovel

Ang Lu Qiao Couple (5)

Editor: LiberReverieGroup

Samantalang siya? Hindi niya manlang inintindi ang sitwasyon ni Lu Jinnian at

masyado siyang nagpadala sa pansarili niyang kagustuhan na makaganti sa

mga nambabash sakanya sa internet at kay Lin Shiyi na wala naman talagang

ginagawang mabuti.

Habang naiisip niya ang mga sakripisyo ni Lu Jinnian para sakanya, lalo lang

siyang nakokonsensya at para bang pinaparamdam ng wallet nito na hindi siya

marunong makuntento sa pagmamahal na ibinibigay nito sakanya.

Kaya napayuko nalang siya sa sobrang kahihiyan…

Hindi nagtagal, sabay na lumabas ang assistant ni Lu Jinnian at ang shop

assistant na may dalang limpak limpak na mga bag. "Mr. Lu, nacheck ko na ng

mabuti ang lahat. Wala ng problema."

Tumungo si Lu Jinnian at hinawakan ang siko ni Qiao Anhao, "Tara, diba may

titignan kang damit?"

Sa pagkakataong ito, ayaw ng gumalaw ni Qiao Anhao dahil patong patong na

ang konsensya na nararamdaman niya.

Biglang kumunot ang noo ni Lu Jinnian at nagtatakang tumingin sakanya.

"Anong problema?"

Kinagat niya ang kanyang labi at umiwas ng tingin, "Sorry."

Alam niyang hindi maintindihan ni Lu Jinnian ang nangyayari…

Hindi niya ito kayang tignan kaya para gumaan kahit papaano ang pakiramdam

niya ay bigla siyang tumingin sa shop assistant at hindi mapakaling sinabi,

"Pwede ko bang ibalik lahat ng mga bag na 'yan?"

"Hah? Ms. Qiao, ayaw mo ba ng mga 'to?" Gulat na gulat na tanong ng

assistant ni Lu Jinnian.

Lalo pang kumunot ang noo ni Lu Jinnian, pero alam niyang may hindi tamang

nangyayari kaya imbes na mainis ay nanahimik lang siya at hinayaan itong

magsalita.

Aligagang tinignan ni Qiao Anhao ang mga magagandang bag na nakabalot at

itinuro ang una niyang pinili. "Yun lang talaga ang gusto ko, ibabalik ko na yung

iba."

Napahinto siya ng sandali at nagtanong, "Pwede ko pa bang ibalik?"

Ngumiti ang shop assistant at magalang na sinabi, "Pwede naman po.

Ipoprocess ko na po para sainyo."

"Sadlit lang." Sa pagkakataong ito, hindi na kayang manahimik ni Lu Jinnian

kaya sinenyasan niya si Zhao Meng at ang kanyang assistant na bigyan lang

sila ng konting oras. Hinawakan niya ang kamay ni Qiao Anhao at hinila ito

papunta sa katabing emergency exit, kung saan gusto niya itong kausapin ng

mahinahon. Magasawa na sila ngayon at alam niya at ayaw niyang magbulag-

bulagan sa pinagdadaanan ni Qiao Anhao kaya tinitigan niya ito at mahinahong

nagtanong, "Sabihin mo sa akin kung anong nangyari."

Itinikom lang ni Qiao Anhao ang kanyang mga labi at umiwas sa titig ni Lu

Jinnian.

Pero… kabisado siya nito kaya lalo pa itong lumapit sa mukha niya at maingat

na itinaas ang kanyang baba para titigan siya ng diretso sa mga mata. "Qiao

Qiao, alam kong may tinatago ka sa akin."

Alam niya naman hindi tanga si Lu Jinnian at talagang makakakutob ito na may

maling nangyayari noong sandaling pinabalik niya palang ang mga bag.

Isa pa, sigurado naman siya na kahit anong mangyari, malalaman at malalaman

din ni Lu Jinnian na pinagkakaisahan siya ngayon sa internet.

Wala naman talaga siyang balak na ilihim sa asawa niya ang pinagdadaanan

niya, pero ang gusto niya muna kasi sanang mangyari ay magpahinga muna ito,

pero dahil napasubo na siya sa ginawa ni Zhao Meng, hindi na siya pwedeng

magsinungaling, "Paggising ko kaninang umaga, nalaman ko na may scandal

pala ako… at nasa headlines pa."

Biglang natigilan si Lu Jinnian. Kinuha niya ang kanyang phone at nang buksan

niya ang Weibo, tumambad sakanya ang mga saitang [Qiao Anhao, Desperada

sa lalaki].

Dali-dali niyang pinindot ang topic at laking gulat niya nang makita niya ang

video na nakaattach na may kasama pang masasakit na comments. Habang

tumatagal, pakunot ng pakunot ang kanyang noo at bakas sa itsura niya ang

inis.

"Sa totoo lang, wala namang problema sa akin kung maheadline ako. Normal

lang naman sa mga artista na magkaroon ng scandal paminsan-minsan."

Pampalubag loob na pagpapatuloy ni Qiao Anhao para kumalma si Lu Jinnian.

Próximo capítulo