"Okay, maguumpisa na ko."
"Mmh."
Bago magkwento si Qiao Anhao, tinitigan niya muna si Lu Jinnian sa screen,
na para bang iniisip niya kung paano siya maguumpisa. Pagkalipas ng
sampung segundo, umubo siya at nagpatuloy, "Long time ago, may isang
babae at isang lalaki na sobrang nagmamahalan pero hindi nila alam na
pareho silang may nararamdaman para sa isa't-isa. Isang araw,
nagkayayayaan silang magdinner."
Habang nagkwekwento siya, bumalik sa alaala niya ang lahat ng nangyari
noong nakaraang Valentine's day…
"Sa sobrang excited ng babae, sinukat niya ang lahat ng damit na meron siya
sa closet bago siya makapili ng susuotin niya. Pagkatapos, dumiretso siya sa
katabing mall para magpa'makeup pero ala una palang ng tanghali noong
natapos siya sa lahat-lahat kaya ibig sabihin, may anim na oras pa siya bago
magumpisa ang dinner. Naglakad-lakad muna siya sa loob ng mall hanggang
sa maisip niya na pumunta sa male department para ibili yung lalaki ng
regalo.
"Kaso habang nakapila yung babae, may biglang nangyari kaya nagmamadali
siyang pumunta sa lalaki at pinagsabihan ito ng masasakit na salita. Siguro
hindi yun ang inaasahang marinig ng lalaki galing sa babae kaya bigla siyang
nagalit at umalis."
Malambing at mahinahon ang boses ni Qiao Anhao kaya masarap sa tenga.
Samantalang si Lu Jinnian naman ay walang kaimik-imik habang nakikinig ng
mabuti sa bawat sasabihin ni Qiao Anhao. Nararamdaman niya na may
pinatutunguhan ang kwento nito pero imbes na patigilin ito ay pinili niyang
manahimik at hayaan itong magpatuloy sa pagkwekwento.
"Noong oras na 'yun, sinubukang humingi ng tawad nung babae pero
masyadong galit yung lalaki. Sa totoo lang, hindi naman sinasadya nung
babae yung mga nasabi niya kaya noong nakita niyang galit na galit yung
lalaki, sobrang nakonsensya siya. Pero kahit anong gawin at sabihin niya,
ayaw na talaga siyang pansinin nito.
"At dahil din sa lalaki, nagkasakit ang isang auntie, na mula pagkabata ay
sobrang malapit talaga sa babae kaya naisipan niyang bisitahin muna ito."
Habang nagpapatuloy si Qiao Anhao, naalala rin ni Lu Jinnian ang mga
nangyari noong araw na 'yun. "Alam mo ba…hindi naman talaga nagalit yung
lalaki, nalungkot siya dahil kinumpara siya nung babae sa ibang tao. Noong
oras na naghiwalay sila, pumunta ang lalaki sa gym at tumakbo ng dalawang
oras para maglabas ng sama ng loob. Pero noong napagod na siya, narealize
niya na mayadong naging maikli ang pasensya niya kaya nagtext siya sa
babae para humingi ng tawad."
Huminga ng malalim si Qiao Anhao bago siya magpatuloy, "Pero ang hindi
alam ng lalaki… Noong pumunta ang babae sa bahay nung auntie, may mga
narinig siya na medyo nakasakit sakanya kaya nagpaalam muna siyang
bumaba para mag'CR. Noong nakita niya ang maganda niyang makeup sa
salamin, natakot siya na baka hindi na matuloy ang dinner date nila nung
lalaki dahil sa mga nasabi niya kaya gustong-gusto niya sanang itext ito para
manghingi ng tawad.
"Seryoso talaga yung babae na magsorry sa lalaki kaya inisip niyang mabuti
kung ano bang magandang laman ng message niya para magkaayos na sila
kaagad."
Nakatitig lang si Lu Jinnian kay Qiao Anhao at hindi nagsasalita.
"Sobrang tagal niyang nagisip bago siya mag'type sakanyang phone."
Kahit na kalmado ang boses ni Qiao Anhao, ramdam ni Lu Jinnian ang bakas
ng lungkot.
"Ito sana ang ang gusto niyang sabihin- Masyado akong naging emotional
kanina. I'm sorry. Sabi mo magdidinner tayo mamaya diba. Pwede ba tayong
magusap? Hihintayin kita sa bahay…"
Hindi makapaniwala si Lu Jinnian sa mga huling sinabi ni Qiao Anhao kaya sa
gilid ng kanyang phone na hindi nito nakikita, biglang nanginig ang kanyang
mga daliri.