Naghahamon na tanong ni Qiao Anhao, "Talaga? Aunt Xu, tignan nalang natin
kung sino ang matitirang matibay!"
Tinanggal ni Qiao Anhao ang kanyang earphones, pero noong ibababa niya na
ang tawag, bigla siyang may naalala – muli niyang sinuot ang earphones at
malambing na sinabi, "Oh, tama, nakalimutan ko pong sabihin na kasal na kami
ni Lu Jinnian. Lahat ng pinaghirapan mo para pabagsakin siya ay napunta lang
sa wala, kaya gusto kong malaman kung paano mo pa itutuloy ang laban mo
sakanya ngayon na nawala na sa kamay mo ang nagiisa niyang kahinaan?"
"Bwisit ka…" Gigil na gigil na sagot ni Han Ruchu, pero bago siya matapos sa
pagsasalita, bigla siyang inubo ng matindi.
Narinig ni Qiao Anhao ang pagmamadali ng housekeeper mula sa kabilang
linya, "Mrs. Xu, Mrs. Xu, ayos ka lang ba?
"Mrs. Xu, dumura ka ng dugo!
"Tumawag kayo ng ambulansya, bilisan niyo…"
Sa kabila ng mga narinig niya, wala siyang naramdamang kahit anong
pagkakonsensya, sa halip hindi pa rin nagpatinag ang galit na galit niyang
mukha.
Han Ruchu, natalo na kita noong gabi palang ng birthday mo!
At hanggang ngayon, nasa ilalim pa rin kita!
Pero wag kang magaalala, mula ngayon, magbabago na ang ikot ng mundo
dahil isinusumpa ko na hinding hindi ka na makakabangon muli!
-
Habang naglalakad pabalik sakanyang sasakyan, nakatanggap si Qiao Anhao
ng tawag mula kay Lu Jinnian.
Alas onse na ng gabi sa Beijing samantalang alas diyes naman ng umaga sa
America.
Bago lumipad ang eroplano, nagsabi na si Lu Jinnian sakanya na magkakaroon
ito ng emergency meeting pagkalapag na pagkalapag nito sa America, kaya
baka hindi ito makatawag kaagad. Labing limang oras ang byhae mula China
hanggang America kaya kung bibilangin, siguradong tapos na ang meeting nito
ngayon o baka nagpapahinga lang sandali.
Imbes na dumiretso sakanyang sasakyan, naglakad muna siya papunta sa
isang bench sa tabi ng mall. Mayroon itong katabing poste ng ilaw na saktong
saktong lang ang liwanag.
Dahil malalim na ang gabi, bilang nalang ang mga taong nasa loob ng mall.
Bihira nalang din ang mga dumadaang sasakyan kaya talagang napaka tahimik
ng buong paligid.
Nagsend sakanya si Lu Jinnian ng video call request, at pagka'accept niya ng
tawag, halos sampung segundo pang nagdilim ang screen bago niya makita
ang mukha nito.
Base sa nakikita niya sa likod nito, alam niyang nakabalik na ito sa hotel.
Halata ring kaliligo lang nito dahil nakasuot pa ito ng bathrobe at medyo basa
pa ang buhok.
"Qiao Qiao?"
"Bakit?" Sagot ni Qiao Anhao. Magsasalita pa sana siya ulit pero nakita niya sa
screen na biglang kumunot ang noo ni Lu Jinnian. "Nasa labas ka?"
Nagtatakang tinignan ni Lu Jinnian ang relo nito at sinabi, "Alas onse na ng
gabi jan sa Beijing, hindi ka pa ba nakakauwi? Magisa ka lang jan sa labas?
Hindi na ligtas. "
Noong itaas ni Lu Jinnian ang kamay nito para silipin ang oras, biglang
humigpit ang hawak ni Qiao Anhao sakanyang phone at napatulala sa relo nito.
Sa ilalim niyan, nandyan ba yung tinatago mong panget at napaka'sakit na
peklat?
Ilang sandaling naghintay si Lu Jinnian ng sagot ni Qiao Anhao pero napansin
niya na nakatulala lang ito kaya nagaalala siyang nagtanong, "Qiao Qiao?
Bakit? Anong nangyari?"