Alam niya sa sarili niya na hindi sakanya galing ang mga text na natanggap ni
Lu Jinnian, pero noong oras na 'yun, parang biglang huminto ang tibok ng
kanyang puso.
Halos sampung minuto rin siyang nakatulala bago siya mahimasmasan, pero sa
pagkakataong ito, wala siyang ibang maramdaman kundi matinding galit.
Medyo mainit sa loob ng study room pero kabaliktaran ang nararamdaman niya
dahil halos magyelo na siya sa lamig. Lumipat siya ng pwesto dahil medyo
nangalay na siya sa tagal niyang hindi gumalaw. Hindi niya matanggap ang
nangyari kay Lu Jinnian kaya sa sobrang bigat ng pakiramdam niya, hindi niya
na napigilang umiyak.
Kaya pala ganun nalang ang naging trato sakanya ni Lu Jinnian noong unang
beses silang magkita pagkatapos ng apat na buwan nilang pagkakalayo.
Kaya naman pala hindi siya nito pinakinggan, na para bang wala na talaga itong
pakielam sakanya, noong sinabi niyang naospital siya.
Kaya naman pala siya pinagtabuyan nito noong araw na akala niya ay magiging
maayos na sila dahil nakagawa na siya ng paraan para may mangyari sakanila.
Kaya naman pala ilag na ilag ito sakanya noong niyakap niya ito sa airport at
nagtapat siya na gusto niya rin ito.
Kaya naman pala nararamdaman niyang may pagitan pa rin sakanila kahit
ngayong kasal na sila.
Kaya naman pala…Kaya naman pala ang dami niyang hindi maintindihan…
Matagal na siyang kinukutuban pero ngayon niya lang naintindihan ang lahat.
Malinaw na sakanya ang lahat.
Kung hindi dahil sa pagmamahal ni Lu Jinnian… Kung hindi niya lang
aksidenteng nabasag ang porcelain doll…Kung hindi lang siya kinompronta ng
assistant nito…Kung hindi niya lang nalaman na siya pala ang babaeng
pinakamamahal nito sa loob ng labintatlong taon, hindi siguro siya magiging
ganito katapang at pursigido, dahil alam niya sa sarili niya na hindi niya
kakayanin kapag nawala nanaman yung huling pagkakataon na magkasama
sila.
Ang mga taong tunay na nagmamahalan lamang ang makakaintindi kung gaano
kasakit ang mga salitang "May karapatan ka ba?"
Lu Jinnian, naglaslas ka ba dahil nawalan ka na ng pagasa?
Nakakawalang pagasa naman talaga, diba?
Dahil ang babaeng sobrang minahal mo ay ang sama sama sayo.
Pero… paano mo pag nalaman mo na ang inaakala nating 'missed opportunity'
ay kagagawan pala ng isang tao.
Isang missed opportunity, isang missed opportunity… Maraming nagsasabi na
ang 'missed opportunity' raw ang pinakamalungkot na pwedeng maranasan ng
dalawang taong sobrang nagmamahalan dahil kailangan nilang tanggapin na
nakatadhana lang silang magkita pero hindi sila ang nakalaan para sa isa't-isa.
Sa totoo lang, walang nakakaalam kung ano ba talaga ang kwento bakit
nagkakaroon ng mga missed opportunities, pero kung pasisimplehin, ito yung
mga pagkakataon na hindi nakukuha dahil sa mga bagay na nagpupumilit
umeksena!
Han Ruchu, kakaiba ka talaga!
Matagal ng alam ni Han Ruchu na siya ang kahinaan ni Lu Jinnian kaya ginamit
ng babaeng yun ang nag'iisang bagay na nagpapasaya kay Lu Jinnian para
wasakin ang mundo nito!
Ibig sabihin, hindi totoong lumayo ang lalaking pinaka mamahal niya dahil lang
sa napagod na itong mahalin siya, kundi nagpakalayo ito dahil sobrang nadurog
na ang puso nito.
Kung ganun…wala siyang kaalam-alam na sa loob ng apat na buwang nawala
si Lu Jinnian, ay nabuhay pala ito sa kadiliman kaya noong hindi na nito kinaya
ang lungkot, naisip nalang nitong magpakamatay.
Han Ruchu, sisiguraduhin kong magbabayad ka!
Sakit, galit, pagkasuklam…
Halo-halo ang mga naramdaman ni Qiao Anhao at sa sobrang bigat ng puso
niya, pakiramdam niya ay sasabog na ang balingkinitan niyang katawan.
Sobrang nanginginig ang kanyang mga kamay kaya noong hindi niya na
mahawakan ng maigi ang kanyang phone, tuluyan niya na itong nabitawan at
nalaglag sa sahig.
Dahil masyado siyang nagpapanic, aksidente niyang napindot ang draft- at isa
message na hindi nasend ang muling umagaw ng ng kanyang atensyon.
[Qiao Qiao, ibabalik ko na kay Xu Jiamu ang Xu Enterprise, pwede bang bumalik
nalang tayo sa dati?]
Sa pagkakataong ito, hindi na kayang pigilan ni Qiao Anhao ang kanyang mga
luha kaya tuluyan na itong bumuhos.
Nakatanggap na si Lu Jinnian ng masasakit na text galing sakanya pero
naisipan pa rin nitong gumawa ng ganitong klaseng message…
Lu Jinnian, alam mo ban a sobrang hiyang hiya na ako sayo ngayon…
Dahan-dahan niyang ini'swipe pataas ang screen para pinadaanan ng tingin
ang mga text messages na pinadala sakanya ni Lu Jinnian sa loob ng apat na
araw na wala siyang malay.
Mahigit isang daan ang lahat ng mga text na sinend nito sakanya…Pero noong
nagising siya mula sa coma, wala pa sa sampung poryento ang mga nabasa
niya.
Sigurado na siya ngayon na kinuha talaga ni Han Ruchu ang SIM card niya.
Gaano naman kaya ito kasaya noong sinaktan at minaliit nito si Lu Jinnian sa
pamamagitan pa ng pangalan niya?